17 : Gunshot

1.3K 61 5
                                    

Chapter 17

《Edward》

Binitbit ko ang bag ko at bumaba sa kusina. I saw my mom, preparing a breakfast for us. Kumuha lang ako ng bread sa table at uminom ng milk.

"Got to go." Tipid na sabi ko at kiniss siya sa pisngi. I hate it pero magtatampo siya kapag hindi ko yun ginawa. At ayaw na ayaw kong nagtatampo siya sa akin.

"Hey son." Tawag niya sa akin dahilan para mapalingon ako.

"What now, mom?"

"Don't you really remember her?"

"Who?" Inis na tanong ko. She's always like that, magtatanong tapos bibitinin ka.

"Yung nakatira sa tapat natin. Si Yuri." She said and smiled sweetly. I just rolled my eyes at her.

"Aalis na ako." Sabi ko at tumalikod na.

"Edward! Come back here!"

Inis kong ginulo ang buhok ko at bumalik sa harapan niya. "Direstsahin mo na nga ako, ma!"

"Haha okay! Ang sinasabi ko lang anak ay kung pamilyar ba kako sayo ang batang yun? Kasi para sa akin ay sobrang familiar niya, parang siya yung batang naging kaibigan mo 10 years ago."

"Kaibigan?" Takang tanong ko.

"Yes. Si ano ba yun, Yu...Yuyu? Hindi ako sure pero yun ang tawag mo sa kanya noon--"

"Mom!" I exclamied at mahigpit siyang niyakap. "Thank you! I love you mom!"

"Huh? Edward--Hoy bumalik ka dito!"

Hindi ko siya pinansin at lumabas na ng bahay.

---

Pagdating ko sa room ay siya agad ang hinanap ko, but she's not around. Nilapitan ko ang kaibigan niyang si Yuna para tinanungin kung nasaan si Yuri.

"Absent siya. B-Bakit?" Nauutal pero takang tanong niya at the same tine.

"Nothing. Sige." Tanging sagot ko at lumabas ng room.

Hinintay ko siya pero hindi siya pumasok buong araw. Gusto ko siyang hanapin pero hindi ko alam kung nasaan. I badly want to see her.

Napaayos ako ng upo nang makita ko siyang pumasok. Agad siyang hinarangan ni Lucas at Alyssa. Napangiti ako nang makita kong naiinis na siya, ibang iba na nga siya ngayon. No doubt kung bakit hindi ko agad siya nakilala.

"Stop staring." Rinig kong sabi niya. Hindi ako umiwas ng tingin na mas kinainis niya. Palihim akong napangisi at tinignan siya buong klase.

---

Mabilis akong nakarating sa bahay. Tinapon ko lang kung saan ang bag ko at kinuha ang suklay sa tabi ng TV.

"Oh anak, ang aga mo yata?"

Hindi ko pinansin si Mama at sinuklay ko ang buhok ko. Napangiwi ako sa sakit. Ganito na ba talaga katigas ang buhok ko? Tsk. Makagamit nga ng conditionar mamaya.

"May lakad ka ba? Himala at inaayos mo yang buhok mong isang taon nang hindi nasusuklayan." Sabi niya at tumawa ng malakas. Ganiyan talaga yan, ang tanda tanda na pero ang lakas mang-asar.

"Ma, papupuntahin ko dito yung nakatira sa tapat natin ah?" Sabi ko. Binaba ko ang suklay at pinagmasdan ang mukha ko sa salamin.

"Kaya naman pala eh! Okay, I'll bake a cake, hehe."

Lumabas ako ng bahay at naglakad sa bahay na katapat lang namin. Kumatok ako ng isang beses at naghintay na may magbukas. Nang walang mangyari ay inulit ko pa at mas nilakasan, pero wala pa rin. Sunod-sunod akong kumatok at mas malakas. Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang isang babaeng inis na inis. Kumunot ang noo niya nang makita ako. Siguradong nagtataka 'to kung bakit ako nandito.

Mysterious Girl | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon