24 : Magical

1.3K 54 0
                                    

Chapter 24

Wala sana akong balak pumasok ngayon dahil late na rin naman ako, pero nabobored na ako sa bahay kaya kahit alas-nuwebe na ng umaga ay nagbihis ako at pumasok. Sumakay ako sa bisikleta ko para mapabilis ang pagdating ko sa school.

Isang matalim na tingin ang ipinukol sa akin ng guard nang magpark ako sa mismong harap niya.

"Late ka na nga tapos nag-bike ka na naman. Ano ba talaga ang plano mo sa buhay mo, huh bata?"

"Una sa lahat, hindi ako bata at pangalawa, wala ka nang pakialam doon. Ikaw na bahala sa bike ko at lagot ka sa akin kapag nadumihan yan."

Nakita kong naiiling lang siya pero hindi ko na siya pinansin. Pumasok na ako sa gate at nakita kong maraming nagkakalat sa studyente sa quadrangle. Break time na ba? Saktong sakto pala ang pasok ko.

Imbis na dumiretso sa room ay sa cafeteria ako dinala ng mga paa ko. As usual, marami na agad ang tao. Lumapit ako sa counter at pinuno ng pagkain ang tray ko. Libre naman eh kaya lubos-lubosin na.

Naghanap agad ako ng table at nakita kong may bakante sa pinakalikod. Mag-isa akong umupo doon at tuwang tuwang kinain ang sandwich ko.

"Yuyu, paupo kami ah?"

Nabitin sa ere ang isusubo ko sana nang biglang may umupo sa magkabilang gilid ko. Ang mga bwesit na 'to. Sino pa ba edi sina Edward at Lucas. Umirap ako at padabog na sinubo ang tinidor na may lamang kanin.

"Yuri, akala ko hindi ka papasok?"

Si Yuna na naman ang dumating at umupo sa harapan ko. Akala ko siya lang pero may dumating pang apat na nagtatawanan at walang paalam na umupo sa table ko. Hindi ko alam kung pasasalamatan ko ba ang gumawa sa table na 'to na sampung tao ang makakaupo o ano. Tsk. Sa huli, naging walo ang kanina'y ako lang.

"Tapos na ako." Sabi ko at tatayo sana pero naramdaman ko ang paghawak ni Red sa kamay ko.

"Hindi mo pa nauubos yang kinakain mo."

"Tsaka alam kong gutom ka, Yuri. Hindi ka pa kumakain, diba?" Singit ni Yuna. Pinandilitan ko siya ng mata at inirapan. Wala na akong nagawa kundi maupo nalang at gigil na kinain ang pagkain ko.

Bakit ba nandito ang mga 'to? Mga feeling close talaga.

"Nga pala, next week na ang battle of the bands. Anong plano? Sasali ba ulit tayo?" Tanong ni Lio na nakapagpatigil sa akin.

Battle of the bands? As in, yung mga bandang tumutugtog? What the hell.

Nagpatuloy ako sa pagkain at nagkunwaring hindi a1o nakikinig.

"Game ako. Kayo ba Lucas?" Sabi ni Eric.

"Pwede naman ako, hindi ko alam kay Red." Sagot ni Lucas at sinilip si Edward since nasa gitna nila ako.

Huwag mong sabihin na nagbabanda silang apat? Itong mga gagong 'to? Nagbabanda? Ha! Nakakatawa.

"Sasali ako kung manonood si Yuyu."

Napatingin silang lahat sa akin. Bwesit na lalaking 'to, dinamay pa ako. Ano ba pakialam ko sa battle of the bands na yan? Tsk.

"Wala akong pakialam. Aalis na ako." Sabi ko at nilayasan sila.

Battle of the bands? Matagal na rin pala akong hindi nakakapanood ng ganun.

---

Pumikit ako at dinama ang malakas na hangin na humahampas sa mukha ko. Ilang sandali pa ay dumilat ako at tumingin sa ground pagkatapos ay ibinalik ulit sa mga ulap. Nakakapit naman ako kaya okay lang na maupo dito sa railings. Pero kung sakaling mahulog man ako, wala na akong magagawa doon.

Mysterious Girl | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon