Chapter 21
30 Days of Moving On
13Maaga akong ginising ni Dwayne para mag-work-out. Hindi raw dapat ako mag-skip dahil kailangan na strict sa pag-exercise. Palagi mong maririnig sa kaniya ang word na "Be committed!" Ang aga-aga ko tuloy na napagod dahil sa mga painggagawa naming dalawa.
Pagtapos namin mag-exercise, nagluto na kami ng almusal. Nilabas ko agad ang tocino at itlog. Nagsaing siya at ako naman ang nagprito ng ulam. Maganda ang gising niya ngayon. Nakangiti lang siya magdamag at palaging nagpapa-cute sa akin.
"Hoy, basagin ko kaya mukha mo?" Ngumiti siya at nag-wink.
"Babasagin mo itong sobrang gwapong mukha? Saan ka pa ba makakahanap ng lalaking ganito sa mukha ko?" Ang hangin naman pala ngayon, iyong bagyo noong isang araw pabalik ata rito sa bahay ko.
"Ang sarap ng almusal natin. Favorite ko ang tocino simula bata ako. Namiss ko na." Inaamoy-amoy pa niya itong piniprito ko. Nilaga ko muna, matapos mawalan ng tubig, saka ko na nilagyan ng kaunting mantika at ing-toast.
"Sino bang hindi favorite ito? Sobrang sarap nito lalo na kapag ako ang nagluto," pagmamalaki ko sa kaniya. Napahiyaw siya sa pang-aasar sa akin. Siya naman ngayon ang nahanginan sa akin.
"Hindi kasi ako nakakakain niyan kapag nandiyan si Betina. Bawal daw dahil masama sa katawan." Si Betina na naman. Kung may Mike ako, may Betina siya.
"Oh, ayan dadagdagan ko ang tocino mo para hindi ka na magmaktol diyan." Tumawa-tawa pa ako at nakita ko siyang hindi natatawa. Ang laki talaga ng problema ng taong ito.
"Umamin ka nga sa akin." Napatigil siya habang tinitignan iyong kanin kung luto na. Ganiyan siya kapag nagsasaing, hindi siya nagtitiwala sa rice cooker. May trust issues siya sa rice cooker.
"You are hurt." Hindi tanong para sagutin. Isang pangungusap para aminin. Sinunod ko nang iprito ang itlog.
Hindi niya ako inimik. Hindi ko sinundan ang sinabi ko at maging siya ay napaupo na lang.
Naghintay ako ng ilang segundo ng pag-amin niya pero hindi ako makapaghintay.
"Number one: Nasasaktan ka ngayon dahil ang nag-iisang mahal mo, may mahal nang iba. Number two: Nasasaktan ka ngayon dahil ang tanging pinagkakapitan mong dahilan para pakasalan ka niya ay ang pangako mo kay lolo niya na malapit nang mamatay. Number three: Nasasaktan ka ngayon dahil all of the above." Agad kong tinapos ang pagluluto ko ng itlog dahil hindi sumasagot si Dwayne.
"Hoy, sasagutin mo ba iyong mga choices?" Lumapit ako sa kaniya para kumuha ng plato. Tumayo siya para magtimpla ng kape.
"None of the Above." Hinainan ko siya ng plato at kutsara. Nilagay ko na rin ang mga ulam at nagsandok na ako ng kanin.
"At bakit? May mali ba sa mga sinabi mo sa akin o may hindi ka sinasabi sa akin?" tanong ko sa kaniya. Nakahain na ako at nakaupo lang siya.
"Hindi mo na kailangan malaman. Basta huwag ka na lang mahuhulog sa akin kagaya ng sinabi ni Arn sa iyo kahapon." Narinig pala niya ang usapan namin ni Arn kagabi. "So nag-eavesdrop ka sa amin?" nakataas ang kilay kong tanong sa kaniya. Naiirita ang tinig nito at dismayado ang mukha.
"Oo, kaya nga tayo pupunta sa Alumni niyo ngayon, eh. Para sana makita niyang masaya ka na at naka-move-on ka na." Ah, kaya pala gusto nitong maging date niya ako.
"Eh ang alam ng tao ay engage ka kay Betina. Siyempre, hindi maniniwala iyon or worse kilala ko ang isip ng lalaking iyon, sasabihin no'n na inaagaw kita kay Betina." Napaisip naman si Dwayne.
"Naghiwalay na kami ni Betina. Sinugod siya ni Mommy noong nakaraang araw at pinagkalat na nila na may relationship na tayong dalawa." Halos mahulog ang isusubo ko pa lang na kanin. Paano ko ito kakainin?
BINABASA MO ANG
30 Days of Moving On
ChickLitSa tatlumpong araw ng Hulyo, magagawa ko bang kalimutan siya?