Chapter 39
"Ako na dyan, ano ka ba."
Inagaw sa akin ni Aleng Linda ang hawak kong takure at siya na ang naglagay ng tubig dito pagkatapos ay pinainitan niya sa apoy na ginawa ko.
"Kaya ko naman po eh." Sabi ko.
"Yuri, hayaan mong ako na ang gumawa ng mga ganito. Ang laki na ng naitulong mo sa amin at alam kong ang pagpapatira sayo dito sa pamamahay ko ay hindi pa rin sapat para mabayaran ko sayo ang ginawa mong pagtulong sa amin."
"Wala naman po kayong dapat alalahanin doon eh. Sapat na po itong pagtira ko dito at isa pa po ay masaya naman ako na natutulongan ko kayo."
Ngumiti siya at hindi na nagsalita.
Siya si Aleng Linda, ang may-ari ng bahay na tinutuluyan ko ngayon. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil pinatuloy niya ako dito kahit hindi niya ako kilala.
Sabihin na natin na may naitulong din ako sa kanila pero mas matimbang pa rin ang kabaitan niya kumpara sa ginawa ko.
Kinuha ko ang trapo at nilinis ang lamesa pagkatapos ay kumuha ako ng mga baso at nilagay dito.
"Maliligo ba kayo mamaya sa ilog?" Tanong niya.
"Opo. Si Mikoy po pala?"
"Natutulog pa. Oh siya, maglilinis muna ako sa bakuran ah?"
"Sige po, ako na po ang bahala dito." Sagot ko sa kanya. Umalis na siya kaya naiwan akong mag-isa sa kusina. Inayos ko na ang mga baso at nilagyan ng asukal at kape.
"Ang bait mo kapag siya ang kausap mo. Ang galing mong umarte."
Nilingon ko si Jessica na nasa likuran ko pala habang nakahalukipkip at masama ang tingin sa akin. Hindi ko siya pinansin bagkus ay isa-isa kong nilagyan ng mainit na tubig ang mga baso pagkatapos ay hinalo. Kinuha ko rin ang tinapay na binili ni Aleng Linda at nilagay sa lamesa.
"Akala mo palalagpasin ko ang mga sinabi mo sa amin kagabi? Pati na rin ang ginawa mo kay Yuna? Sorry but you're wrong Yuri, hinding hindi ako makakapayag na hindi kita magantihan."
"Bakit hindi ka nalang maupo dito at uminom ng kape? Ang aga pa Jessica para bwesitin mo ako." Sabi ko sa kanya nang hindi siya tinitignan.
"Wow! Ang kapal rin naman ng mukha mo. Bakit ba ang yabang mo? Dahil hinahabol-habol ka nila? Dahil ba hinanap ka namin at pinuntahan pa dito kaya ang laki laki na ng ulo mo? Alam mo kung pwede lang sana silang batukan lahat para magising sa kahibangan nila, matagal ko nang ginawa." Nanggigigil na sabi niya. Ang aga aga galit na agad ang bruha. Psh.
"Bakit ka nandito?" Bored na tanong ko sabay tingin sa kanya.
"Ano?"
"Bakit ka sumama? Pwede ka namang magpaiwan diba? Pero bakit nandito ka rin kasama sila para hanapin ako?"
Kumunot ang noo niya at nang mapagtanto niya ang sinabi ko ay mas lalong sumama ang tingin niya sa akin na halos sugurin niya ako.
"A-Are you stupid? Sempre mga kaibigan ko sila kaya ako sumama! Do you think kaya ako nandito ay dahil nag-aalala ako sayo, na hinahanap rin kita?! In your dreams bitch!"
Napailing nalang ako nang sigawan niya ako.
"Wala akong sinabi pero kung ano-ano na ang pinuputak mo dyan. Tsk." Inis na sabi ko.
Imbis na patulan pa siya ay mas pinili ko nalang na umupo at uminom ng kape. Hindi na rin siya muling nagsalita at umalis sa kusina. Pagbalik niya ay kasama na niya sina Alyssa at Yuna at naupo sila sa table katabi ko. Ramdam ko pa rin ang talim ng tingin niya sa akin pero pinabayaan ko nalang. Ilang sandali pa ay dumating rin sina Edward.
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl | ✔
Mystery / ThrillerYuri Montefalco thought that her life was worthless at all. She lost her bestfriend whom she cherished and spent her life the most---causing her life to become miserably alone. And because of that, her grandfather decided to bring her in a town call...