Chapter 14

37 0 0
                                    

Chapter 14
30 Days of Moving On
Night 8

Wala akong magawa buong araw kaya nang makauwi ako galing sa opisina ay dumiretso ako agad sa mga halaman ko. Kinausap ko sila isa-isa kaya medyo gumaan ang loob ko dahil sa nangyaring usapan namin nila Miss Fara at Miss Joanne. Binuhos ko ang lahat ng sama ng loob ko sa mga halaman at totoong nakakagaan nga sa dibdib ko. Matapos no'n ay pumunta na ako sa mini library ko para magbasa. Hindi ko namalayan nang makabasa ako ng tatlong novel stories ay gabi na. Hindi na ako nakapag-lunch.

Nagpasiya ako mag-work-out. Hindi ko hinayaan na pumasok sa isip ko ang ex ko kaya wala akong sinasayang na oras. Halos dalawang oras akong nag-exercise dahil tuwing papasok sa isip ko ang ex ko, mas dinadagdagan ko ang bilang ng mga routines na ginagawa ko. Pinaparusahan ko ang katawan ko kapag hindi nakikisama sa akin ang isip ko. Good thing na nadadala na ang isip ko kaya nagko-concentrate ako sa bilang ng ine-exercise ko. Isa pa, kailangan ko ng maraming intense na workout para kapag nag-fun run kami ulit ni Arn, hindi na ako parang lantang gulay. Sana magkaroon ako ng improvement.

After ng intense work-out ay nagsalang ako agad ng noodles. Kakain lang ako ng kaunti para hindi gaano lalaki ang tyan ko. Hindi ko naramdaman ang gutom kahit hindi ako naghapunan. Nag-aadjust iyong katawan ko na wala ako sa opisina at ang timpladong kape ni Arn. Natutuwa ako dahil naiisip kong nakakamiss pala ang office. Isang araw pa lang ako naka-leave but I feel uneasy. Hindi ata ako sanay na walang trabaho. Pero kailangan ko ito. Para sa pagmo-move on. Kapag hindi ko ito hinarap ngayon, baka hindi na ako makaalis sa dati kong kinalalagyan.

Nang maluto na ang noodles, mag-isa akong kumain. Sa totoo lang, noon—noong wala pang ganito, hindi ako kumakain mag-isa.

Either iiyak muna ako nang maraming luha bago ako magluto, bago ako kumain o bago ako kumilos dahil sa pakiramdam ko ay wala akong kasama at nag-iisa ako. Pero iba ngayon. Mas magaan ngayon. Lahat ng nakikita ko ay bago. Masarap sa pakiramdam ko na nakakapag-alaga ako ng mga halaman, nakakalanghap ng sari-sariwang hangin sa balkon at iyong nakakapagbasa na ulit ako ng mga nobelang matagal kong kinagiliwan ngayon.

Huminga ako nang malalim dahil sa isipin na mas bumubuti na nga ako. Iyong pakiramdam na parang kinakaya ko ang bigat o gumagaan na iyong bigat na nasa dibdib ko.

Natapos ako kumain at maluwag ang dibdib kong nakatingin sa toothbrush na mag-isa na lang ngayon. Pero bago iyon ay inayos at iniligpit ko muna ang pinagkainan at pinaglutuan ko. Hindi dapat makita ni Arn na magulo ito, hindi iyon matutuwa. Buong lakas ko nang kinuha ang toothbrush na mag-isa, walang kasama. Pero hindi na ako nanginginig, hindi na rin ako nakadama na malungkot o naiiyak. Matagumpay akong nakapag-toothbrush na hindi na kagaya ng dati.

Nakakatuwa, bulong ng utak ko sa aking sarili.

Nagpapainit ako ng panligo ko nang may biglang kumatok sa aking pintuan. Hindi ako natuwa nang makita ko kung sino ang nakatumbad sa harap nang buksan ko iyon. Iyong mga hinanaing ko kaninang umaga ay bumalik na lang bigla ngayong gabi.

"Pizza?" Wala ba talagang magawa itong tao na ito kung 'di ang pumunta rito ng gabi at magdala ng pizza and beers?

"Kumain na ako."Isasara ko sana ang pinto nang maalala ko ang sinabi ni Miss Joanne sa akin kanina. Parte ng isip ko ay sinasabi na maawa sa kaniya dahil sa kalagayan niya ngayon. Papasukin siya sa bahay at hayaan siya kung ano ang gusto niya. Pero naisip ko...

"Ang baho ko. Maliligo pa lang ako. Diyan ka muna sa labas." Hindi siya nakaangal dahil sinara ko agad ang pinto. Kung makapaghintay siya sa pagligo ko, papapasukin ko siya, pero kung hindi, edi mas maganda, tatahimik ang buhay ko ngayong gabi.

"Maghihintay ako kahit gaano katagal!"sigaw nito sa pinto kahit nakasara na.

Hindi ako naniniwala na may lalaking marunong maghintay.

30 Days of Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon