Chapter 13
“Try Me”***
Maaga akong dumating sa school. Alas-singko pa lang ng umaga ay gumising na ako at pumasok. Kung bakit? Dahil trip ko. Mabilis akong nakarating dahil sakay ako ng bisikleta ko.
At dahil maaga pa lang ako, wala pang tao kundi ako lang at ang mga janitor. Hindi ako dumiretso sa classroom sa halip ay sa rooftop ako pumunta. Mabuti at may suot akong jacket kaya kahit mahangin ay hindi ako nilalamig.
Nakarating ako sa rooftop at naupo sa railings. Dumungaw ako sa ground at malamang isang maling galaw lang, sigurado akong babagsak ako at magkakalasog-lasog ang katawan ko. Hindi ako natatakot mamatay. Sa katunayan, gusto kong mamatay noon. Simula nang mawala si Steph, hiniling ko na sana mamatay na rin ako, na sana ako nalang ‘yong namatay at hindi siya. Napakabuti niyang tao para mawala ng maaga. Bakit kaya hindi nalang ako ang namatay nang araw na ‘yon? Minsan naisip ko, kung ako kaya ang namatay at hindi siya, magdudusa rin kaya siya nang ganito? Mamimiss rin kaya niya ako gaya ng pagkakamiss ko sa kanya? Pero ako rin mismo ang sumasagot sa tanong ko. Malamang oo, mahal na mahal ako no’n, eh.
“Steph, sumunod kaya ako sa’yo? Magkikita naman siguro tayo sa langit, ‘di ba?” Sabi ko. “Pero mukhang imposible, paniguradong sa impyerno ako babagsak.” Mahina akong natawa. Kung may makakakita man sa akin ngayon, malamang iisipin niyang nababaliw na ako. Sana nga mabaliw nalang ako nang sa gano’n, makalimutan ko ang lahat ng nangyari.
“Bumaba ka dyan.”
Mabuti nalang at nakakapit ako nang mabuti kundi baka tuluyan na akong nahulog dahil sa gulat. Oo nga’t gusto kong mamatay, pero hindi sa ganitong paraan at hindi pa ngayon. Buwisit.
Inis kong nilingon ang lalaking nagsalita. Kumunot ang noo ko nang makilala ko kung sino ito— gulong gulo ang buhok na kulay pula, nakabukas ang dalawang butones ng polo at nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon. Si Edward.
“Papatayin mo ba ako sa gulat?” Inis na sabi ko.
“Ang sabi ko, bumaba ka dyan.” Ulit niya sa sinabi niya kanina. Umirap ako at bumaba, hindi dahil sa sinusunod ko siya kundi dahil sa gusto kong umalis dito. Malapit na rin kasing mag-bell at may mga studyente nang dumadating.
“Epal.” Parinig ko pa bago binuksan ang pintuan ng rooftop at bumaba ng hagdanan.
Bakit ba nandito ang lalaking ‘yon? Tsk.
———
Nagsimula na ang class hours pero wala pang dumadating na Teacher. Sa mga oras na ‘to ay busy sa pagtuturo ang mga guro sa ibang section samantalang kami dito, wala yatang balak pasukan at turuan. Nakakainis. Ang boring tuloy.
“Hoy, Human toy!”
Hindi ko pinansin ang lalaking tumatawag sa akin. Sigurado naman akong ako ‘yong tinatawag niya kahit hindi ko pangalan ang binanggit. Duh, ako lang naman ang nag-iisang Human Toy dito. Psh.
“Dedma ka, pare, oh? HAHAHA!”
“Tangina, pare, sasapakin ko ‘yang babaeng ‘yan, eh. Kainis!”
Come on, lumapit ka sa akin at sapakin mo ‘ko.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng skirt ko at binuhay ito. Nakinig ako ng music habang tinitignan ang mga pictures sa gallery. Punong puno ito ng mga pictures namin ni Steph maging si Lolo. May mga iilan rin kaming picture dito ni Lola Martha.
“IPhone? Wow!”
Tinanggal ko ang earphone sa magkabilang tenga ko at nilingon ang lalaking umagaw sa phone ko.
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl | ✔
Mystery / ThrillerYuri Montefalco thought that her life was worthless at all. She lost her bestfriend whom she cherished and spent her life the most---causing her life to become miserably alone. And because of that, her grandfather decided to bring her in a town call...