11 : Room mate

1.4K 62 2
                                    

Chapter 11
“My New Roommate”

***

“Apo, pasensya na sa nasabi ko sa’yo, ah? Alam mo naman ang lolo mo, matanda na.”

Napangiti ako nang marinig ang sinabi ni Lolo. Mabuti nalang at hindi niya ako nakikita kaya malaya akong makangiti without feeling awkwardness.

Tumikhim ako bago magsalita. “It’s okay. Just don’t say it again, ‘lo.”

“Ang bait talaga ng apo ko!” Tuwang-tuwang sabi niya sabay tawa. Napailing nalang ako at napairap. Ayan na naman siya sa pagiging isip bata niya na sa akin lang niya pinapakita. Tsk. Ang tanda tanda na, eh.

“Tigilan mo nga ‘yan.” Kuwari’y inis na sabi ko. Narinig kong tumawa lang siya sa kabilang linya. Saglit kaming natahimik bago niya binasag ng isang tanong.

“Yuri, apo, hindi mo ba talaga kayang gawin ang hiling ko?”

Natahimik ako sa tanong niya. Ito na naman tayo. Kasasabi ko lang na huwag niya ulit babanggitin ‘yon, eh. Ulyanin na talaga ang matandang ‘to, tsk. Nawala tuloy ‘yong ngiting nakaguhit sa mga labi ko at napairap nalang.

“You know what, lolo? Uminom ka kaya ng gamot para sa mga ulyanin? Kasasabi ko lang na ayaw kong pag-usapan ‘yan, ‘di ba?”

Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya.

“Oo na, pero. . .” Biglang sumeryoso ang boses niya. “Kailangan mo nang kalimutan ang nangyari, apo. Sigurado akong ayaw niyang sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari sa kanya.”

“Lo. . .” Bulong ko. “Sige na po, bye.”

Ibinaba ko na ang tawag at humiga sa kama. Alas-nuwebe na ng umaga at wala akong balak pumasok sa school. Tumila na rin ang ulan kagabi. Tumayo ako at pumasok sa banyo. Maliligo muna ako dahil balak kong bisitahin sa lola.

Pagkatapos maligo ay inayos ko ang mga pagkain na dadalhin ko para kay Lola Martha. Alam kong hindi niya ito tatanggapin pero I’m sure naman na wala na siyang magagawa kapag naipasok ko na ’to sa pamamahay niya at nailapag sa lamesa.

Lumabas na ako ng bahay at naglakad nalang. Bitbit ko ang isang plastic na puno ng mga pagkain at prutas. Pero pagdating ko sa bahay niya ay wala siya doon. Hindi nakasara ang pintuan kaya pumasok ako. Sigurado akong nagbebenta na naman siya ngayon ng gulay. Tsk! Sayang at hindi ko siya naabutan. Nilagay ko ang dala kong plastic sa table at umupo saglit. Sinimulan kong suriin ang maliit na bahay.

Ilang taon na siyang naninirahan sa ganitong bahay?

Tumayo ako at nilapitan ang nag-iisang litrato na nakadikit lang sa plywood. Mukhang masyado nang luma ang litrato dahil halos hindi na maklaro ang mga nandoon. Litrato ito ng isang pamilya. Nakatayo ang isang matandang babae at lalaki habang nakaupo naman sa gitna nila ang dalawang bata, babae at lalaki rin.

“Ito kaya ang pamilya ni Lola?” Bulong ko sa sarili ko. Pero hindi si Lola ‘yong matandang babae, mukhang ito ang ina niya. Sa tingin ko ay si Lola ‘yong batang babae.

Napatingin ako sa isang bagay na kumikinang sa gilid. Nakalagay ito sa tabi ng isang itim na notebook. Kukunin ko sana ito nang matigilan ako dahil sa ingay na narinig ko sa labas ng bahay. Naglakad ako palabas at kumunot ang noo nang makita kung sino ang mga ito.

“What are you doing here?” Tanong ko at tinignan sila isa-isa. Sina Jessice at ang tatlo pa niyang kasama ang nadatnan ko paglabas ko. Mukhang nagulat sila nang makita ako pero biglang tumawa si Lio.

Mysterious Girl | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon