Chapter 4
30 Days of Moving On
Day 2
"Arn, baka pwede naman na bumalik muna tayo sa bahay, hindi kasi ako sanay na sa ibang bahay ako matutulog, eh. Baka pwede naman ako sa sala na lang matulog? Sabi mo kasi iyong kwarto lang ang inaayos." Hindi ako makakatulog nito, mukhang kailangan ko ng mga bagay na mga nakasanayan ko bago ako matulog. Ito namang si Arn, wala pala siyang kasama rito sa condo niya, baka akalain ng iba na may ginagawa kami ritong dalawa.
"Hindi pwede, makikita mo na ang make-over agad-agad. At saka, 'di ba nga, sinasanay ka na wala iyong bagay na magpapaalala sa kaniya? Isa na ito sa mga paraan para masanay ka na wala na iyong mga gamit mo. Saka mas okay na magkasama tayo, para may kausap ka palagi." Sabay ngiti nito sa akin.
After pala ng work naming dalawa, nagwi-work out ito agad. May mini gym siya rito sa condo niya, though isang treadmill lang, stationary bike, mga cute size na barbels at pang-curl-ups na upuan.
"Parang nag-aalangan talaga ako makitulog dito sa iyo, eh. Dalawa lang tayo rito, Arn!" Umaangal na talaga ako sa kaniya dahil parang wala lang sa kaniya na kaming dalawa lang sa loob ng condo niya.
Napatawa si Arn dahil nilakasan ko ang boses ko sa huling sinabi ko. "You think, may pagnanasa ako sa iyo, Aya? Safe ka rito! I have a fiance, mas maganda, mabait, at hindi siya brokenhearted. You think, ipagpapalit ko siya sa iyo?" Natawa ito muli matapos niya akong laitin.
"Alam kong pangit ako, at alam na alam kong hindi maganda ang ugali ko, and yes, to the fact na sobrang brokenhearted ako, hindi mo kailangan ipangalandakan sa akin iyan. Pero, lalaki ka pa rin, Arn. We don't know kung ano ang gusto mo gawin maya-maya lang." Sumeryoso na ang mukha ni Arn, mukhang naiintindihan na niyang hindi ako kampante na kasama ko siya sa iisang bahay na kami lang dalawa ang magkasama.
"We are both adult, hindi na tayo bata para iwasan ang mga pwedeng mangyari sa isang babae at isang lalaki. Don't you think na maganda itong dito ako makikitulog sa condo mo, knowing na maraming mata ang pwedeng makakita sa ating dalawa?" Sunod-sunod kong tanong. Tahimik na si Arn at hindi na nagsalita.
"Hoy, Arn!" nagagalit na ang tinig ko dahil hindi na niya ako pinapansin.
"Hey! What are you doing?" Hinila ako ni Arn, hawak-hawak sa braso at nadadampi sa akin ang matipuno at pawisang dibdib nito sa akin. Ang gwapo ng katawan ng lalaking ito, at ang pawis, hindi amoy ng lalaking naamoy ko sa iba, ang bango-bango niya!
"Ayan, ang treadmill, sumabay ka na lang sa akin mag-work out. And please lang Aya, don't think of something na pwedeng mangyari mamaya. Dahil sa ating dalawa, kung hindi ka mag-iinsist na may mangyari sa ating dalawa, walang mangyayari sa atin. Ako ang lalaki, at ikaw ang babae. Kung hindi mo ako papakitaan ng motibo, hindi ako papatol. It's up to you," nakabulong ang it's up to you sa taenga ko, at kinilibatuan ako bigla. Saka niya ako sinampa sa treadmill habang nagmadali akong tumakbo dahil dinagdagan niya ang bilis.
"Grabe, ang pagod-pagod ko, ang sakit-sakit ng buong katawan ko, ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko! Tignan mo, Arn." Saka ko kinuha ang kamay ni Arn at ipinatong sa dibdib ko. "'Di ba ang lakas?" Natahimik si Arn, napatulala. Nang maisip ko kung bakit, iyon ay dahil nailagay ko ang kamay niya sa may parte ng dibdib ko. Ang tanga ko rin talaga!
Tumalikod na lang ako agad sa kaniya, kumuha ng malinis na towel, at nagpunas ng masaganang pawis.
"Mas okay pala mag-exercise kaysa umiyak. Masaya ako, hindi ko siya naisip... kahit ilang minuto lang." Lumingon ako at ngumiti kay Arn, nakatingin lang siya sa akin habang may mga kaunting patak ako ng luha sa aking mukha. Hindi naman ako naiiyak dahil naalala ko uli siya, ngunit naiyak ako dahil masaya ako. Nakita ko na maaari pala talaga siyang maalis sa aking isip lalo na kapag may isang bagay ako na ginawa na labas sa mga nakagawian ko nang gawin. Tama nga si Arn.
BINABASA MO ANG
30 Days of Moving On
Literatura FemininaSa tatlumpong araw ng Hulyo, magagawa ko bang kalimutan siya?