Chapter 19
30 Days of Moving On
11Napasarap ang tulog ko. Sobrang lamig at wala kang maririnig na ingay kundi ang patak ng ulan. Hindi pa rin natatapos ang bagyo. Sabi sa balita, kaninang madaling araw ito lalabas. May buntot pa ata kaya hindi pa matapos-tapos ang pag-ulan.
Napayakap ako sa unan ko. Ang sarap! Ginalaw-galaw ko pa ang ulo ko para mas lalo kong madama ang mainit na unan. Isinampa ko pa ang kanan kong hita para mas mahigpit kong mayakap ang unan. Matagal ko nang hindi nagagawa ito sa unan ko. Kadalasan, nahuhulog lang ito dahil malikot akong matulog, pero ngayon nandito lang ito sa tabi ko.
Nakatulog pa ako ng ilang saglit. Nang maapuha kong gumagalaw ang unan ko, namulat ang mga mata ko para kapain ito. Wala naman akong gumagalaw na unan pero parang may humihipo sa ulo ko at nararamdaman ko ang malalalim na paghinga ng unan.
"Dwayne!" sigaw ko. Napahawak ako sa bibig ko dahil naamoy ko ang bibig ko. Hindi maganda ang hininga ko kapag bagong gising ako.
Nakangiti si Dwayne, parang nang-aasar dahil natatawa ito sa akin. Mabilis kong tinanggal ang pagkakapulupot ko ng hita ko sa kaniya. Ang ganda pa ng sandal ko sa dibdib niya. Akala ko ay unan ko siya, hindi gaanong matigas ang dibdib niya, nakatulog pa ako roon nang hindi man lang siya umaangal.
Lumapit si Dwayne sa akin habang ako ay nakalayo na nang kaunti sa kaniya. Tinanggal niya ang kamay ko na nakatakip sa aking dibdib. "Rainy Morning," bati niya nang nakangiti. Naalala ko iyong sakit niya kaya agad kong nilagay ang palad ko sa noo niya. Mainit-init pa siya pero hindi na ganoon kagabi nang huli ko siyang tignan. Mukhang bumaba na nang tuluyan ang lagnat niya.
"Okay ka na ba? Anong nararamdaman mo?" Nag-aalala ako sa kaniya. Hindi ko namalayan na tuluyan na itong nakalapit sa akin at dinampi ang labi nito sa labi ko. Natigil ako at napatingin sa mata niya.
"Okay na dahil may morning kiss na. Nararamdaman ko?" pambibitin niya. "Medyo horny." Natawa siya nang tipid sa harap ko at dahil gumalaw siya, naramdaman kong may matigas sa pagitan ng hita niya.
Maulan, malamig, at masarap magpainit.
Napalunok ako, nagtatalo ang isip ko. Gusto kong pumayag, nakakaramdam ako ng pangangailangan ko. Nakahain na sa harap ko, fresh na fresh at crunchy. Napakagat ako ng labi dahil sa iniisip ko. Lumapit si Dwayne sa akin. "Kitang-kita ko sa mata mo... gusto mo rin," bulong niya sa taenga ko nang may mababang boses, nakakahalina.
Dahan-dahang lumapat muli ang labi niya sa labi ko. Tinanggap ko ang bawat halik niya at sabik na sabik ang mga labi naming magsagutan. Pinanggigilan nito ang ibaba kong labi at saka mas lalong diniinan ang paghalik. Mas lalo kong nagustuhan ang bawat diin nito sa labi ko. Naramdaman ko ang masuyong pagkapa nito sa kaliwa kong dibdib. Unti-unti niya itong sinalat at inipit ang gitnang parte nito kaya umarko ang aking likod dahilan para mabuwag ang lambingan ng aming mga labi. Tumitig siya sa akin. Iyong titig na nang-aangkin.
Hindi ko namalayan nang tanggalin niya ang suot-suot kong pantaas, naramadam ko na lang na hinahalikan nito ang aking kaliwang dibdib habang dumidiit sa kabila. Mas lalong umarko ang aking likod at napabuka ang aking bibig. Naglagi pa ito at mas lalong sinuyo ang tayong-tayo kong dibdib.
Nang maramdaman kong pababa na siya sa aking puson ay napabalikwas ako.
"Mike," hinihingal na bulong ko. Nang hawakan ko siya ay nakita ko ang dismayadong mukha ni Dwayne. Natigil siya at napasubsub sa pusod ko. Napatigil din ako at napaluha. Ilang saglit na hindi ko namalayan na bumangon ito at pumatong sa akin. Siniksik niya ang mukha sa leeg ko habang nakadagan ang buong katawan niya sa akin. Natigil din ako sa paghikbi dahil nabulalas ko ang pangalan ni Mike, mas lalong napuno ng luha ang mukha ko at dahil na rin nabibigatan ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
30 Days of Moving On
Chick-LitSa tatlumpong araw ng Hulyo, magagawa ko bang kalimutan siya?