25 : Phoenix Village

1.2K 50 1
                                    

Chapter 25

Umalingawngaw ng paulit-ulit ang malalakas na busina ng kotse sa labas bahay. Tumigil ako sa pagsusuklay sa buhok ko at sinilip ang puting van na nakaparada sa tapat ng bahay. Muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin at padabog na bumaba sa hagdanan. Nakaabang doon si Yuna na may hawak na padlock. Siya na ang naglock ng bahay kaya lumapit ako sa van at kinatok ang bintana nito.

"Yow, Yuri--"

Dinuro ko si Lio na siyang nasa driver seat. "Hoy lalake, wag kang makapag busi-busina ng ganung kalakas dito sa pamamahay ko ah? Naiitindihan mo?"

"Ah eh, si Alyssa kasi sinabi niya na bumusina raw ako."

"Bwesit ka, Lio! Anong ako?"

"Hindi ba ikaw? Si Lucas pala yun, haha!"

Bumukas ang pintuan at bumaba si Edward mula sa van. Bigla nalang niyang kinuha ang dala kong bag at mahinang tinulak ang balikat ko papasok. Inis ko siyang binalingan ng tingin at nagkibit balikat lang ang gago. Umupo ako sa tabi ng bintana kung saan katabi ko si Jessica. Pumasok rin si Yuna at tumabi kay Lucas. Mukhang kompleto na kami.

"Red, dito ka na sa passenger seat." Sabi ni Lio. Saglit akong tinapunan ng tingin niya Edward bago tumabi kay Lio. Nang makaupo na kaming lahat ay pinatakbo na ni Lio ang sasakyan.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Nakakapanibago. Ito ako ngayon, nakasakay sa isang kotse kasama ang pitong tao na hindi ko naman kaibigan o kaano-ano. Hindi ako sanay na may kasama. Sa loob ng isang taon ay nasanay akong mag-isa kaya talagang nakakapanibago, lalo na't hindi ko naman mga kaibigan itong mga kasama ko.

"... maging masaya ka ulit, bes."

Maging masaya? Ito ba ang ibig mong sabihin, Steph? Ang makipag kaibigan, makisalamuha sa ibang tao?

"... Apo, gusto kong magkaroon ka ng mga kaibigan dyan. Gusto kong mamuhay ka ng mapayapa at kalimutan ang nangyari."

Gusto rin ni Lolo na magkaroon ulit ako ng mga kaibigan. Lahat sila gusto akong maging masaya ulit. Pero ako, kaya ko bang maging masaya ulit? Paano ako makakasiguro na ang pagkakaroon ulit ng kaibigan ang magpapasaya sa akin? Paano kung maulit ang nangyari sa akin? Paano kung mawalan ulit ako ng kaibigan? Hindi ko kaya. Hindi ko na kayang maranasan ulit ang sakit na naranasan ko noon.

"Babantayan pa rin kita kahit wala na ako. Ipangako mo lang sa akin na papakawalan mo na ang sarili mo mula sa bangungot na yun. Kalimutan mo na ang nangyari at magsimula ulit. Maging masaya ka ulit, bes."

Susubukan ko, Steph. Para sayo at para sa mga taong importante sa akin, susubukan ko.

---

Walang nagsasaIita sa amin buong biyahe. Tahimik lang akong nakatingin sa mga nadadaanan naming mga bahay. Hindi tulad sa Forest Town ay simple lang ang mga bahay dito. May mga taong naglalakad sa gilid ng kalsada. Mukhang nasa market na kami dahil sa mga nadadaanan naming mga side walks at mga maliliit na tindahan sa gilid. May ganito rin palang lugar sa pilipinas. Simple lang ang pamumuhay dito base sa mga nakikita ko.

Ilang sandali pa ay tumigil ang kotse. Sumulip ako sa bintana at nakita ko ang maraming tao. Para kaming nasa isang open field or open area, sa gitna nito ay ang malaking stage.

"Were here!" Anunsyo ni Lio.

Nauna silang bumaba at nagpahuli ako. Nang tumayo ako ay agad akong napahawak sa upuan ng van dahil sa biglang pagdilim ng paningin ko. Saglit akong pumikit at mahinang hinilot ang sentido ko. Ugh! Mukhang sasakit pa yata ang ulo ko.

"Yuyu, are you okay?"

Dumilat ako at tumayo ng tuwid. Nakita kong nakatingin na silang lahat sa akin, nakasilip pa si Lio at Yuna sa bintana ng kotse para tignan ako. Marahan akong tumango at kinuha ang bag ko. Sinara ni Lucas ang pintuan ng van nang makababa ako.

Mysterious Girl | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon