Wakas

35 0 0
                                    

Chapter 41

30 Days of Moving On

Day 31

Nandito si Dwayne sa bahay. Tutulungan daw ako sa paggawa ng logo ng bago kong business. Siya na rin daw ang maghahanap ng pwede kong pagpwestuhan sa market oras na ma-establish namin ang mga dapat ayusin. Business permits, mission, vision, logo, name, target market, at sobrang dami pa niyang gusto na gawin namin.

Balik sa kulit si Dwayne pero kapag business na ang usapan, nagiging seryoso ito. Nagmi-meeting din kami with Betina and Mike kapag may kailangan kaming tanungin about sa BIR at mga permits. Malaking tulong ang mga ex namin dahil mga pro sila sa mga ganito.

Mike is already in US. Though wala na siya sa boss niyang taga-Italy, may business na siya na galing sa sarili niyang pagod. Kasama rin niya ang parents niya at tumutulong din siya sa family business nila. Right now, kapag tinatanong ko siya kung may babae siyang nagugustuhan, palagi niya iniiba ang topic. Nag-aasaran rin kami about sa isang article niya sa dyaryo. Palagi kong pinapaalala sa kaniya iyong ibang madrama niyang linya. We're both fine now. Though palagi pa rin siyang nanghihingi ng sorry. Ang palagi kong sinasabi sa kaniya, atleast tinama niya 'yong mali niya at handa siyang akuiin ang pagkakamali niya. Masaya na ako para sa aming dalawa.

Betina right now is with his lolo. Kaya pala nawawala si Dwayne this past few days dahil inayos niya ang relationship ni Betina at ng kaniyang Lolo. Iyong lolo na lang ni Betina ang tumatayong parent niya na malapit nang mamatay. Ito rin ang dahilan noon kaya hindi niya mabali-bali ang pangakong kasal kay Betina. Knowing that sobrang gusto nito si Dwayne para sa apo. Pinaliwanag ni Dwayne ang lahat. At nagawa naman itong tanggapin muli ng kaniyang lolo. Masaya si Betina habang inaalagaan ang kaniyang lolo nang ihatid namin siya ni Dwayne sa mansion nito.

Nagpaalam na rin si Arn sa amin ni Dwayne dahil kagaya ko ay na-approve na rin ang resignation letter nito. Nagmamadali na itong nag-flight sa Paris kasama si Sharon. Next year pa ang kasal nito para magbabang-luksa pero excited na ang dalawang mag-live in. Natatawa kami sa kanila ni Dwayne dahil sabik na sabik ang dalawa.

Kinontak din namin si Amor dahil sabi ni Arn ay may alam itong place para sa new business ko. Siya na rin ang nagpresinta sa sarili na mag-aayos ng shop ko. Ito naman si Dwayne, gustong-gusto talaga si Amor. Magseselos na sana ako kaya lang ay nalaman kong ikakasal na pala si Amor sa isang mayamang foreigner. Kaya raw sila close ay dahil naging business partner ito ni Dwayne.

"Aya, samahan mo nga ako, may gusto akong puntahan." Tinawag ako ni Dwayne dahil katatapos niyang magligpit ng pinggan. Nanunuod ako ng Anime habang nag-iisip ako ng name ng shop ko.

"Maligo lang pala muna ako. Baka may makita akong ideya kapag nagpunta ako sa banyo." Dali-dali na akong naligo ngunit bigo akong may maisip.

Nagtungo na kami ni Dwayne sa isang malawak na lupain. Nagulat ako dahil bagong gawa ang semento. Hindi naman gaanong malayo sa kabihasnan pero mukhang papatayo pa lang ang mga bagong bahay. Isang bagong subdivision. Tumigil kami sa isang napakaganda pwesto. Mataas at nakalawak. Kitang-kita ang langit at ang iba't ibang bahay-bahay at gusali kapag titingin ka sa ibaba.

"Sobrang laki naman nito, Dwayne. Sa iyo ba 'to?" Paikot-ikot pa ako na parang batang naglalaro. Tumnago si Dwayne at lumapit sa akin. Hinawakan ni ang magkabila kong balikat para hindi ako maglikot. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa ginawa niya. Magtatampo sana ako dahil pinigilan niya ako pero agad itong lumuhod sa aking harap.

Napahawak ang ako sa aking bibig dahil alam ko na ang susunod nitong gagawin. Nagpa-practice na ako na mag-yes sa isip ko. Gusto ko na rin tumalon sa tuwa dahil sa wakas ay yayayain na niya akong magpakasal.

30 Days of Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon