Chapter 28

23 0 0
                                    

Chapter 28

30 Days of Moving On

19

Lumakas ang ulan buong magdamag kahapon. I know I spoil the moment kagaya ng bagyo. Pero hindi natigil doon ang kagustuhan ni Dwayne na makapag-relax, magpa-spa, at mag-inom ng beers buong magdamag. I've been there overnight kasama niya. Hinayaan niya akong makita kung gaano siya kalungkot kahit na pareho naming alam na dapat masaya lang kami.

Tahimik, walang-imik, at parang nasaniban ng santo. Si Dwayne ang tinutukoy ko. Si Dwayne kapag nasa tabi si Betina. Pakiramdam ko, namimiss niya ito kaya ganito ang mood niya sa akin. Hindi ako sanay pero hinayaan ko siyang ganito ang trato sa akin.

"Gusto mo na bang umuwi?" tanong nito sa akin. Naka-dip ako sa swimming pool at nag-eenjoy ako palutang-lutang. Napapangiti ako dahil bumabalik na ang sigla sa tinig ni Dwayne.

"Sa totoo lang, gusto ko nang tumira rito," natatawa kong saad kay Dwayne. Napangiti ito nang bahagya. Nasa may tabi lang ng pool si Dwayne, pero topless siya at ready na rin siya for swimming.

"Pwede naman kaya lang, malaki ang fees dito. Hindi mo rin gusto dahil masiyado kang praktikal na tao."

"Magkano ba overnight dito?" tanong ko sa kaniya.

"It's 524,000 pesos isang gabi rito." Pasimple siyang tumalikod sa akin.

Nanlaki ang mata ko at napatingin ako sa buong paligid. 524,000 pesos?

"Gusto ko nang umuwi!" sigaw ko kay Dwayne at bigla itong tumawa. "Niloloko mo lang ba ako?" tanong ko rito dahil hindi ito tumigil sa pagtawa. Umiling-iling ito.

"Nagsasabi ako ng totoo. Alam ko lang magiging reaction mo kapag sinabi ko sa iyo. But, we can stay here as long as you want. Just tell me kung ano ang desisyon mo." Napanganga ako. I better know. Hindi ako papayag na dito matulog ng isang araw lang tapos ganoon kalaki ang babayaran. Ibig sabihin, isang milyon na ang magagastos namin kapag nag-two nights kaming dalawa.

"Hindi man lang natin na-enjoy iyong isang gabi dahil sa pagta-tratums ko, tapos ganito? Dwayne naman e. Kung alam ko lang hindi na sana ako pumayag na pumunta rito." Naiinis ako ka Dwyane. Gusto ko pa mag-stay pero hindi ko kakayanin na gumastos ng ganoon kalaking pera.

"You better shouldn't spoil a moment with me, Aya. Manghihinayang ka. Then, it serves you a lesson." Ngumisi ako sa tapat niya. Umahon ako sa pool at tinulak ko siya. Nahulog siya sa pool pero hindi ito napikon. Tumawa pa lalo. Sabi ko na, nang-aasar na naman.

Dumiretso na ako sa banyo at naligo na ako. After kong naligo, nag-impake na ako ng mga damit. Kinuha ko ang mga extra na maliliit na sabon, shampoo, toothpaste, at toothbrush na pa-give away ng lugar na ito. Ang mahal-mahal naman ng sinigil nila rito, iuuwi ko ito at sayang.

"Sabi ko, pwede tayo mag-stay. Maulan pa naman saka pinayagan ako ni Mommy na magbakasyon. Aya, we can enjoy another day here." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Wala akong pambayad sa ganoong kalaking pera, Dwayne. Alam mo naman na hindi ko gusto na ganoong maging magastos. You know me, right?"

"Sabi mo sa akin, you want me to be real. I just want you here. Wala tayong problema sa pera. I can pay it."

"Gusto mo ba rito, Dwyane? Gusto mo pa ba mag-stay rito? Or dahil lang kay Betina kaya gusto mo rito? Tell me. Iyong totoo? Mapapagaan ba ang loob mo kung mag-stay pa tayo ng isang araw?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

Natahimik ulit si Dwayne. What's the real deal. Hindi ba't nandito lang naman kami dahil naka-book na itong room na ito for them.

"Let's go home." Napapailing itong pumunta sa banyo. Naligo at nag-impake ng damit.

30 Days of Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon