37 : Missing

798 35 2
                                    

Chapter 37

《 Alyssa 》

Isang linggo na ang nakalipas simula nang maglaho siya na parang bula. At sa loob ng isang linggo na yun, halos lahat kami pagod at walang tulog. Halos malibot na namin ang buong Forest Town sa kakahanap sa kanya pero bigo kami. Wala din kaming makontak na kamag-anak o kakilala niya para itanong kung nasaan siya. Wala tuloy kaming mapagtanungan kaya kami nalang ang kusang kumikilos para hanapin siya.

Pero sabi nga nila, mahirap hanapin ang taong nagtatago.

Muntik ko nang makalimutan na bigla lang pala siyang sumulpot dito at ngayon, bigla na naman siyang naglaho.

She's a mysterious girl after all.

"Ito, kumain ka na." Biglang sumulpot si Eric sa tabi ko at nilapag ang tray na puno ng pagkain sa harap ko. Umuwang pa ang bibig ko nang makita ko kung gaano karami ang pagkain na kinuha niya sa akin.

"Ubusin mo yan. Tignan mo yang katawan mo oh, ang payat payat mo na."

"Sa tingin mo mauubos ko 'to?" Sarkastikong tanong ko. Ngumiti siya at mabilis akong hinalikan sa pisngi.

"Share nalang tayo."

"Mabuti naman." Sabi ko at pilit tinatago ang gustong kumawalang ngiti sa labi ko.

"Tignan mo 'tong dalawang 'to, ang lalandi."

Nginiwian ko lang si Jess na bigla ring sumulpot at umupo sa harap ko.

"Sus, inggit ka lang eh. Magtapat ka na kasi sa akin para may baby ka rin." Pang-aasar sa kanya ni Lio sabay tabi sa kanya. Natawa ako nang hampasin siya ni Jess sa likod. Narinig pa namin ang tunog nito at sigurado akong kung may kinakain lang si Lio ay malamang mailuluwa niya.

"Aray ko! Napaka sadista mo talagang babae ka. Pasalamat ka mahal kita kundi,"

"Kundi ano?" Pagbabanta sa kanya ni Jess.

"Kundi hahalikan kita."

Napailing nalang ako nang muli siyang hampasin ni Jess.

"Guys,"

Biglang dumating si Yuna at naupo sa tabi ko. Nandito kasi kami sa cafeteria at kumakain, well may pag-uusapan na rin. Sina Red at Lucas nalang ang kulang.

"Oorder muna ako," Tumayo si Yuna pero pinigilan ko siya. "Dito ka nalang kumain sa pagkain ko, masyadong marami eh, hindi ko kayang ubusin."

"Pero paano ako?" Tanong ni Eric.

"Kumuha ka nalang." Sagot ko sa kanya. Napakamot siya sa ulo niya sabay tayo at lumapit sa counter.

"Hindi mo ba nakita sina Lucas?" Tanong ni Jess kay Yuna.

"Hindi. Galing kasi ako sa faculty."

"Wag kang masyadong magpapagod, hindi pa magaling yung sugat mo." Nag-aalalang sabi ko sa kanya.

Ngumiti lang siya. "Magaling na 'to. Don't worry."

Last week, noong araw na biglang nawala si Yuri, nadatnan namin si Yuna sa bahay nila na namumutla at may sugat sa tiyan. Mabuti nalang at nadala namin siya sa hospital. Pero noong tinanong ng doctor kung saan niya yun natamo, sinabi namin na nakalmot lang siya ng mabangis na hayop kahit alam namin kung sino talaga ang gumawa sa kanya nun.

"Nandito na sila." Sabi ni Lio.

Dumating sina Lucas at Red at naupo sila sa natitirang bakanteng upuan. Iisa lang kami ng table kaya malaya kaming makapag-usap. Dumating rin si Eric at naupo sa tabi ko.

Mysterious Girl | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon