Chapter 10

52 3 0
                                    

Chapter 10
30 Days of Moving On
Night 6

Nakailang tawag muna sa akin si Arn bago ko nasagot ang tawag niya. Napatagal kasi ang pamamasyal naming dalawa ni Dwayne. May mga lalaki pala na mahilig din bumili ng mga damit at sapatos, relo at mga regalo sa babaeng mahal nito. Parang habang nakikilala ko si Dwayne, nag-iiba ang tingin ko sa mga lalaki. Akala ko kasi noon, hindi mahilig sumama ang mga lalaki sa pamimili ng mga babae sa mall. Hindi kasi niya ginawa sa akin iyon. Palagi siyang maiiwan sa labas kapag bibili ako ng mga make-ups, damit, at bags or shoes. Ang dahilan niya, nakakainip dahil matagal daw ako mamili. Pero hindi ganoon si Dwayne, matiyaga siyang sumama, hindi siya nababagot dahil bawat kunin at gustuhin kong bilhin, may suhestiyon siya sa produktong nais ko.

Napatagal din halos ang pamimili namin dahil halos magtalo na kami dahil gusto niyang bayaran ang mga pinamili ko. Halos mag-away na kami sa tapat ng cashier. I'm a woman who can pay my own bill, I don't need a man na parang ATM kung maglabas ng pera. Hindi ako sanay. My ex-boyfriend never done that, kadalasan pa nga, ako ang nagbabayad kapag kumakain kami sa labas. Kapag monthsary or anniversary naming dalawa, ako palagi ang bumibili ng regalo. Sa taon na magkarelasyon kami, hindi nga ata niya ako nabigyan ng regalo sa monthsary o anniversary namin. Pero itong si Dwayne, gusto i-celebrate ang daysary raw naming dalawa.

Napagod ako kay Dwayne sa araw na ito, pero sa totoo lang, nakaramdam ako ulit na parang okay ako. Iyong nararamdaman ko, hindi ako sigurado kung natutuwa ba ako. Hindi ako malungkot, pero hindi rin ako masaya. Siguro, natatakot lang ako sabihin na masaya na ako o medyo okay na ako. Kapag sinasabi ko kasi na masaya ako o okay na ako, parang gusto akong tarantaduhin ng tadhana at bigla niya akong papalungkutin, bigla niya akong paparamdamin na hindi ako okay.

"Saan ka?" tanong sa akin ni Arn. Kasama ko pa rin si Dwayne pero nagpapahatid na ako sa condo ni Arn. Dahil sa mga pinadagdag namin na mini library at mini garden, napatagal ang pagrerenovate ng apartment.

"Tapos na iyong renovation ng apartment mo, araw-gabi na nilang ginawa para matapos. Hintayin na kita rito." Binaba agad ni Arn ang tawag at hindi ako hinintay na makasagot. May hindi tama sa kinikilos ni Arn, parang hindi maganda ang kutob ko.

"Tapos na iyong renovation ng apartment ko. Doon mo na ako ihatid," utos ko kay Dwayne, he insist naman kasi na ihatid ako.

"Tapos na ang renovation, so daan tayo sa Pizza hut para kain tayo ng Pizza and celebrate with beers?" Tumango naman ako dahil very good idea ang sinabi ni Dwayne.

Nang makabili na kami ng Pizza at 24 cans of beers, dumiretso na kami sa apartment. And yes, Arn was there, Amor and her crew were there. Kasama ko si Dwayne na pumasok ng apartment.

"Arn, so this is.. Dwayne." "And Dwayne, meet Arn." Balik-pakilala ko sa kanilang dalawa. Hindi sila nag-shake hands at parang hindi nila gustong makilala ang isa't isa.

Si Dwayne ang bumawi dahil bigla itong napatingin sa akin at napatanong, "akala ko ba wala kang boyfriend?" Natawa lang ako at ngumisi habang ang mukha ko ay handang dumipensa ng sagot sa kaniyang tanong.

"He's not my boyfriend. He has a fiance in Paris, and date na lang ng kasal ang kulang. So, sa ating tatlo, ako lang ang malinaw na walang sabit." Ngumiti ako nang mapang-asar sa kanilang dalawa.

Pero hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayari kay Arn, hindi siya umimik nang ipakilala ko si Dwayne sa kaniya, ni-hindi niya tinanggap ang kamay ni Dwayne nang nag-aya si Dwayne ng shake-hands.

"May pizza kaming dala at mga beers, baka gusto niyo?" tanong ko dahil hindi ko gusto na i-entertain ang pagiging iba ni Arn sa mga inaasal niya ngayong araw. "Sure girl!" masiglang sagot ni Amor at niyaya na niya ang kaniyang crew na kumain at mag-inom.

30 Days of Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon