Chapter 5
“Mysterious Girl”***
I woke up exactly four in the morning.Napaaga masyado ang gising ko pero imbis na bumalik sa pagkakatulog, bumangon ako at pumasok sa banyo. Papasok na ako kahit madaling araw pa. Ayaw kong tumunganga at hintaying mag-umaga at isa pa, hindi rin naman ako makakatulog kaya naligo nalang ako at nagbihis.
Kinuha ko ang bisikleta ko na naka-park lang sa gilid ng pintuan ng bahay at sinakyan. Pinatakbo ko ito papuntang school. May mga tao pa naman sa paligid at may mga shops pang open 24/7 kaya it’s safe to go outside in this hour.
Pagdating ko sa gate ng school ay wala pa ang guard. Well, sino ba naman ang matinong tao ang papasok nang ganitong oras?
Okay lang naman kapag ako, hindi naman ako matino.
Pinark ko ang bike sa tabi ng upuan ng guard at binuksan ang gate. Mabuti nalang at bukas ito nang ganito kaaga. Napakatahimik ng campus. Even the sound of the leaves dancing in the air can hear. Nakabukas naman ang mga lamppost kaya hindi nakakatakot. And besides, wala naman akong dapat ikatakot.
Nagpasya akong ikutin muna ang campus. Inuna kong puntahan ang cafeteria pero closed ito. Sayang, gusto ko pa namang uminom ng kape. Umalis ako doon at naglibot-libot pa. It’s a good thing na walang CCTV dito dahil kung nagkataon, paniguradong yari ako. Ang yaman ng school na ‘to pero walang CCTV. What a shame.
Sa kakalibot ko ay hindi ko namalayang nakarating ako sa pinaka-dulong bahagi ng campus. May isang room doon na sa tingin ko ay hindi ginagamit. Aalis sana ako nang may marinig akong kumalabog. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa excitement. Malakas ang kutob kong may tao doon.
Dahan-dahan akong naglakad sa gilid ng room, iniiwasang makagawa ng ingay.
“Ugh!”
Mas lumakas ang loob kong tignan ang nasa loob nang marinig ko ang mahinang daing ng isang lalaki. Halatang nahihirapan. Kasunod nito ay narinig ko ang malakas na tawanan. Boses lalaki.
Tumayo ako nang tuwid at inilapit ang mga mata sa maliit na butas sa may bintana. Napangisi ako nang makita ko ang isang lalaking nakagapos sa isang upuan at dumudugo ang labi. Kapansin-pansin rin ang namamaga niyang pasa sa pisngi. May takip ang mata niya at base sa nakikita ko ay mukhang dinukot siya at dinala dito para pahirapan. Sunod kong tinignan ang mga lakaking nakapalibot sa kanya. Tatlo sila at hindi ko mga kilala. Ibang section siguro.
“Sino ba kayong mga putangina kayo?!” Sigaw ng lalaking nakagapos. Galit na galit ito habang pilit na kumakawala pero mukhang malakas ang pagkakagapos sa kanya.
Kawawang lakaki.
“Pakawalan n’yo ako dito tangina n’yo!”
Pero tumawa lang ang mga lalaki. Nagwawala pa rin ang lalaking nakagapos hanggang sa makita kong hinampas ito ng katabi niya sa bandang batok dahilan para mawalan ito ng malay. Kinalasan nila ito ng tali habang nagtatawanan. Pasimple akong nagtago sa isang malaking basurahan nang magtungo sila sa direksyon ko upang lumabas. Mabuti nalang at madilim sa parte na ‘to kaya hindi nila ako napansin. Nang makaalis sila, tumayo ako at pumasok sa loob.
“Kawawa nga naman, tsk tsk tsk.” Naiiling na sambit ko sa lalaking walang malay.
Nilapitan ko siya at mas lalong napailing nang makilala ko ito. Si Bakla pala.
“Bakla ka nga talaga. Akala mo kung sinong mayabang, wala naman palang binatbat.”
May nakita akong cellphone sa sahig kaya pinulot ko ‘yon. When I turned it on, I saw a picture of a girl. Si Bobita girl, naka-homescreen pa. Wala itong password kaya malaya kong pakialaman. Pumunta ako sa contacts at hinanap ang number ng mga kabarkada niya. Nang makita ko ang number ni Alyssa ay agad ko iyong tinawagan.
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl | ✔
Mystery / ThrillerYuri Montefalco thought that her life was worthless at all. She lost her bestfriend whom she cherished and spent her life the most---causing her life to become miserably alone. And because of that, her grandfather decided to bring her in a town call...