38 : Found her

804 38 0
                                    

Chapter 38

《 Lio 》

Gabi na pero nandito pa rin kami sa market. Mas dumami ang tao at ang ingay-ingay na rin. May malakas na music na tumutugtog sa isang stereo. Kahit gabi na ay maliwanag pa rin ang paligid dahil sa mga ilaw na nakasabit sa bawat dingding. Kaya kahit papaano ay hindi kami nabo-bored dito.

"Wala akong mahanap na taong taga roon." Sabi ni Jess habang nakabusangot na tumabi sa akin.

"Magpahinga ka muna." Sabi ko sa kanya. Hindi siya sumagot kaya hindi na ulit ako nagsalita. Ilang sandali pa ay dumating rin ang iba na tulad namin ay bigo rin.

"Kumain muna tayo sa karinderya na yun. Gutom na ako eh." Sabi ni Aly sabay turo sa isang karinderya malapit lang sa kinatatayuan namin.

"Tara na."

Naunang naglakad sina Aly at Eric at nakasunod kami sa kanya. Pero nakakailang hakbang palang kami ay napatigil kami nang may marinig kaming sumisigaw na isang babae.

"Magnanakaw! Tulong!"

Napatingin ako sa isang babaeng nagsisigaw habang tinuturo ang dalawang lalaki na tumatakbo. Agad kong hinila si Jess nang dumaan sila sa harapan namin. Mabuti nalang at hindi nila kami nabunggo.

"Tulong! Yung pera ko ninakaw nila!"

Patuloy na sumisigaw ang ale. Marami ang nakatingin sa kanya pero wala ni-isa ang nagtangkang lumapit at tumulong.

"Yung pera ko! Tulungan niyo ako!"

"Tulungan natin." Sabi ni Lucas at nagsimula nang tumakbo sa direksyon kung saan dumaan ang dalawang lalaki.

"Doon kayo, dito ako." Sabi rin ni Red at bigla nalang tumakbo sa kabilang direksyon.

Nagkatinginan kami ni Eric at tumakbo rin kung saan tumakbo si Lucas.

"Tabi!" Sigaw ko habang hinahabol namin ang dalawang lalaki. Nakita ko ang maliit na pitakang hawak ng isa sa kanila. Nahihirapan kaming habulin sila dahil sa mga taong nakaharang sa daanan.

"Pasensya na!" Sigaw ko sa mga taong nababangga namin. Takbo lang kami ng takbo ni Eric habang nakikipagsiksikan sa mga tao. Tumigil lang kami nang mawala sila sa paningin namin.

"Pucha! Nawala sila." Inis na sabi ko.

"Teka, ayun sila. Bilis!"

Agad akong sumunod kay Eric nang tumakbo siya. Nakita ko nga ang dalawang lalaki na nakatayo lang at mukhang tuwang-tuwa sa nakuhang pera. Akala yata ng mga gago ay nakatakas na sila.

"Hoy!"

Mabilis ko silang nilapitan at sinubukang agawin ang pitaka.

"Akin na yan! Hindi sa inyo yan mga gago!"

"Putangina, sino ka ba?!"

Agad kong nabitawan ang pitaka nang sapakin ako ng isa sa kanila. Saglit akong nahilo at buti nalang hindi ako natumba kundi nakakahiya sa mga makakakita.

"Bwesit." Inis na bulong ko nang maramdaman kong kumikirot ang gilid ng labi ko at nalasahan ko rin ang dugo dito.

"Okay ka lang, pre?" Natatawang tanong sa akin ni Eric.

"Tarantado."

Susugurin ko sana ang mga gagong magnanakaw pero hindi ko na naituloy dahil dumating sina Red at agad sinipa ang isa sa kanila. Sa sobrang lakas nun ay napahiga siya at namilipit na sakit. Napangiwi naman ako at hinimas ang tiyan ko. Panigurarong masakit yun.

"Gago ka ah!" Galit na sigaw ng kasama niya at sinugod si Red pero mabilis na nakalapit si Eric at hinawakan ang lalaki sa dalawang braso. Dinampot ni Lucas ang nahulog na pitaka habang ako naman ay lumapit kina Eric at binigyan ng sipa sa tuhod ang lalaki. Itong gagong 'to ang sumuntok sa akin eh. Nadumihan tuloy ang gwapo kong mukha. Tsk tsk.

Mysterious Girl | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon