06 : Unknown Killer

1.6K 61 0
                                    

Chapter 06
“Unknown Killer”

***

I was too lazy to go school but I had no other option but to get my butt off from the bed and take a shower nang sa gano’n ay makapag-handa na ako para pumasok. Kung hindi lang dahil kay Lolo ay matagal na akong tumigil sa pag-aaral. Hindi naman kasi ako pumapasok sa paaralan no’ng nasa pudar pa niya ako, eh. Nasa mansion lang ako at kapag gabi na ay tinatakasan ko ang mga bodyguards at naglalakwatsa kung saan-saan. I told you, walang kuwenta ang buhay ko. Pero parang medyo nagkaroon na ng kaunting saya ngayong nandito ako. Bukod kasi sa wala ng mga bodyguards at maid na nakasunod sa akin ay naging malaya na rin ako. I can do whatever I want now that I’m all alone. But of course, I still know my limitation.

Maaga akong nakarating sa school. As usual, sinita na naman ako ng guard kung bakit nagbibisikleta raw ako eh ang iksi ng palda ko. Inirapan ko lang siya at sinabing bantayan niya ang bisikleta ko kundi lagot siya sa akin.

Umakyat ako sa building namin pagkatapos kong bumili ng mainit na kape at sandwich. Kinakain ko ‘yon habang tinatahak ko ang hallway papuntang room namin. Napaaga siguro ako kaya wala pang masyadong nagkakalat na mga studyente sa paligid. Saktong natapos ko ang kinakain ko nang makarating ako sa room. Mukhang may tao dahil sa mga boses na naririnig ko. Binuksan ko ang pintuan at pumasok.

Nandito pala ‘tong apat na ’to. Sinulyapan ko ang sugat ni Eric. May band-aid pa rin sa gilid ng labi niya at halata pa rin ang mga pasa sa mukha niya. Kawawang lakaki.

Mukhang hindi naman nila ako napansin kaya dumiretso ako sa puwesto ko at naupo. Sinubsob ko ang mukha ko sa arm-chair, nagbabakasakaling makatulog. Napuyat ako kagabi kakanood ng K-drama.

“Fuck, dude, until now hindi pa rin natin nalalaman kung sino ang may gawa niyan sa’yo.”

“I know their voices pero hindi ko kilala ang pagmumukha nila.”

“I’m sure taga ibang section ang mga ‘yon.”

“But what if kaklase lang natin ang mga gagong ‘yon?”

“No. Walang may lakas ng loob sa section na ‘to na gawin ‘to sa’kin.”

“Well, you’re right.”

Sandaling katahimikan.

“Sino ba mga nakaaway mo, Eric?” Boses ni Alyssa.

“Aly, sa dami ng nakaaway niyan, di na makilala kung sinu-sino.” Ani Lio, habang tumatawa.

“Shut up, pre.”

Ang iingay nila, tsk! Paano ako makakatulog nito. Ang lakakas pa ng mga boses. Bwesit.

“Hindi ko kayang palampasin ang ginawa nila sa akin.”

Saglit na naman silang natahimik. Muli akong pumikit at matutulog na sana nang muli na naman silang mag-ingay.

“Hanapin natin sila mamaya. I won’t stop not until I sue them. Hindi nila alam ang kinakalaban nila.”

Now, he’s copying my line. What a gay.

“Isa-isahin natin ang mga room—”

“Kilala ko sila.” Sabi ko.


Nag-angat ako ng tingin at tinignan sila. Nakatingin din silang lahat sa akin. Walang nagsalita sa kanila bagkus ay hinihintay na dugtungan ko ang sinabi ko. Napabuntong hininga ako.

Ano ba ‘tong ginagawa ko?

“Nasa last section sila.” Dugtong ko. Mukhang nagulat sila kung bakit ko ‘to ginagawa, na kinakausap ko sila na parang walang nangyari at the same time nagtataka pero nagkibit-balikat nalang ako.

Mysterious Girl | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon