07 : I found you, Killer!

1.5K 61 3
                                    

Chapter 7
“I found you, Killer”

***

Pansin kong natigilan ang lahat at napatingin sa akin nang pumasok ako. Hindi katulad ng room namin na parang laging may giyera, dito ay tahimik lang sila at mahinang nagkukwentuhan. Nilapitan ko ang isang lalaki na nakikipag-usap sa katabi niya. Nakasunod pa rin sa akin ang tingin ng karamihan. Sino ba naman ang hindi magtataka kung bigla-bigla nalang papasok sa room n’yo ang hindi n’yo kaklase.

“Sumama ka sa’kin.” Sabi ko sa lalaki nang makalapit ako. Mukhang nagulat siya at napatingin sa mga kaklase niya na nakatingin rin sa direksyon namin.

“B-Bakit?”

“Sumama ka nalang. Bilis.”

Naglakad na ako palabas ng room nila and luckily, sumunod ang lalaki. Nagtungo ako sa ilalim ng nag-iisang napaka-laking puno dito sa campus. Sa ilalim nito ay mga benches na gawa sa semento. Bilang lang sa daliri ang nakatambay kaya dito ko siya naisipang kausapin. Umupo ako sa isang bench at hinintay na makalapit siya.

“Ano’ng kailangan mo sa’kin?” Agad nitong tanong. Nanatili siyang nakatayo sa harapan ko at mukhang naiinis.

“Kilala mo ‘yong lalaking nahulog mula sa rooftop, hindi ba?”

I saw how his expression changed, from being annoyed to dejected. He then sighed in a sorrow and looked away.

“Oo. He’s my bestfriend, si Rey.” Sabi nito.

So, Rey pala ang pangalan niya.

“Ano’ng klase siyang tao?” Tanong ko. Tinignan niya ako nang matagal na para bang sinusuri ako. Malamang ay nagtataka siya kung bakit ko ito tinatanong. Pero ilang sandali pa ay sumagot siya.

“Mabait na tao si Rey. Tahimik lang siya at wala akong matandaang ni-isa na naka-away niya. P-Pero no’ng isang araw, bigla ko nalang nabalitaan na p-patay na siya. Nakakalungkot mawalan ng kaibigan pero mas nakakalungkot dahil hindi ko man lang siya nadamayan sa problemang dinadala niya.”

Problema?

“Ano’ng problema?”

“Nagpakamatay siya dahil nalaman niyang may taning na ang buhay ng mama niya. Huli na nang malaman ko ‘yon kaya hindi ko man lang siya nadamayan at ngayon, w-wala na siya. Wala na ang kaibigan ko.” He bursted into tears. I pity him, kung tutuusin, pareho kaming nawalan ng kaibigan and I know how hurt it is.

But I’m not here to comfort him, I’m here to find out something and I think, it will be succeed.

“Can you give me their address?” Tanong ko. Tumango siya at binigay sa akin ang address na hinihingi ko. Tumayo ako at tinapik siya sa balikat. Napabuntong hininga nalang ako bago tinahak ang daan papuntang gate. As usual, alam kong mahihirapan akong makalusot.

“Hindi ka puwedeng lumabas, bata.”

Nakakainis ‘tong school guard na ‘to pero mas nakakainis ang tinawag niya sa’kin. Bata? Do I look a kid in his fucking eyes? Eh, kung bugbugin ko kaya siya nang makita niya kung sino ang tinatawag niyang bata? Tsk.

“May importante nga akong kukunin sa bahay!” Sigaw ko sa kanya.

“Aba’t! Sinisigawan mo ba ako?” Bulyaw naman niya at akmang ipapalo sa akin ang hawak niyang tubo.

“Hindi puwedeng lumabas ngayong class hours pa. Bumalik ka sa classroom mo.” Sabi niya at muling umupo sa upuan niya.

Muli akong nagpakawala ng buntong hininga. Kung doon pa ako dadaan sa puno ay baka maligaw na naman ako at baka matagalan akong makapunta doon.

Mysterious Girl | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon