18 : Her Other Side

1.6K 57 0
                                    

Chapter 18

Isang araw na ang lumipas at hindi pa rin pumapasok si Alyssa pati na ang tatlo niyang kasama. Natunaw na rin ang chismis tungkol sa putok ng baril dalawang araw na ang nakakalipas. Ang bilis talaga maka move on ng mga tao dito. Ni-hindi manlang nila pina-imbestigahan ang pangyayaring yun na nagdulot ng sugat kay Alyssa. Mga walang kwenta.

Kung iniisip niyong nag-aalala ako kay bobita girl, nagkakamali kayo. Wala akong pakialan kung nasugatan man ang tagiliran niya. Isa lang naman ang gusto kong gawin eh, ang mahuli ang may kagagawan nun-- hindi para sa kanya kundi para sa sarili ko. Tsk.

Sa ngayon, hinahanap ko pa kung sino ang may-ari nitong pulang ribbon na nakuha ko. Nang makita ko si Alyssa sa likod ng building na 'yun, doon nangyari ang mabilis na pag putok ng baril. Hindi ko nakita kung sino ang may kagagawan nun pero nag-iwan naman ito ng bakas para mahuli ko siya. Napaka tangang babae. Oo, babae. Paano ko nalaman? Dahil sa pulang ribbon na nakuha ko.

Ang nakakapag-painit lang ng ulo ko, ay ang mga putang 'to na ako ang pinagbibintangan sa nangyari at kung bakit nasa hospital ngayon si Alyssa. Libo-libong anghel ang tinawag ko para lang manatiling mabait at hindi isa-isahing putulin ang mga dila nilang lahat. Lalo na yung Eric at Jessica na yun, kung makapagbintang akala mo may alam sa totoong nangyari. Nakakainis lang.

"Good bye, class."

Bumalik ang diwa ko nang marinig ko ang sinabi ng kasalukuyan naming Teacher-- si Ms. Salazar. At katulad ng inaasahan ko, walang sumagot. Ako lang yata ang nakarinig since sa harapan ako nakaupo o baka naman wala lang talagang pakialam sa kanya ang mga kaklase ko.

Inayos na nito ang mga gamit niya at nagmamadaling lumabas. Sino ba naman ang gugustohing manatili sa silid na 'to? Tsk. Bakit pa ba kasi pumapasok pa ang babaeng yun dito? Eh halata namang takot na takot kapag nagtuturo.

Tumayo ako at sinabit ang bag sa balikat ko. Magcucutting ako, pupuntahan ko pa si Lola sa bahay nila.

---

《 Alyysa 》

"Oh come on, Aly! Wag mong ipagtanggol ang babaeng yun!"

Napabuntong hininga nalang ako at mahinang hinilot ang sentido ko. Nagising ako kahapon pa pero kailangan ko pa rin manatili dito dahil hindi pa tuluyang gumaling ang sugat ko. Nag-iingat rin ako dahil baka dumugo ito. Kailangan kong bumalik sa school para pasalamatan si Yuri at hanapin ang may gawa nito sa akin.

"Guys, makinig kayo sa akin." Seryosong sabi ko. Nakaupo si Jess sa sofa at sa tabi niya ay nakatayo si Lio at nakasandal sa pader, si Eric naman ay nakatayo sa gilid ng higaan ko. Kakaalis lang ni Yuna, dinadalaw niya ako dito kahapon pa.

"Nang pumutok ang baril, itinulak ako ni Yuri kaya nadaplisan lang ang tagiliran ko. Isipin niyo kung hindi niya ako niligtas, baka nakaburol na ako ngayon. Kaya please lang, wag niyong pagbintangan yung tao, kung talagang mga kaibigan ko kayo, magpapasalamat pa kayo sa kanya dahil ito lang ang tinamo ko. She saved me, yan ang totoo."

Hindi na sila nakapagsalita pa. Naiinis ako. Kahapon pa nila ipinapamukha sa akin na kasalanan ni Yuri kung bakit ako nandito, kahit ang totoo naman ay dapat ko pa siyang pasalamatan dahil niligtas niya ako. Oo, niligtas ako ni Yuri.

"Pero, sino ang may gawa nito sayo?" Tanong ni Lio. Natigilan ako sa pagkain sa apple at tinignan sila. Bumuntong hininga ako at nagsimulang mag kwento.

Last week pa ako nakakatanggap ng message galing sa isang unknown number. Noong una ay hindi ko pinapansin dahil baka wala lang magawa, pero dumating sa point na puro pagbabanta na ang natatanggap ko. Doon na ako nagsimulang kabahan at mangamba. Ayaw kong sabihin sa mga kaibigan ko dahil ayaw kong mag-alala pa sila. At ayaw kong tanggapin sa sarili ko na may nagbabanta sa buhay ko.

Mysterious Girl | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon