Chapter 40

31 0 0
                                    

Chapter 40

30 Days of Moving On

30

Pinaalam ko sa lahat ang tungkol sa resignation letter ko. Nang makalabas ako sa opisina ni Miss Fara kahapon, agad kong binalita sa lahat ng katrabaho ko ang signing off ko. Agad akong nag-albalutan at nagpaalam ako nang nakangiti sa kanilang lahat. Bakas sa mga ito ang malungkot na mukha kaya kahit na hindi ako naging mabait na katrabaho sa kanila, nakadama ako ng kaunting lungkot.

Pero pinapapunta ako ngayon sa office ni Arn. Kahit saglit lang daw kaya pumayag naman ako dahil wala akong balak gawin. Nang makarating ako sa office ay agad akong sinalubong ng mga dati kong katrabaho. Marami silang tanong pero ang nakapagpagulat sa akin ay may inihanda silang salu-salo.

"Miss Hyacinth, we know na hindi mo kami gustong makausap o pansinin. But kahit po ganoon, isa po kayo sa mga dedicated na employees sa company at sobrang saya po namin na nakilala ka po namin. We respect and love you for that kahit hindi mo po kami mahal." Pinaupo nila ako sa may gitna ng canteen. Mistulang isang handaan na may party ng isang bata ang lugar na ito. All my co-workers are here. Wala lang ang mga big boss dahil may meeting sila sa ibang bansa.

"Miss Hyacinth!" tawag sa akin ni Jill na makulit. Excited ito sa pagtawag sa akin kaya nabigla halos ang lahat sa turan niya sa akin.

"Sobrang lungkot ko po nang malaman kahapon na nag-resign na po kayo. Ngayon ko lang po kasi kayo nakilala at ngayon niyo lang ako ginustong kausapin." Ang masiglang bati sa akin ni Jill ay napalitan ng papaiyak na tono.

Ngumiti ako. Si Arn, abala sa pag-aayos ng mga handa.

"Sa lahat ng mga tao na hindi ko po pinapansin o ningingitian noon, nanghihingi po ako ng pasensya sa inyo. Salamat po sa lahat ng mga mensahe at sa tatlong taon na nakasama ko, lalo na po kay Arn. Salamat dahil hindi mo ako iniwan at pinabayaan. Sa lahat din po ng nagtyaga sa pagiging lutang ko sa office, salamat po sa inyo." Paiyak na sana ako pero halos lahat sila ay pumalakpak at tumayo.

"Standing ovation!" natatawang sigaw ni Arn.

Mamaya ay may inabot ang Secretary ni Miss Fara. "Miss Fara wants to give you this. Ang bilin niya sa akin ay tanggapin mo iyan. She knows what happened. And she wants you to know na naiintindihan ka niya. Hindi rin siya naniniwala sa sinabi raw ni Miss Ritual and she believes you. Kaya kahit kaunti raw, sana makatulong sa iyo. One month pa raw kasi mabibigay ang separation pay mo. She wants you to start a new life. And one day to see you being a partner." Kinuha ko ang inabot sa akin. It's cash at 'yong halaga ay pwede nang makapagsimula ng bagong business.

"Miss Hyacinth, sana hindi mo masamain ang gift namin sa iyo. You've been so strong. Alam po namin ang pinagdaanan mo and we all understand you. This is a small gift from all of us. We all want you to be happy. We're so proud of you that you never give up. 'Wag po ninyo kaming kalimutan. We love you po." Halos maiyak ako sa mga kasamahan ko. Sobrang swerte ko pala dahil maraming nagmamahal sa akin. Hindi ko lang iyon nakita dahil sobrang nabulag ako sa sakit at nakatuon lang ako sa sarili ko.

"Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam na may mga nagmamahal sa akin na kagaya ni'yo. Hindi ko nakita na marami pa lang mga tao na nag-aalala sa akin. Nasanay kasi ako sa isang tao lang umiikot ang mundo ko. Pero salamat po. Salamat po." Nakita kong nag-iiyakan na rin ang mga katrabaho ko. Nagpatuloy ang party. Halos lahat ay masaya at may ngiti sa labi. Nagsayawan at kantahan. Nang matapos na ay nagpaalam na akong uuwi. Balik na naman sila sa dating gawi dahil hindi pwedeng buong araw na mag-party.

I remember kapag may party rito sa company, half day lang lagi dahil maraming kailangan na gawing trabaho.

Mamimiss ko ito.

30 Days of Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon