Chapter 16
30 Days of Moving On
9 NightNapagod kami ni Dwayne na mamili ng groceries. Nag-away pa kami sa mga brands dahil gusto niyang bilhin lahat. Kung may gusto siya, kukunin niya at kung may gusto ako kukunin niya rin iyon agad. Ganito kapag mayaman, basta may pambayad hindi na nakatingin sa budget. Hindi ganito ang lifestyle ko, matipid akong tao at nakaplano ang financial ko. Nairita ako kay Dwayne buong araw. Walang paglagyan iyong pagkainis ko sa kaniya dahil lahat na lang palaging mayroon siyang nakakaasar na sasabihin. Palala na siya nang palala.
Umabot kami na ang mga pinamili namin na grocery ay isang buong sahod ko na ng kalahating buwan. Buti siya ang nagbayad ng lahat, pero hindi pa rin ako sanay na may bumibili ng groceries ko. Para siyang bata, parang nakulangan sa buwan. Gusto pa niya akong isakay sa malaking cart kanina para hindi raw ako mapagod at para hindi raw ako umangal nang umangal sa mga bibilhin niya.
After namin mamili ng groceries, nag-mall kaming dalawa. Sa Department Store, ang dami rin niyang binili. Bag, shoes, damit at gusto niya na couple ang isusuot naming dalawa. Mas lalo akong nainis dahil iyong mga saleslady nakatingin sa aming dalawa, patawa-tawa at parang kinikilig. Ako iyong nahihiya kay Dwayne kanina.
Kaya kami inabot ng alas-syete ng gabi dahil lahat kailangan na i-fit namin. Kung hindi kasya at kung hindi bagay sa aming dalawa, hindi niya bibilhin. Pagkabalik namin sa parking lot punong-puno ang dala naming kart. Dalawang balik na kami rito dahil iyong una ay iyong mga groceries.
"Hindi pwedeng matapos ang araw na ito na hindi kita naisasama sa paborito kong kainan!" excited niyang tugon habang nag-da-drive. Hindi ko na siya inabala dahil napagod ako kay Dwayne. Hindi ko masiyadong gusto na ganito ang energy ng kasama ko. Para akong may kasamang bata na ipon na ipon ang lakas. Hindi ko kayang sabayan si Dwayne.
Nang makarating na kaming dalawa, napangiti ako at sabay non ang pagbigat ng dibdib ko. Nang malapit na akong manghina ay biglang nilapit ni Dwayne iyong mukha niya sa akin na pinalaki ang mata, at ngumiti hanggang taenga. Halos mabuwal ako sa pagtawa dahil sa mukha niya kahit na nagulat ako sa pagkakalapit ng mukha niya sa akin nang nagpapatawa.
"Huwag mong sabihing magtatrantums ka na naman sa ganitong kainan?" Nakangiti lang si Dwayne habang ako nakasunod sa likod niya. Naghanap kami ng magandang pwesto. Napatingin ako sa isang bakanteng lamesa, nakaramdam ako ng pagkasalimuot nang makita ko ang pwesto na iyon. Nabigla ako dahil hinawakan ni Dwayne iyong kamay ko at niyaya niya ako malayo sa pwesto na tinitignan ko.
"Masarap ang mga pagkain dito sa Mang Johny's Eatery. Lalo na iyong -"
"Bulalo!"sabay kami. Natawa ako at napalaki ang ngiti ko, nawawala na iyong bigat na nararamdaman ko. Siguro sinadya ni Dwayne na paupuin ako sa upuan na nakatalikod sa tinitignan kong pwesto kanina. Kasi ngayon, ang nakikita ko sa pwesto na ito ay iyong magandang tanawin dahil may maliit na silang garden sa gilid ng pwesto namin ni Dwayne.
"Dito ka rin kumakain dati?" Nakatingin ako sa mini garden habang nagtatanong kay Dwayne.
"Oo, paborito ko rito kasi masarap talaga lahat ng putahe. Pero ang paborito ko nga rito ay iyong Bulalo. Order na tayo?" Tinawag ni Dwayne iyong waitress at lahat naman ay saulo niya kung ano ang mga oorderin.
"May gusto ka pa ba?" Napatingin ako kay Ateng Waitress. Parang gusto niyang magtanong kung kaming dalawa lang ba ni Dwayne ang kakain dahil parang isang pamilya ang kakain ng mga order niya.
"Wala naman na." Tinitigan ko si Dwayne na hindi ako makapaniwala sa mga pinag-oorder niya. Umalis na si Ate na waitress at natuon na si Dwayne sa cellphone niya.
"Ganiyan ka ba talaga mag-order dito? Akala ko bulalo lang ang kakainin natin? May iba pa ba tayong makakasama?"tanong ko sa kaniya pero parang hindi niya ako naririnig, nakatuon lang siya sa cellphone niya.
BINABASA MO ANG
30 Days of Moving On
ChickLitSa tatlumpong araw ng Hulyo, magagawa ko bang kalimutan siya?