Chapter 1

280 21 33
                                    

Chapter 1

30 Days of Moving On

Punong-puno ng bakat ng luha ang aking unan. Hindi ko pa rin nanaisin na palitan ang punda sa kabila ng malungkot na bakas ng mga pag-ulan na nagdaan. Gustong-gusto ko ang amoy ng unan na ito. Naririto pa rin kasi ang amoy ng kaniyang pabango. Ang paunti-unting nang pagkawala ng amoy nito sa aking higaan. Kagaya ng amoy ng kaniyang pagmamahal na unti-unti ring nawala na noon ay dating para lang sa akin.

Magkagayunman, mawala man ang amoy na ito, ang unan na hanggang ngayon ay naririto pa rin, nanatili sa aking tabi, akap-akap ko tuwing gabi. Kagaya ko ang unan na ito, kahit basang-basa na, iniwan, at pinabayaan ay naririto pa rin, nananatili, at umaasang siya ay magbabalik.

Hanggang kailan ako magkakaganito? Kusang nawawala ang mga panahon at lumilipas, pero ang sakit ay nanatili pa rin, nandirito pa rin, hindi maalis-alis, hindi mawala-wala sa aking isip at paulit-ulit na bumabalik. Nagtanong ako sa mga tala sa dalangin kong naantala, pero sa panahon na kagaya nito, nagtatago sila at ibinubuhos ang luha ni bathala. Kasabay ng maulan na panahon, umaagos ang lahat ng pangungulila. Ang mga dalangin kong maging masaya, hindi pa rin kayang tupdin ng mga tala.

Napakarami kong kailangang tapusin, napakaraming kailangan ayusin. Sa lahat ng mga bagay na kinakailangan kong matapos, heto ako ngayon at nakatulala lang mag-isa. Nag-iisa at walang kasama. Madalas na mas gusto kong mapag-isa, walang ibang kasama kundi ang aking sarili.

Ilang tunog ng dati naming theme song, ang paborito naming kanta na noon ay paborito kong patugtugin tuwing umaga, tanghali, at gabi. Ngunit ngayon ay hindi na. Nawawalan na ako ng gana makinig sa dati naming paboritong kanta.

Ilang beses kong pinatay ang tunog pero paulit-ulit lang ang pagbalik, paulit-ulit lang ang pagtunog. May tumatawag na pala sa akin, at iyon ay ang aking boss.

"Miss Aya, your reports are needed now in my office. You are an hour late and I'm getting disappointed in your performance. If you will not comply today, I will suspend you." Tahimik lang akong bumuntong-hininga. Tatlong taon na ako sa company at ngayon lang ako naging ganito. Dati ay lagi akong ganado, ako pa nga ang navo-volunteer kapag may mga dagdag na gawain. But now, I feel not interested, hindi na ako masaya.

After I browsed messages from my boss, bumangon na ako at naligo. Wala naman akong choice. I'm planning to resign pero wala akong balak na maghanap uli ng trabaho. Bagong adjustments na naman iyon. Gusto ko ng pahinga, iyong mahabang panahon ng paghinga. Malayo sa lugar na ito, malayo sa lugar na kagaya ng kinalalagyan ko ngayon. It seems impossible ngayon dahil kahit anong pilit ko, hindi naman ako makalayo rito. So I went to the office right away. Baka naman kasi gusto ko po pa. Baka naman kasi, kaya ko pa.

Kunot ang noo ni Miss Dana nang ipasa ko ang report na last month pa niyang pinapapasa sa akin. Pinasa ko na nga, galit pa. Hindi naman gaanong matagal ang allotment na time para sa client na iyon, iyong iba ko ngang katrabaho, umaabot ng halos tatlong buwan bago ma-close ang kanilang client. But sa totoo lang, ito na talaga ang pinakamatagal kong transaction. Hindi mo naman siguro ako masisisi, hindi ko kayang makisalamuha sa mga tao. Hindi sa lahat ng pagkakataon, kaya kong i-take na lang nang basta-basta ang mga bastusing tao, walang respeto, at hindi naturuang magpakatao. Hindi ako pwedeng mamilli ng client, kung sino ang ibibigay sa akin, iyon na iyon.

Halos lahat ng mga tao na natutuwa sa akin noon, halos patayin ako dahil sa galit at inis sa akin ngayon. Gusto ko kasi na malaman o maiparamdam ko man lang sa kanila na hindi naman ako laging okay. Na mayroon din akong pinagdadaanan, kagaya ng ngayon. Hindi sa dinadamay ko ang iba sa mga nararamdaman ko, pero bakit parang ang daya ng mundo? Akala nila palagi akong masaya. Kadalasan pa, kapag titingin ako sa paligid ko, masaya sila at ako, ganito pa rin. Malungkot at nag-iisa.

30 Days of Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon