Chapter 31

26 0 2
                                    

Chapter 31

30 Days of Moving On

21

Ilang segundo na walang imikan ay kusang tumayo si Dwayne sa tabi ni Mike. Pinilit niyang hilahin si Rica sa aking tabi palabas ng restaurant. Pero si Rica ay hindi nagpapatinag, ayaw niyang umalis sa tabi ko kahit na ang lakas na nang pagkakahila sa kaniya ni Dwayne.

Naghihilahan sila Dwayne at Rica ngayon sa tabi namin. Gustong umalis ni Dwayne pero hindi niya maiwan si Rica dahil may usapan ang dalawa na sasamahan ngayon si Rica. Tumaas ang kilay ko habang sinasabi ito ni Rica.

"Dwayne, dito ka na muna. Sabay-sabay na tayong kumain." Kumurap-kurap si Dwayne dala ng pagkagulat. Bukod sa naiinis ako sa akto niyang iyon ay hindi ko matiis na pinagtitinginan sila sa paligid namin. Huminto rin ang paghila niya kay Rica palayo sa amin. "Talaga? Pwede kaming sumabay sa inyo?" tanong nito na hindi makapaniwala. Tumango naman ako. Napatingin muna ako kay Mike na halos hindi makagalaw dahil sa pagkakakita kay Rica.

It's not for Dwayne, it's for Madi and Mike. "Dagdag mo na lang order natin, Mike. Okay lang din naman sa iyo, 'di ba?" nagulantang si Mike sa tanong ko at ngayon lang siya nakabawi sa pagkakatulala. Napansin iyon ni Madi at bigla itong napahinto. Mukhang naapektuhan pa rin siya kay Mike.

Mike is something na hinding-hindi matatanggihan na kagwapuhan. Bukod sa kagwapuhan nito, malakas ang charm ni Mike, kaya hindi na nakakapagtaka na kahit si Madi na pinaglaruan lang si Mike noon ay may epekto pa ring mararamdaman para kay Mike. Nagsama sila sa States and may nangyayari na sa kanila kahit girlfriend pa ako noon ni Mike.

And for Mike, kahit ilang ulit niyang sabihin sa akin ang nararamdaman niya, there is a part of me saying that he still have feelings for her. Ngayong nagtagpo-tagpo kaming apat, sa iisang lamesa, at sa pinakanakakailang na sitwasyon ay napapagtanto ko na ang lahat.

Hindi sumagot si Mike, tumawag na siya agad ng waiter at lumapit sa amin kanina, nag-order. Nagkasundo sila ni Dwayne ng mga dapat i-order.

"You know what, Hyacinth?" tanong sa akin ni Red Lady.

"Yes, Madi?" Nabigla si Red Lady sa tinawag ko sa kaniya. She hates it! Bingo!

Pero bigo akong matuluyan siya sa pagkakainis, nabawi niya iyon agad at ngumiti. "About the CR incident last time, at the party, Alumni.. I'm very sorry about that. Siguro marami lang akong nainom na wine no'n. You know, Hyacinth, naparami na ako ng inom. Ang saya-saya kasi positive ang naging event." Napahinto saglit si Red Lady nang mapatingin ito sa gawi ni Dwayne.

"Except sa biglaang nagpatawag ng cops dahil bigla kang nawala sa paningin niya." Tumawa nang tipid si Red Lady, iyong nang-aasar habang tumataas ang kilay. Ngayong ko lang napansin na bukod sa mapulang lips, pansin ko ang matutulis na kuko na may kulay pula rin. Nakakatakot, parang mangkukulam.

Umubo-ubo si Dwayne. Naalala niya iyong ginawa noong Alumni. Si Mike naman ay tahimik lang, tinitignan lang niya si Red Lady. Walang ekspresyon, hindi ko tuloy alam kung sobrang miss niya ito o sobrang kinasusuklaman. Iyong tingin kasing iyon ni Mike na hindi ko pa nakikita simula nang makilala ko siya.

"Mababaliw ako nang gabi na iyon matapos nating mag-usap sa CR. You know, Hyacinth, ang swerte-swerte mo kay Mr. Ritual, bakit naman binasted mo siya sa proposal niya sa iyo?" It shooked me.

Naningkit ang paningin ko kay Dwayne. Halatang guilty ito sa pagpapasa ng impormasyon na iyon kay Red Lady. Hindi makatingin ngayon si Dwayne sa akin nang diretso. "I will explain!" hindi matiis ni Dwayne ang tingin ko sa kaniya kaya bigla siyang nagsalita.

"Ah, Aya!" singit ni Mike. Nakita kong seryoso ito, may iniabot siya sa akin na paper bag ng Watsons. "Ito pala iyong pinamili mo kanina, nakalimutan mo atang bilhin kaya ako na bumili," ngumiti si Mike. Natigil ang dalawa sa pinag-uusapan.

30 Days of Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon