Chapter 37

17 0 0
                                    

Chapter 37

30 Days of Moving On

27

We're here in Laguna to have our outing. Dahil maulan, nagpasiya kami na sa isang private resort kami mag-get-together. May isang simpleng resort ang isa sa mga kasamahan ko sa yoga class kaya pinaunlakan niya kaming sa kanila mag-celebrate dahil maulan at may silong ang swimming pool. May Jacuzzi pa at medyo mainit ang tubig. Eleven kami sa yoga class kaya sabog halos ang simpleng resort. Masaya ang buong araw namin na magkakasama. Mayroong tawanan, kwentuhan, at iyakan. Siyempre hindi mawawala ang mag-share kami ng broken-heartedness sa isa't isa.

Aesthetic ang dating para sa akin ng resort na ito. Gawa sa ordinaryong kahoy ang mga furnitures at simpleng design, minimalist. Maraming maganda sa pigiging simple, kagaya ng resort na ito.

Nakaka-relax, lahat ngayon ay nakatutok sa highlights ng araw. Si Tita Maris at and Daddy ni Mike, si Tito Michael.

"Iha, Aya! Tara raw sabi ni Michael. Napapansin niyang kanina ka pa raw tulala r'yan!" suway sa akin ni Tita Maris dahil mag-isa ako sa may sulok. Nagpakalayo ako para ma-feel ko kahit saglit itong ganda ng resort. Balang araw, gusto ko rin magkaroon ng ganito. Para kung may problema ako, dito ako tatakbo at magmumukmok.

"Opo, Tita. Susunod na po," sagot ko habang naghahanda na ako sa pagtayo para mas lumapit sa mga kasamahan ko. Kasagsagan na nagkikwento si Tita Maris tungkol kay Tito Michael kung paano sila nagkakilala. Maya-maya ay may isang pigura ng lalaki ang dumating. Naghiyawan ang mga kasamahan ko at kinilig dahil sa kapogian na taglay ng lalaki. Umupo ito sa tabi ni Tita Maris at Tito Michael. May anim na katao ang layo ng pagitan sa akin. Si TIta Maris ay napatingin sa akin.

"Aya, why not tabi na kayo ni Mike?" nagulat ako nang nabaling lahat ng atensyon sa akin. Maging si Mike na hindi ako nakita ay napatingin din sa akin. Pati siya ay nagulat. Alam na niyang, nag-enrol ako rito para mag-move on. Kanino ba ako mag-momove-on, hindi ba't sa kaniya lang?

"Sweetie, dalhin mo 'yong upuan na iyon dito para tabi kayo ni Aya," utos ni Tita Maris kay Mike dahil may isang bakante malapit sa kanila na nakalayo sa lamesa.

"I'm okay here po, Tita!" Ngumiti ako at pati si Mike na magulo ang buhok at mukhang hindi nakapag-ayos pero gwapo pa rin ay tinitigan ko at ngumiti.

"Don't tell us, Coach, gusto mo si Hyacinth para kay Mike? Paano na po kami?" tanong ng isa dahil napansin nilang gusto akong ipatabi ni Tita Maris sa anak niya.

"Pero, Coach, ang sweet ng tawagan ni'yo ni Baby Boy mo, Sweetie! Sana 'pag nagkaanak ako, ganiyan din po kami ka-close!" sumang-ayon ang lahat.

"Kaya nga po, Coach! Ang daya mo naman po, hindi ni'yo sinabi na may anak kang gwapo. May dahilan na po ako para mag-enrol next month." Patawa-tawa pa ang mga kasama ko pero ako ay hindi. Sumusulyap-sulyap lang ako kay Mike kung nakatingin ba ito sa akin, medyo malayo kasi siya.

"Sus, sa ganda ni Coach at sa sobrang gwapo ni Sir Michael, alam na natin na gwapo ang anak nila. Hindi lang talaga natin alam na binata na talaga."

"Kaya nga, ang ganda kasi ni Coach!" hiyawan na ang lahat dahil nagtaas ng kamay si Tito Michael. "Hindi naman ako siguro mai-inlove at mahuhumaling kung hindi maganda si Marissa. Hindi ba?" nagpapatawang tanong nito sa amin. Halos lahat ay sumang-ayon sa kaniya.

Natawa si Tita Maris dahil sa mga sinabi ng mga kasamahan namin at maging sa sinabi ni Tito Michael.

"Can I talk to Aya, Mom?" Tumayo si Mike saka ito tumingin sa akin. Napalunok ako dahil sa pagsingit ni Mike. Natigil ang tawanan naming lahat. "Please," dugtong nito.

30 Days of Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon