Chapter 23

18 0 0
                                    

Chapter 23

30 Days of Moving On

14

Magkasama kami ngayon ni Arn. Maganda ang sikat ng araw kaya natuloy ang fun run. This time, na-e-enjoy ko na ang fun run. Hindi na ako masiyadong hinihingal. Sa simula lang siguro talaga mahirap at nakakapanibago. Kagaya ng dati, maraming tao ang kasama sa fun run. Hindi ko maaninag ang iba pero karamihan ay kinakawayan ako. Siguro dahil maraming nakakita ng post ni Dwayne kagabi na ako ang date niya sa Alumni kagabi at siyempre iyong tumawag na agad ng pulis hindi pa naman ako nawawala nang bente cuatro oras.

"Instant celebrity ka na ata ngayon, ah. But how's Betina? Totoo ba na hindi na matutuloy ang kasal nila?" tanong sa akin ni Mike habang papunta kami sa coffe shop. Napapangiti ako nang makita ko ang signage ng coffee shop.

"Tara na sa heaven!" excited kong saad na winawagayway pa ang aking kamay.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko, ah!" saway ni Arn sa akin. Ngumiti lang ako. "Tuloy pa rin daw sabi ni Dwayne. Wala raw hindi natutuloy kay Betina." Hingal kong sagot sa kaniya.

Nang makapasok kami ay inaamoy ko ang sobrang bangon aroma ng well-brewed coffee na nakakalat lang sa ere. Ang sarap talaga ng ganitong lugar.

"Treat ko ngayon, ha?" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy na nag-order sa counter. Si Arn ay walang nagawa at naghanap na ng mauupuan. Alam kong tight ang budget niya ngayon kaya hindi ko maaatim na magpalibre pa sa kaniya.

Hinanap ko si Arn, mukhang pagod na pagod ito. Hati na ang katawan sa trabaho at problema sa pamilya. Naaawa ako sa kaibigan ko. Napili niyang upuan ang dati. Same place, same view. Kitang-kita ang view sa labas kung saan maraming fresh na halaman na natatamaan ng sinag ng araw kaya shinning shimmering ang mga greeny-leaves.

"Hey. Wait na lang natin, i-se-serve nila." Ngumiti ako sa tapat ni Arn. Kitang-kita ko ang maitim na maleta sa ibaba ng kaniyang mata. Pilit na ngiti ang nakita ko sa mga labi niya.

"Ganda talaga ng view rito. Iba talaga ang nagagawa ng mga halaman. Kaya nga, sobra akong masaya ngayon dahil sa iyo. Alam mo, Arn napaka-effective ng ginawa mong make-over ng bahay. Tapos iyong mini-gym na hinati ko sa mini-library. Kaya ayon, medyo hindi ko naiisip na malungkot. Tapos bihira na akong maiyak. Thank you, ha? Dahil sa iyo kaya nakaka-move on na ako." Gusto kong pagaanin ang loob ni Arn kahit papaano.

"Mukhang hindi ka ata napagod ngayon, Aya. Nag-eexercise ka na siguro lagi. Marami na siguro iyong try something new operation mo. Saka parang blooming ka, masaya ka na ba talaga o dahil nandiyan lang si Dwayne para hindi mo maisip na nag-iisa ka?" Tinignan ko si Arn. Seyoso pa rin ang mukha pero hindi nakasibangot.

"Hindi naman sa masaya ako, pero siguro hindi na ako malungkot. Mas okay pala na makita ko ulit si Mike. Kasi kagabi alam mo iyon, sobrang na-miss ko siya. Si Dwayne? Malaki ang tulong sa akin ni Dwayne. Marami akong natutunan sa kaniya, kagaya na hindi pala lahat ay kapareho ng manloloko kong ex-boyfriend. Alam mo iyon?" Napatigil ako dahil naisip ko si Dwayne pati iyong mga ginawa niya kagabi na biglang nagpatawag ng mga pulis para lang mahanap ako.

"Ang dami niyang pina-realize sa akin na deserve ko kaysa iyong maging ganito lang ako na hindi makapag-move on. Kaso hindi ko talaga akalain na magagawa niya iyong kagabi, biruin mo ba naman? Bakit ganoon na lang siya kagabi?" tanong ko kay Arn.

"It's because of Madi, Aya. He knows her. Akala siguro niya may ginawa na si Madi sa iyo." Tumango-tango ako kay Arn. "Dwayne is her new object," pagtuloy ko sa sinisiwalat ni Arn.

"Kaya kung ako sa iyo, lumayo ka na kay Dwayne. Who knows, Aya, baka ginagamit niya si Mike sa iyo ulit just to win Dwayne dahil malaki kang balakid ngayon sa kaniya. Si Betina nga nabigyan niya ng lover, ikaw pa kaya? She probably bring back Mike to you." Natahimik kaming pareho ni Arn at ilang minuto lang ay dumating na ang kape naming dalawa.

30 Days of Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon