Chapter 17

29 0 0
                                    

Chapter 17
30 Days of Moving On
Rainy Day 10

Maulan. Rinig na rinig ang malalaking patak ng ulan sa loob ng bahay. Gusto ko ng ganitong panahon. Damang-dama ang panlalamig ng panahon. Nag-uumpisa na ang tag-ulan. Nahuli muna ngayong taon ang mga bagyo. Naabutan ng buwan ng Hunyo ang tag-init. Ngayon ko lang nararamdaman na pahupa na ang tag-init, ngayong Hulyo.

Dahil sa ganitong panahon, napapayapa ang utak ko, nakakalma ang pakiramdam ko. Pero dahil sa panggulo ngayon sa bahay ko, mukhang magugulo pa rin ang buhay ko. Hindi ako nakakalma ng ulan ngayon.

"Hay nako! Ang sakit-sakit talaga ng likod ko. Sa sahig ba naman kasi ako pinatulog ng Mahal na Reyna." Napatigil ako saglit sa paghihiwa ng carrots. Kanina pa siya nagrereklamo dahil hindi ko siya pinatulog sa kama kagabi.

"Wala na bang mas conservative sa Mahal na Reyna? Ayaw niya akong katabing matulog kaya natiis niya akong patulugin sa sahig. Sana naman maawa iyong Mahal na Reyna na patabihin ako sa kaniya mamayang gabi. Hindi ko ata kayang matulog sa sahig nang ilang araw pa!" Napatigil ako ulit sa paghihiwa ng carrots. Nakatingin siya sa akin habang ako sinasamaan ko siya ng tingin.

Pumunta ito sa kwarto, naglabas ng makapal na kumot. Humiga sa sofa at nagtalukbong ng sarili. Pinagpatuloy ko muna ang paghahanda ng pagluluto. Magluluto ako ng sopas. Sa ganitong panahon, ito ang pinakapaborito kong pagkain. Mabuti at maraming supply ngayon. Napangiti tuloy ako sa gawi ni Dwayne kahit na inis na inis ako sa kaniya dahil atungal siya nang atungal.

Nang matapos na ako makapag-prepare, nagsimula na akong magluto. Seryoso ako madalas na magluto, lalo na at paborito ko ito.

"Hindi mo ba talaga ako papatabihin sa iyo? Hindi mo ba nakikita itong mata ko? Maga na dahil sa sakit ng likod ko, hindi ako makatulog dahil nangawit!" Tinaasan ko siya ng kilay, akala ko natutulog siya, nagulat pa ako sa kaniya. Natahimik ako saglit at tinakpan ko iyong niluluto ko.

"Sino ba kasing nagsabi sa iyo na matulog ka sa sahig kagabi?" Tinapat ko sa kaniya iyong sandok na ginagamit ko sa pagluto.

"'Di ba ang sabi ko sa iyo, matulog ka sa sala?" matapang kong pagpapaalala sa kaniya. Napasimangot siya na parang bata na nagpapaawa.

"Natatakot nga kasi ako! Hindi mo naman ako gustong samahan matulog dito sa sala. Mamaya may katabi na pala akong multo riyan!" para siyang nagsusumbong na bata na natatakot sa multo.

"Saan ka mas natatakot? Sa multo o sa akin?" tanong ko sa kaniya habang pinanglalakihan ko siya ng mata.

"Siyempre sa multo!" Nagulat ako sa sagot niya dahil mas lalo niya diniin na takot na takot nga siya sa multo at may kasama pang dabog-dabog. Pero may naisip ako...

"Saan ka mas natatakot? Sa multo o kay Betina?" Bigla siyang nagbago. Para siyang tumino ulit nang marinig ang pangalang Betina.

Bumalik siya sa sa sofa at nagtalukbong ulit. Nanahimik muna siya roon habang tinatapos ko ang niluluto ko. Hindi ako naniniwala na takot siya sa multo, alam ko naman na gusto lang maka-puntos sa akin niyang loko na iyan.

Habang hinihintay kong maluto ang sopas, nagtimpla ako ng kape. Tumingin ako sa bintana ng kusina. Ang sarap sa pakiramdam. Iyong kape, iyong panahon, iyong niluluto kong sopas, at siguro pati na rin ang natutulog na si Dwayne. Mas okay na sa akin na tahimik siya at hindi ako ginugulo.

"Gutom na ako, matagal pa ba iyan?" Halos mabuwal ko iyong iniinom kong kape. Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Dwayne. Bakit hindi ko siya naramdaman? May super power ata talaga itong lalaking ito.

Sinilip niya ang kumukulong sopas. Bigla kong pinatay at pinaalis ko siya sa may tapat ng kalan.

"Ang sabi ko, ako ang magluluto 'di ba? Kaya tabi riyan. Umupo ka na lang diyan at maghahain na ako." Napa-yes siya at sumigla.

30 Days of Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon