Chapter 31
Sa kalagitnaan ng gabi, isang lalaki ang naglalakad sa gitna ng madilim na kalsada. Malakas ang ihip ng hangin kaya't napayakap siya sa kanyang sarili. Wala nang masyadong taong dumadaan dahil malalim na ang gabi. Binilisan niya ang paglalakad nang maramdaman niyang parang may nakatingin sa kanya.
"Shit!"
Napatigil siya sa paglalakad nang may matanaw siyang isang babaeng nakatalikod. Sumilay ang isang ngisi sa mukha niya.
"Kung sinuswerte ka nga naman oh."
Mabilis siyang humakbang papalapit sa babae. Nawala ang takot na nararamdaman niya kanina at napalitan ng pagnanasa para sa babae.
"Hi, miss." Nakangising bati niya dito.
Nakatalikod pa rin ito at wari'y may ginagawa. Hindi niya maaninag ang ginagawa ng babae dahil sa dilim.
"Miss, anong ginagawa mo dito? Bakit mag-isa ka lang? Gusto mo bang samahan kita?"
Nang hindi sumagot ang babae ay hinawakan niya ito sa balikat at pilit pinapaharap.
"Sasamahan nalang kita--oh shit!"
Agad siyang napabitaw dito nang makita ang hitsura ng babae. Umatras siya pero nasagi niya ang isang malaking bato dahilan para mapaupo siya sa malamig na kalsada.
"Sige, samahan mo ako." Nakangiting sabi ng babae.
Nagsimulang manginig sa takot ang lalaki nang makita ang mala-demonyong ngiti ng kaharap.
"S-Sino ka?"
Pero imbis na sumagot ang babae, ipinakita niya lang ang matutulis na kuko na may bahid ng dugo. Napatingin ang lalaki sa likuran ng kaharap at mas lalo siyang nagimbal nang makita ang isang duguang katawan na wala nang buhay. Naliligo ito sa sariling dugo at wakwak ang tiyan.
"Shit!"
Sinubukan niyang tumayo at tumakbo pero nahawakan siya ng babae at sa isang iglap lang ay tumaksik ang katawan niya sa matigas na pader. Naramdaman niya agad ang pagkabali ng siko niya at ang pag-agos ng dugo sa noo niya.
"H-Huwag mo akong p-patayin... maawa ka..."
Tumawa lang ng mahina ang babae. Nakakatakot na tawa na mas lalong ikinanginig ng lalaki.
"Sasamahan mo ako diba?"
"P-Please... m-maawa ka."
"Wala akong awa. Hindi marunong maawa ang mga demonyong katulad ko."
"W-Wag--"
Pero bago pa matapos ng lalaki ang sasabihin niya, tumarak na agad sa lalamunan niya ang isang matulis na bagay. Ang matutulis na kuko ng babae. Hindi pa ito nakukuntento at sunod sunod na binutas ang sikmura nito dahilan para bawian ng buhay ang lalaki.
Napangisi siya nang makitang hindi na humihinga ang lalaki. Dinilaan niya ang sariling kamay at mahinang tumawa.
"Ang sarap."
---
Nagising si Yuri nang makaramdaman siya ng pagka-uhaw. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto niya. Nang makarating siya sa kusina ay kumuha siya ng baso at lalapit sana siya sa refrigerator pero may naagaw ng atenyon niya. Sa labas ng bintana, may naaninag siyang pigura ng dalawang tao. Nakatingin ito sa kanya. Imbis na lumapit sa ref ay sa bintana siya lumapit. Pero nang sumilip siya sa labas ay wala siyang nakitang tao.
"Guni-guni ko lang siguro." Bulong niya sa sarili niya.
Muli siyang sumilip sa labas bago lumapit sa ref at uminom ng malamig na tubig. Iniwan niya ang baso at bumalik sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl | ✔
Misterio / SuspensoYuri Montefalco thought that her life was worthless at all. She lost her bestfriend whom she cherished and spent her life the most---causing her life to become miserably alone. And because of that, her grandfather decided to bring her in a town call...