Chapter 43
Agad akong napatakbo sa loob ng bahay nang marinig ko ang sinabi nila. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang tinatahak ang kwarto nila Aleng Linda at Mikoy. Nang tumapat ako sa mismong pintuan ng kwarto ay huminga ako ng malalim at nanginginig ang paa na humakbang papasok. Pakiramdam ko ay bigla akong nanghina nang makita ko silang nakahiga sa kama -- parehong duguan.
"Aleng Linda," Lumapit ako sa kanila. Kumirot ang dibdib ko nang makita ko ang nakapikit nilang mga mukha. "Mikoy," Wala na sila, nadamay sila. Nadamay ang mga inosenteng tao.
"Yuyu,"
"Kasalanan ko 'to, diba?"
"No, wala kang kasalanan."
"Sinungaling! Kasalanan ko 'to, kasalanan ko ang lahat ng ito!" Sigaw ko.
Gusto kong magwala. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko-- galit, sakit at pagod. Pagod na pagod na ako. Pagod na pagod na akong mawalan ng importanteng tao sa buhay ko nang dahil sa akin. Kasalanan ko 'to eh. Kung hindi ako pumunta dito, kung hindi ako dumating dito, sana buhay pa sila.
"Yuyu,"
Tumabi sa akin si Edward. Naramdaman ko ang mga braso niyang pumulupot sa akin. Niyakap niya ako.
Lumipas ang ilang segundo at kumalas ako sa yakap. Tinulungan niya akong kumutan ang walang buhay na katawan nina Aleng Linda at Mikoy.
"I'm sorry." Bulong ko.
Magbabayad ang gumawa nito sa inyo.
"Yuri!"
Nagkatinginan kami ni Edward at mabilis na lumabas ng bahay nang marinig namin ang sigaw mula sa labas. Nadatnan namin silang lahat doon kasama ang... kambal na nakangisi sa akin.
"Ito ba ang hinahanap mo?" Nakangising itinaas ni Alexandra ang kuwintas.
"Ano ang kailangan niyo?" Marahang tanong ko.
Kahit gustong gusto kong hablutin ang kuwintas ay hindi ko ginawa. Gusto ko munang alamin kung bakit nila ito ginagawa, ano ang binabalak nila at kung ano ang kinalaman nila sa kakambal kong demonyo. Dahil sa oras na malaman kong may kinalaman sila sa mga nangyari sa mga mahal ko sa buhay, humanda sila sa akin dahil hinding hindi ako magdadalawang isip na kitilin ang mga buhay nila ngayong mismo sa kinatatayuan namin.
"Kailangan namin? Ang katawan mo."
"Bakit?"
"Gusto naming makuha ng demonyo ang katawan mo."
Nagulat ako sa sinabi nila. So all this time, alam na nila ang nangyayari sa akin, ang pag-angkin ng demonyo sa katawan ko at ang mangyayari sa oras na magtagumpay siya.
"Tanga ba kayo?" Galit na giit ko at mariin silang tinignan. "Hindi niyo ba alam ang mangyayari kapag nakuha niya ang katawan ko? Siguradong katapusan na ng lahat! Demonyo yun, naririnig niyo? Demonyo siya!"
"Alam namin," Pigil sa akin ni Alexander. "Alam mo ba kung bakit gusto naming makuha niya ang katawan mo? Dahil gusto naming makaganti sa mga taong pumatay sa mga magulang namin!"
"Pumatay?" Bulalas nila Yuna sa tabi ko. Tahimik lang silang nakikinig na nakatingin sa kambal.
"Limang taon na ang nakalipas simula nang mamatay ang mga magulang namin. At alam niyo kung bakit? Nang dahil sa mga tao sa forest town. Dating mayor ang papa ko, mabait siya at lahat ginagawa niya para matulungan ang mga tao doon. Pero nag-iba ang lahat nang kumalat ang isang balita, isang pekeng balita na sumira sa reputasyon ng papa ko. Lahat ng kabaitan na ginawa niya, lahat ng tulong na ibinigay niya sa mga tao, walang bumalik, para itong isang alikabok na tinangay ng hangin, kinalimutan. Hindi siya pinaniwalaan ng mga tao, basta nalang siyang hinusgahan at dahil doon, nagpakamatay ang papa ko. Dalawang buwan ang lumipas at sumunod ang mama ko."
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl | ✔
Misterio / SuspensoYuri Montefalco thought that her life was worthless at all. She lost her bestfriend whom she cherished and spent her life the most---causing her life to become miserably alone. And because of that, her grandfather decided to bring her in a town call...