36 : Fear

775 35 0
                                    

Chapter 36

《 Lio 》

"Sundan niyo 'ko." Sabi ni Red at lumabas na ng room. Nang makita kong tumayo sina Yuna at Alyssa ay sumunod kami nina Jess at Eric. Sabay sabay kaming lumabas ng room at alam kong nakasunod sa amin ang tingin ng mga kaklase ko lalo na si Sheena. Kung hindi lang nakakabaklang tignan ay kanina ko pa siya sinapak, pero dahil good boy pa rin ako at malaki ang respeto ko sa mga babae, palalagpasin ko ang mga sinabi niya.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad nang matanaw namin si Lucas na patakbong lumalapit sa amin at sumabay kay Red. Napansin ko ang kambal na sina Alexander at Alexandra na nakatingin sa amin, mukhang ako lang ang nakapansin sa kanila. Iniwas ko nalang ang tingin ko at hindi sila pinansin.

Nakarating kami sa rooftop at mabuti nalang ay walang tao. Agad kong nilock ang pintuan at tumabi kay Jessica. Nakatingin lang kami kay Red na mukhang malalim ang iniisip. Ilang sandali pa ay humarap siya sa amin at tinignan kami gamit ang seryosong tingin na lagi naman naming nakikita noon.

"Nakita niyo ba si Yuri ngayong umaga?"

"Wala." Pare-parehong sagot namin. Hindi ko pa siya nakikita ngayong umaga.

"Nabalitaan niyo na ba ang nangyari kay Erika?" Muling tanong niya.

Nagsi-tanguan kami pero walang nagsalita.

"Alam kong pare-pareho lang tayo ng iniisip. Kaya ko kayo kinakausap ngayon dahil may sasabihin ako."

Mas lalo kaming sumeryoso at hinintay ang sasabihin niya.

"Balak kong ipatingin si Yuri sa isang kakilala kong shaman para malaman natin kung bakit nangyayari sa kanya ito."

Saglit kaming natahimik dahil sa sinabi niya. Ilang sandali pa ay si Yuna ang unang bumasag sa katahimikan.

"S-Sa tingin ko ay parang... parang sinasaniban siya?"

"Nung nakita natin na pinapatay niya yung lalaking sumunog sa bahay ng lola niya, tingin ko ay hindi siya yun. I mean, hindi siya si Yuri... parang ibang tao yun." Komento rin ni Alyssa.

"At nang matauhan siya ay nakita natin kung paano siya nagulat hindi ba? Kung ganun, tama pala ang iniisip kong sinasaniban siya ng kung sinumang espiritu." Sabi naman ni Jessica.

"Pero paano kung siya talaga yun?" Huli na nang mapagtanto ko ang lumabas sa bibig ko. Natahimik sila at napatingin sa akin. Napalunok nalang at napayuko.

"What do you mean, Lio?"

"Paano kung siya talaga ang pumapatay? Paano kung hindi siya sinasaniban o ano pa man, paano kung--"

"Edi gagawa tayo ng ibang paraan. Hindi natin siya hahayaang makapatay pa ulit." Putol ni Lucas sa sinasabi ko.

Napabuntong hininga nalang ako at tumango-tango. Mas mabuting hindi nalang ako magsalita, baka kung ano na naman ang masabi ko.

"So, nagkakaintindihan na ba tayo?" Tawag-pansin sa amin ni Red. "Okay lang sa akin kung hindi kayo sasama, mas makakabuti rin siguro kung iiwas kayo kay Yuri."

"Bakit kami iiwas? Kaibigan namin siya pre, kaibigan natin. Kaya sasama kami sayo." Mabilis na sabi ni Eric na kanina pa tahimik at nakikinig lang. Nakita kong napangiti si Alyssa ganun rin sina Yuna at Jessica.

Tumango-tango si Red. "Sang-ayun ba ang lahat?"

"Oo."

---

《 Jessica 》

Sabay sabay kaming pito na lumabas ng school at nagtungo sa bahay nina Yuri. Malapit lang naman ang bahay nila mula dito sa school kaya nilakad nalang namin. Nang marating namin ito ay naunang pumasok si Yuna at sumunod kami.

Mysterious Girl | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon