Chapter 30
Niyakap ko ang sarili ko nang makaramdam ako ng lamig. Nakaupo ako sa duyan na ginawa ko dito sa balcony, nakatingin sa kalangitan at pinagmamasdan ang pagpatak ng ulan. Masyadong malakas ang ulan at isama mo pa ang malakas na hangin kaya ang lamig ng panahon.
Malalim na ang gabi pero hindi ako makatulog. Kaya kagaya ng lagi kong ginagawa, tumambay ako sa balcony pero dahil walang mga bituin, ang malakas na buhos ng ulan nalang ang pinapanood ko. Kahit papaano ay nalilibang ako.
"Bakit hindi ka pa natutulog?"
Lumingon ako sa likuran nang marinig kong may nagsalita. "Sorry kung pumasok ako sa kwarto mo."
Si Yuna. Naglakad siya papalapit at tumabi sa akin. Medyo maliit lang ang duyan kaya dumikit ang braso niya sa braso ko. Akala ko kusa akong lalayo pero hindi, bagkus ay pinabayaan ko nalang. Hindi naman ito ang unang beses na tumatabi siya sa akin.
Ganito na ako, hindi maintindihan ang sarili, hindi makontrol, at hindi alam ang mga susunod na kilos. Hindi ko alam pero nagising nalang ako isang araw na parang may kahati na ako sa katawan ko. Nakakapanibago. Pero ang mas nakakapagtaka, ni-hindi manlang nag-react ang katawan ko. Parang sinasabi nito na hindi ko na dapat isipin ang bagay na yun.
"Ito oh, ipinagtimpla kita ng milk."
Tinignan ko ang basong inaabot niya at kinuha yun. Sumipsip ako ng kaunti habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa madilim na kalangitan. Walang nagsasalita sa amin at sa tingin ko ay pinapanood niya rin ang malakas na buhos na ulan.
"Hindi ka ba natatakot sa akin?"
"Huh?"
"Isa akong demonyo. Mamamatay tao ako at malay mo baka sa isang iglap lang ay mapatay rin kita."
Naghari ang mababang katahimikan at ramdam ko ang titig niya sa akin. Akala ko hindi siya sasagot pero ilang sandali pa ay nagsalita siya.
"Gusto kitang layuan pero kaibigan kita eh, at hindi kita kayang iwan."
Kaibigan?
Bakit parang may humaplos sa puso ko nang marinig ko ang salitang yun?
---
Kinabukasan ay hindi pa rin tumitila ang malakas na ulan. Mukhang may bagyo pa yata. Pumasok si Yuna kaya naiwan ako sa bahay. Nang matapos akong kumain ay bumalik ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame at blangko ang isipan. Nang mangawit ako ay tumayo ako at napatingin sa bag na nakasabit sa gilid ng kama.
Tinali ko ang buhok ko at kumuha ng bondpaper at nilapag sa side table. Balak kong mag-paint dahil wala naman akong gagawin. Nilapitan ko ang bag ko at kinuha ito.
"Ano 'to?" Bulong ko sa sarili ko nang makita ko ang isang itim na notebook.
Paano ito napunta dito? Sa pagkakatanda ko ay nasa bahay ito ni Lola? Kinuha ko ba? Pero hindi ko maalala. O baka naman binigay niya rin sa akin at hindi ipinaalam dahil alam niyang hindi ko rin tatanggapin.
Kinuha ko ang notebook at umupo sa kama. Napangiti nalang ako ng mapait nang makaramdam na naman ako ng kirot sa bandang dibdib ko. Hindi lang pala ang kuwintas na yun ang natanggap ko mula sa kanya, pati rin pala itong notebook.
"Lola, namimiss na kita." Bulong ko habang hinihimas ang notebook. Tumayo ako at inilapag ito sa tabi ng kuwintas at pumasok sa banyo. Papasok nalang ako sa school.
---
《 Jessica 》
"Ang sarap nito noh?"
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl | ✔
Mystery / ThrillerYuri Montefalco thought that her life was worthless at all. She lost her bestfriend whom she cherished and spent her life the most---causing her life to become miserably alone. And because of that, her grandfather decided to bring her in a town call...