Chapter 6

84 13 2
                                    

Chapter 6

30 Days of Moving On

Day 4

"Iha! Maraming salamat dahil sumama ka, ha? Pasensya ka na talaga dahil hindi talaga kaya ng puso ko na hindi ka isama ngayon. Hindi matahimik ang utak ko sa kaiisip kung hindi kita maisama ngayon. Di bale, hayaan mo akong ipakita sa iyo na hindi ka magsisisi na sumama ka. Magsasaya lang tayo rito! I know, kailangan na kailangan mo!" Ngiti lang ang tangi kong sagot. Hindi naman kasi ako sanay na mayroong tao na ganito ang pag-welcome sa akin sa buhay niya, feeling special ako ngayon.

"This is my son, Dwayne Anderson Ritual. He's with her fiance, eh. Wait lang, saan na ba iyong fiance mo, Dwayne?" Saktong pinapakilala sa akin ni Miss Joanne ang kaniyang anak at ang fiance nito, pero hindi nito mahagilap ang magiging kabiyak ng anak.

"Saan ba nagpupunta ang fiance mo Dwayne? Nakakahiya kay Miss Hyacinth!" Nagagalit na ang ginang pero mukhang wala lang kay Dwayne ang galit nito. Nakangiti pa ito at iniabot ang kamay sa akin. Nagtaas ako ng kilay at hindi ko tinanggap ang alok nitong pakikipagkamay sa akin.

Kinamot nito ang ulo sabay ngumiti ito at tumingin na sa mommy nito.

"So by the way, she's just in the room, bigla kasi siyang tinawagan ng company, mayroon silang nira-rush na report. You know Betina naman, ma... hard worker at wala kang masasabi kapag siya na ang nagtrabaho ng lahat. Kaya sa kaniya pinagkakatiwala ang mga bagay na confidential. She's just here, okay? Magsaya na lang tayo while we're here. Ngayon lang tayo ulit nagkasama, papagalitan mo pa rin ba ako, eh kaisa-isang pogi mo akong anak?" paglalambing nito sa kaniyang mommy. Okay, good boy naman pala. Akala ko kasi, hindi.

Natawa si Miss Joanne sa kapilyuhan ng anak, nakita ko na masaya ito at tunay ang mga ngiti nito.

"Marunong ka naman pala ngumiti," bati sa akin ni Dwayne. Hindi ko napansin na nakatingin na pala ito sa akin. Nakatuon kasi ang aking pansin kay Miss Joanne na ngayon nga ay nakaupo na at nagre-relax na lang sa may tapat ng pool.

Gusto ko sanang ngitian si Dwayne dahil he's a nice person. Kaya lang hindi sumusunod ang utak ko, parang gusto ko siyang hampasin at iwan na lang bigla-bigla.

"Ganiyan ka ba talaga sa mga tao sa paligid mo?" Tinignan ko si Dwayne nang walang emosyon. Parang wala lang sa akin ang pagpansin niya sa ugali ko. Yeah, gustong-gusto ko na siyang sagutin na kung hindi ko lang kliyente ang mommy niya ay kanina pa ako nagpakita ng ugali kong kailanman ay hinding-hindi niya na ako gugustuhing kausapin.

May iniabot siya sa aking drinks. Masaya sana ako kapag may halong alcohol ang ibinigay niya sa akin, kaso mukhang wala kaya hindi ko na lang pinansin.

"I'm fine. Thank you." Then tumalikod na ako sa kaniya. Pero katulad ng kaniyang mommy, hindi niya ako tinantanan at gusto ata niya talagang masampolan ko siya ng kamalditahan ko.

"A—" hindi pa ako nakakasalita ay gumiling-giling na ito sa harap ko habang iniaalok ang baso ng pomelo juice. Napailing na lang ako dahil sobra akong nawi-wierduhan sa taong ito. Gusto kong magmura.

"Hindi ka ba titigil?" tanong ko sa kaniya. Tumigil naman siya ngunit lumapit pa ito sa akin at sobrang hindi ko na nagustuhan ang tindi ng tama ng taong ito.

"Hindi mo ba talaga gusto ang juice na ito?" Sumimangot ito na parang bata. Kulang ata sa aruga ang taong ito, pero kung susumahin, mukhang nasobrahan dahil mukha namang maalaga sa anak si Miss Joanne.

"Hindi ba pwede na tantanan mo ako? May fiance ka, 'di ba? Baka pwedeng siya na lang ang pagtuunan mo ng pansin?" Tinalikuran ko na siya nang tuluyan. Dumiretso ako sa kwarto kung saan ay alam ko na walang Dwayne na makikita ng mga mata ko. Kung ganoon kakulit ang makakasama ko sa dalawang araw, hindi ko na gugustuhing lumabas sa lugar na ito.

30 Days of Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon