Chapter 33
30 Days of Moving On
23
I felt like I'm not with myself again. Nararamdaman kong nagiging ganoon na naman ako nang iwan ako ni Mike noon. Nangingilabot ako kahapon at wala akong nagawa kundi ang lunukin lahat ng aking nakita. Umuwi akong luhaan at sinasabi sa sarili ko na magiging okay rin ako kahit sobrang sikip ng dibdib ko.
Hindi ako maagang nagising dahil alas singko ng umaga ay gising pa ako kakaisip kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ko kailangan na maramdaman ulit ang lahat ng nakakalitong uri ng pakiramdam.
Paikot-ikot lamang ang isip ko magdamag hanggang hindi ako naiiyak, hangga't hindi ako nagagalit, hangga't hindi ako napapagod na mag-isip ng mga pangyayari na malabong mangyari sa totoong buhay. Gusto kong takasan ang reyalidad ng aking sariling buhay. Mas gusto kong isaisip ang mga tumatakbo sa aking utak, paulit-ulit hanggang maging perpekto ang bawat salita, ang bawat pangyayari, at bawat damdamin na namamayani sa loob ng aking isip.
Nang tignan ko ang orasan ay ala-una na pala ng hapon. Hindi ko naisip na lumabas ngayon dahil alam kong hindi naman kailangan. Nagpasya akong ituloy ang mga ginagawa ko noon.
Nagluto, kumain, nagdilig, nag-ehersisyo, at nagbasa ng libro.
Normal.
Normal pero may kulang. Kulang ng isa na para ito ay mabuo. Hinawakan ko ang dibdib ko. Tinapik-tapik ko ito at huminga ako nang malalim. Hindi na ako maaring bumalik sa lugar kung saan sobrang lungkot at dilim. Itong nararamdaman ko na ito, naramdaman ko na ito noon at dapat ngayon ay alam ko na kung ano ang dapat kong gawin. Hindi na ako ang Aya na iniwan noon ni Mike. Hindi na ako ang Aya na hindi maka-move on, malungkot, iyakin at mahina.
"Aya, hinga," paulit-ulit lamang na bulong sa tuwing maiisip ko ang nakakainis na bagay na bumabalik-balik sa aking isip.
Nakita ko ang cellphone ko. Tahimik ito ngayon maliban sa isang tawag na hindi ko inaasahan. Block na lahat, kasama si Mike, Dwayne, at lalong-lalo na ang nag-text sa akin kahapon para pumunta sa hotel na iyon. Wala na munang makakagambala sa akin, akala ko ay luluwag ang aking dibdib pero mas lalong sumikip dahil hindi tukoy ang pagsang-ayon ng aking puso rito. Gusto ko silang makita, makausap, at makasama. Pero hindi sa ganitong kalagayan ko. Kailangan kong ayusin ang sarili ko.
Iyong text ay mula sa isa kong pinsan dahil kailangan daw nila akong hingan ng tulong. Ang aking Tiya na kaisa-isa kong natitirang kamag-anak na kumupkop sa akin noong namatay ang aking magulang ay may malubhang sakit at nais na manghingi sa akin ng tawad dahil sa ginawa nilang pang-aapi sa akin noon bago ko makilala si Mike.
Kung paano ko nakilala noon si Mike ay ang panahon na halos lunurin ako ng problema sa buhay at kawalan ng pag-asa.
Hindi ko alam kung bakit kailangan kong lumabas ngayon kahit na alam kong gagabihin ang abot ko sa pagpunta sa tiyahin ko. Nagmadali na akong nag-impake ng mga damit ko. Malayo ang lugar ng aking tiyahin at aabot ako ng halos anim na oras para makapunta sa lugar na iyon. Hindi ko iyon ininda kahit na alam kong mag-isa lang ako at magko-commute lang ako. Sanay naman ako noon dahil tumatakas ako para maghanap at kumuha ng scholarship sa isang magandang university.
Nakarating ako sa hospital kung saan nakaratay ang aking tiyahin. Halos umabot ako ng alas-dyes ng gabi ngunit para akong sira na hindi iyon ininda.
"Aya," tawag nito sa akin nang mahina. Kakapasok ko pa lang sa kaniyang kwarto ay naramdaman ko nang malapit na itong bawian ng buhay.
"Ante," hinawakan ko ang kaniyang kamay na iniaabot niya sa akin. Kapatid siya ni Tatay. Hindi ko maunawaan kung bakit sumisikip ang dibdib kong makita siyang ganito sa aking harap. Nakita kong maraming gustong sabihin ang kaniyang mga mata pero nanghihina na ito.
BINABASA MO ANG
30 Days of Moving On
Chick-LitSa tatlumpong araw ng Hulyo, magagawa ko bang kalimutan siya?