04 : Lola Martha

1.6K 66 1
                                    

Chapter 4
“Lola Martha”

***

“Happy 16th birthday, bes! Here’s my gift, hehe!”

“Akin na—ay, headphone? Ano ba ‘yan?!”

“Kunwari ka pang ayaw mo, akin na nga!”

“Joke lang, ‘to naman.”

“Ingatan mo ‘yan, ha, kung ayaw mong magtampo ako sa’yo.”

“Oo na! Ang corny mo.”

I bit my lower lip to prevent myself from crying. Ayaw kong umiyak, ayaw ko nang umiyak. I promised to myself that I won’t cry again. Kaya hangga’t kaya ko, pipigilan kong tumulo ang luha ko.

Ako si Yuri, isa akong matapang na babae.

I let out a heavy sigh and closed my eyes. Ang sarap ng hangin dito sa rooftop. It’s a good thing that I’m all alone here. No one can disturb and trigger the hell out of me.

Naka-ilang buntong-hininga ako bago ako tuluyang kumalma. Humakbang ako papalapit sa dulo ng rooftop at humawak sa railings nito. Kitang kita ko mula dito ang kabuuan ng Black Forest Academy. Kahit papaano ay nakalimutan ko ang nangyari kanina.

Nakatingin lang ako sa kawalan nang marinig kong bumukas ang pintuan ng rooftop. I didn’t bother to turn my back to see who it is. Naririnig ko ang mga hakbang niya papalapit sa kinaroroonan ko.

“U-Uhm, e-excuse me.”

Boses babae. Hindi ko na nilingon. Nakilala ko ang boses niya, si Bobita Girl.

“I-Ito nga pala ‘yong bag mo.”

Nilingon ko siya at nakita kong dala nga niya ang bag ko. Hindi ako nagsalita at tinignan lang siya. Dahan-dahan niyang binaba ang bag ko sa sahig at tumalikod. Aalis sana siya nang magsalita ako.

“You stay. May mga itatanong ako sa’yo.” Sabi ko.

Para siyang robot na humarap sa akin at dali-dali akong tinabihan.

“Uhm, bago ang lahat, I-I just want to say sorry sa ginawa ni Lio sa’yo at ‘yong a-ano, iyong kaninang umaga.” Mahinang sabi niya habang nauutal pa.

“Why are you saying sorry? Ikaw ba sila?”

“Ano kasi, they are my friends, so. . .”

Umikot ang mata ko sa narinig. Hindi na ako umimik pa.

“Ano nga pala ‘yong itatanong mo?” Tanong niya nang hindi ako nagsalita.

“Tell me who the hell is that guy who did this to me.” Itinuro ko ang kamay kong hanggang ngayon ay may tattoo pa rin. Mukhang hindi niya inaasahan ang itatanong ko. Nang makita niyang tumaas ang kilay ko ay agad siyang sumagot.

“He is Edward Cruz but popularly known as Red. Siya ang president ng Student Council kaya lahat ng utos niya ay nasusunod. Kinakatakutan siya dito dahil apo siya ng may-ari nitong school. Classmate natin siya, siya iyong katabi mo sa upuan.”

Presidente ng Student Council? Seriously? At apo ng may-ari ng school na ‘to? Kaya naman pala ang lakas ng loob niyang gumawa ng kalokohan katulad nalang nitong pesteng tattoo na sumisimbolo na isa akong Human Toy ng lahat ng studyente dito. Ang kapal ng amats ng lalaking iyon.

“Ako lang ba ang naging Human Toy kuno dito?”

“Hindi. Bago ka pa nag-transfer dito, may mga nauna na sa’yo. Kadalasan ay umaalis sila dahil hindi na nila kinakaya ang mga pinaggagawa sa kanila ng mga studyente dito. Iyong iba sa kanila ay nata-trauma at iyong iba naman ay sa hospital bumabagsak.”

Mysterious Girl | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon