Chapter 24

20 0 0
                                    

Chapter 24

30 Days of Moving On

15

"Ano ba Arn, bakit ba inenrol mo ako sa isang yoga class? Ang aga-aga ko tuloy! Tawag nang tawag sa akin iyong instructor!" naiinis kong kinakausap si Arn sa cellphone. Break lang namin pero ang dami ko nang naibugang hangin dahil sa yoga class na ito. I-enroll ba naman ako ni Arn nang hindi nagpapaalam sa akin.

"Ito kasing si Mommy, tinanong ko siya kung ano ang pwedeng gawin sa babaeng sobrang sungit at sobrang ikli ng pasesnya sa mga tao. Sabi niya, good daw ang yoga para ma-relax ang nervous system na hindi agad-agad na nagagalit. Saka, para raw hindi ka maboring ngayong bakasyon mo baka pwede mong subukan iyan. Kakilala iyan ni ni Mommy kaya don't worry hindi ka niyan kakainin. It can help you too para sa stress management mo." Si Tita Mabel pala ang may suhestiyon nito kay Arn.

"Puro breathing kami rito. Mauubusan na ako ng hininga kakahinga! Okay naman na ako sa takbo-takbo, Arn. Iyong bahay ko, kompleto na rin sa mga pwede kong gawin. Nandoon iyong mga halaman ko, iyong gym na okay na sa akin, lalo na iyong library na marami pa namang books ang mababasa. I think, I'm overdoing."

"Aya, isipin mo na lang na kailangan mo iyan gawin para sa future self mo. Hindi naman sinabi na may mga ginagawa ka na is iyon na. Siyempre kailangan mo rin iyan, trust me. Isa pa that is only twice a week. Walang mawawala sa iyo. Kapag bumalik ka na sa office at tapos na ang baksayon mo, pwede mong ipapalit after office hours." Napatigil saglit si Arn at mukhang may kinausap.

"Aya, I have to go. Kailangan ako sa tabi ni Dad." Nag-end na ang call at naiwan akong nakatulala pa rin sa cellphone. Gusto ko nang i-ditch itong yoga class na ito. Isang oras lang naman siya pero bago kasi sa akin kaya sigurp naiirita ako.

"Miss Hyacinth?" nagulat naman ako nang biglang lumapit sa akin ang instructor namin ng yoga. Tumango lang ako sa harap niya bilang tugon.

"Ah, start na po tayo ulit." I sighed. Then, sinundan ko na siya ulit sa yoga room. Basic pa lang naman daw kaya wala pa iyong mga nakakatakot na skills. And I doubt myself na makakaya ko iyon.

Sinundan ko lang ang instructor namin. Lahat ng pader ay salamin. Kitang-kita mo ang sarili, lahat ng mga galaw mo at ang iyong mga kasamahan mo. Kitang-kita kung nagkakamali ng pose kaya agad-agad na naitatama. Iyong mga poses sa yoga, kailangan kopyahin sa instructor tapos dapat hihinga ka nang malalim.

Maliwanag ang ilaw kaya magigising ang inaantok kong muscles. Dito ko natutunan sa yoga na kahit hindi nag-e-effort sa force ng muscles, pwede kang mapagod, hingalin at pagpawisan. More on stretching ang dating nito sa akin. Like now, nakakagising. Hindi gaanong malakas ang aircon at hindi rin gaanong maiinit. Sapat lang para pagpawisan at sapat lang para hindi naman masiyadong mainitan. Too much can cause stroke or heart attack. Well, isa ito sa nagustuhan ko.

And the last one is, iyong papapikitin ka and you'll think of the place na marerelax.

"Okay, and now let's all take deep breaths. Think of your happy place. Where you found love in the safest place in your heart." Iyong happy place. Saan nga ba ang happy place ko?

Nakita ko si Mike, kung gaano kami kasaya noong nagsisimula pa lang kami. Kung paano siya nagbago habang patagal kami nang patagal. At iyong panahon na iniwan niya ako at natuldukan iyong pagmamahalan namin.

Hindi iyon ang happy place ko. Napabigat ang loob ko nang maisip ko si Mike. Kaya dumilat ako..

"Take a deep breath. I know, you're having a hard time. Think again of the place where you found your self being far away from being sad. The place where everything seems fine." A place where seems fine.

30 Days of Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon