02 : First day of class

1.9K 74 1
                                    

Chapter 2
“First Day of Class”

***

I woke up late in the morning. I also forgot that today is my first day to go to Forest academy and yet I’m late but I didn’t mind it. Who cares, anyway.

I took a shower at nagluto ulit ng noodles para makakain. Hindi ako nagmamadali dahil wala naman akong pakialam kahit late ako. Duh? So, what now kung late ako sa unang araw ng pasukan? As if I care.

Nang matapos akong kumain ay itinapon ko sa basurahan ang kalat at bumalik sa kuwarto ko. Binuksan ko ang cabinet at kinuha ang magiging uniform ko. I wore it and examined myself in the mirror.

Kulay navy blue ang skirt na above the knee at may stripe na white. Ang blouse naman ay navy blue rin pero may strip rin na white sa gilid. Sa madaling salita, ang cute ng uniform.

Sinuot ko ang headphone ko at kinuha ang backpack ko. Nilugay ko na rin ang maikli kong buhok at ang bangs ko. I checked the clock and it says 10:30 in the morning. Mukhang maaga pa naman ako.

Lumabas ako ng bahay at ni-locked ito. 10 minutes ang lalakarin bago makarating sa school. Nandoon ulit ‘yong guard pero this time, may hawak na siyang itim na tubo. Nakatayo siya sa gilid ng gate sa mismong pasukan. Mukhang late nga ako. Wala na kasing dumadaan na studyente.

“Hoy, ikaw!” Tawag niya sa akin nang makita niya akong nakatayo lang. Lumapit ako sa kanya.

“Alam mo bang first day of class ngayon?” Tanong nito.

“Oo.”

“Alam mo naman pala, eh, bakit ka late?!”

Ang walang hiyang guard, sinamaan ako ng tingin at mukhang ipapalo pa sa akin ang hawak niyang tubo.

“Masama bang ma-late sa first day of class? At isa pa, wala pa namang regular na klase diba?” Bagot na sabi ko.

"Aba’t!" Pumikit ito at hinimas ang sentido. “Pumasok ka na.”

Inirapan ko muna siya bago pumasok sa malaking gate. Akala niya, ha.

———

Malawak. Malinis. Maganda.

I didn’t expect that this is what would welcome me. Akala ko dahil malayo ito sa siyudad ay maka-luma ang school dito. But I was wrong. Wala pa akong nakikitang ganito ka-gandang school.

Malalaki ang mga buildings. May iba't ibang flowers na nakahilata sa gilid ng pathway. Napapalibutan rin ng puno ang paligid kaya hindi ka masyadong nasisinagan ng araw kapag naglalakad ka. May mga benches rin na nakapila sa gilid ng mga puno at may mga studyenteng nakatambay doon. I hate expressing the amazement that I feel pero hindi ko mapigilan dahil sobrang ganda talaga ng nakikita ko. Napaka relaxing ng kapaligiran. Ang naka-agaw ng pansin ko ay ang malaking puno na nakalagay sa gitna ng quadrangle. May iba’t ibang decoration na nakalagay doon kaya ang gandang pagmasdan.

Pero kahit gaano pa kaganda ang nakikita ko, hindi pa rin maiwasang hindi uminit ang ulo ko. Paano ba naman kasi, lahat yata ng nadadaanan kong studyente ay napapatingin sa akin. Like hello? Ngayon lang ba sila nakakita ng diyosa? Tsk.

“Transferre?”

“I think so. . .”

“She’s so cute. Ang cute ng mga mata niya.”

“Saan kaya siya galing?”

“Oh my god! Transferre means Human Toy!”

“Yeah. Kawawa naman siya.”

Mysterious Girl | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon