Chapter 14
"Hindi mo dapat ginawa yun!"
Napatingin ako kay Yuna nang sigawan niya ako. Kakapasok ko lang sa bahay at yun agad ang bumungad sa akin. Galit itong nakatingin sa akin para bang nagpipigil na sugurin ako. Kumunot ang noo ko at tinaasan siya ng kilay.
"Anong pinagsasabi mo?" Nilagpasan ko siya at dumiretso sa kusina. Pero hinigit niya ng braso ko dahilan para mapaharap ako sa kanya.
"Hindi mo ba alam na sa ginawa mo ay pwede kang mapahamak? Nag-iisip ka ba talaga, ha?!
Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at mabilis itong binawi.
"Pake mo?" Walang ganang giit ko sabay talikod at binuksan ang ref.
"May pake ako, dahil kaibigan kita--"
"Hindi kita kaibigan, hindi mo ako kaibigan at hindi tayo magkaibigan." Mabilis na putol ko sa sinasabi niya. Hinarap ko siya at matalim na tinignan.
"Listen Yuna, hindi dahil pinatira kita dito ay ibig sabihin na nun ay kaibigan na ang turing ko sayo. Wag mong kakalimutan ang sinabi ko sayo, tumatanaw lang ako ng utang na loob."
Hindi siya nakapagsalita. Nakatingin lang siya sa akin at ganun din ako. Kumuha ako ng tubig at ininom pagkatapos ay sinara ko ang ref at muli siyang hinarap.
"Wala akong itinuturing na kaibigan sa lugar na 'to." Sabi ko tsaka siya linagpasan at lumabas ng bahay. Nakakainis.
Gabi na at dapat ay nasa loob na ako ng kwarto ko at natutulog pero dahil sa babaeng yun, ito ako at naglalakad mag-isa. Mabuti nalang at may mga nakakasalubong akong naglakakad at maliwanag rin ang kalsada dahil sa mga ilaw kaya kahit papaano ay nalilibang ako. Lakad lang ako ng lakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, mamaya nalang siguro ako uuwi kapag nakatulog na si Yuna. Paniguradong mabubwesit lang ako kapag nadatnan ko pa siya sa bahay.
Umupo ako sa isang bench. Kukunin ko sana ang phone ko pero nakalimutan ko palang dalhin. Wala rin akong dalang wallet. Nagugutom na ako, bwesit. Paano na ako makakain nito? Ayaw ko namang kumain sa bahay dahil baka lumaki pa ang ulo ng babaeng yun kapag nakita niyang kinain ko ang hinanda niyang pagkain para sa akin. Oo, siya ang nagluluto ng breakfast at dinner namin. Hindi ko kinakain ang hinahanda niya para sa akin dahil sa school ako kumakain. Wala naman akong pakialam sa nararamdaman niya kapag nadadatnan niyang hindi nagagalaw ang pagkain sa table. Hindi ko naman sinabi sa kanya na ipagluto niya ako. Tsk.
Tumayo ako at babalik nalang sa bahay para kunin ang wallet ko. Pero may biglang lumapit sa kinaroonan ko at hinarangan ang dinadaanan ko. Dalawang lalaki at isang babae. Lumusok sa ilong ko ang usok ng sigarilyo ng lalaki nang sinadya nitong ibuga malapit sa mukha ko.
"Padaanin niyo ako." Sabi ko. Masama ang kutob ko sa tatlong 'to. Mukhang alam ko na ang susunod nilang gagawin.
Hindi sila gumalaw bagkus ay yumuko ang lalaking kaharap ko at pumantay sa akin dahilan para makilala ko ito. Lihim akong napangisi. Kaya pala pakiramdam ko ay may nakasunod sa akin simula nang umuwi ako galing school.
"Natatakot ka? Nasaan na ang tapang mo?" Nakangising sabi nito. Hindi ako umimik. Yumuko ako at umatras ng isang hakbang. Narinig ko ang mahinang tawa nila.
"Patay ka ngayon sa amin."
Umatras ako at sinubukan kong tumakbo pero bigla akong napatigil nang maramdaman ko ang matigas na bagay na tumama sa ulo ko dahilan para bumagsak ako.
---
《 Yuna 》
Napaupo nalang ako sa sofa nang sumara ang pintuan paglabas niya. Agad kong pinunasan ang tumulong luha sa pisngi ko. Ang sakit naman niya magsalita. Alam ko namang hindi kaibigan ang turing niya sa akin pero hindi ko paring maiwasang hindi masaktan nang marinig ko yun mismo sa kanya. Ang sakit marinig na hindi niya ako itinuturing na kaibigan gaya ng turing ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl | ✔
Mistério / SuspenseYuri Montefalco thought that her life was worthless at all. She lost her bestfriend whom she cherished and spent her life the most---causing her life to become miserably alone. And because of that, her grandfather decided to bring her in a town call...