Chapter 5
30 Days of Moving On
Day 3
"Miss Aya, iba po ang mood mo ngayon, mukhang masaya ka." Tinitigan ko si Jill. Isa siya sa mga empleyado na bagong employed kaya hindi pa niya gaanong alam na hindi ako gaanong kumakausap ng ibang tao. Hindi nila alam na hindi ako mahilig sa tao, at mas gusto ko na hindi ako pinapansin.
"Pasensiya ka na Miss Aya sa bago nating recruit, medyo hindi na-briefing," paliwanag ng isa naming ka-trabaho na medyo matagal-tagal ko na rin namang nakakasama. Tinignan ko lang silang dalawa dahil kahit bago lang si Jill, nakahanap na siya agad ng mga ka-close rito sa company, iyong mga matatagal pa talaga na halos tubuan na ng mga puting buhok sa ulo.
"Sorry po, Miss Aya. Sa susunod po ay hindi na po ako magtatanong sa iyo. Sorry po talaga." Hindi ko na sila inimik dahil binatukan siya ng ka-trabaho ko na matagal na akong kilala. Narinig ko pang nagsisihan silang dalawa dahil umalis ako sa harap nila. Akala ata nila, napikon ako. Hindi naman nila alam na wala lang akong interes pa sa pakikipag-usap sa kanilang dalawa.
"Coffee?" alok sa akin ni Arn, wala namang bago. Ngumiti ako at kinuha ang coffee. "Life starts at coffee, thank you." Nakangiti ako kay Arn nang may mga dumaan na mga kaopisina naming dalawa nang nakangiti rin, kinikilig ang mga ito na parang gusto bigyan ng ibang kahulugan ang pagbigay ni Arn sa akin ng kape, samantalang isang taon na niyang ginagawa ito.
"Miss Aya, tawag po kayo sa office ni Miss Fara." Hindi ako agad tumayo dahil inuna ko muna ang pag-inom ng kape. Hindi naman nila ako mapipilit, importante sa akin ang makainom ng kape bago ako sumabak sa giyera.
Nang matapos na akong magkape ay pumunta na ako agad kay Miss Fara. Nang makita niya ako na nasa tapat ng kaniyang table ay ngumiti ito.
"Maupo ka," utos nito. Hindi naman masungit si Miss Fara kagaya ng mga iniisip kong boss noon. Hindi naman siya namamahiya ng mga empleyado at bihira ito magalit. Mahinahon siya at mayroon siyang cheerful na mga ngiti. Iyon nga lang kapag usapang trabaho, istrikto ito.
"I heard from Miss Ritual that you have clearly convinced her with our product. That's good! Hindi ako nagkamali na ikaw ang pinili ko na makipag-usap sa kaniya. Job well done, Miss Galvezo." Hindi ako umimik, palagi akong nakaka-close ng mga client, mas big time pa kay Miss Joanne, bakit ngayon lang ako pinatawag nang ganito at kailangan pa niya akong purihin? Wala namang ganito noon.
"Aren't you happy?" tanong ni Miss Fara. Tinignan ko lang siya. Baka kapag nag-resign ako rito, mas maging masaya ako. O 'di kaya kapag in-approve niyo ang leave form ko, mas maging masaya ako. Don't need some credits na alam ko namang mabubura rin dahil sa isang pagkakamali.
"Okay, so I guess, hindi ka talaga katulad ng iba nating employees. So ito na talaga ang sinadya ko kaya kita pinatawag." She stopped, hanging something from me. Gusto niya ata ako ma-excite, pero isa lang naman ang nakaka-excite sa akin, vacation leave or better ay approved resignation.
"Miss Ritual told me na tinaggihan mo raw ang alok niyang dinner with you. Alam mo naman na big client si Miss Ritual, and Joanne was a very friend of mine." Nagulat ako kay Miss Fara. Labas na kasi sa trabaho ko ang alok ni Miss Joanne na dinner sa akin, kaya sa palagay ko naman ay may karapatan naman akong tumanggi.
"Hindi ko naman po tinanggihan ang alok ni Miss Joanne sa akin. I told her that I have something else to do at may mga tinatapos ako. And besides, I'm already done with my job, kaya sa palagay ko po ay I have my rights to decline something na medyo personal para sa akin. You have other employees to attend that dinner, pero sana don't invade my privacy, hindi na po ata sakop ng trabaho ko iyon." I want to walk out, gusto ko na sanang tumayo, para sana malaman niyang sobrang disappointed ako sa sinabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
30 Days of Moving On
ChickLitSa tatlumpong araw ng Hulyo, magagawa ko bang kalimutan siya?