Chapter 39
30 Days of Moving On
29
Wala nang bakat ng luha ang aking unan. Wala na ang punda na nakapatong ang kaniyang amoy. Wala na ang taong naging dahilan ng mga gabi ng aking paghikbi. Wala na, at nanatiling wala na sa aking puso. Naging matatag ako at matibay sa mga nagdaang sandali. Naging bukambibig ko ang lumaban at maging masaya kahit ako ay nag-iisa. Sa mga natitirang araw ng Hulyo, ito na ang pinakahihintay ko para maging tunay na malaya palayo sa kalungkutan.
Nauna akong nagising sa tunog ng alarm. Tinakda kong gumising ng ala-sais ng umaga pero tatlumpung minuto bago sumapit ang oras na ito ay nagkamulat na ako. Marahil ay na-miss ko ang ganitong gising, ang ganitong gawain. Na-miss kong pumasok sa trabaho.
Nabungaran ko ang mata kong hinahamon ang araw. Maging ang mga labi ko na walang paglagyan ng matinding kasiyahan. Ilang ulit bago ko inisip kung kailan ako huling naramdaman ang ganito matapos ang taon na para akong bangkay sa umaga na tatawagan ng mga Boss bago ako bumangon para pumasok.
Huminga ako nang marami. Ngayon lang ulit. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong excitement. Papasok na ako ulit at wala nang makakapigil pa.
Nilabas ko ang mga bago kong damit na bago ko ring bili. Napangiti ako nang makitang mas gumanda ang hulma ng katawan ko. Dala ito ng maraming araw ng pag-excercise, tamang diet, at pag-fun run. Nakatulong din ng marami iyong yoga class ni Tita Maris. Naalala kong bigla ang pamilya ni Tita Maris, at maging siya ay naalala ko. Pero hindi ko na maramdaman ang bigat. Hindi na at wala na.
Nag-ayos na ako ng sarili. Naghanda ng almusal at tanghalian na kakainin sa opisina. Mabilis lang akong kumilos kaya napapagtanto ko nang maaga-aga akong makakapasok ngayon. Nang matapos akong mag-ayos ay handa na akong sumabak uli sa trabaho.
Nakarating ako sa office na halos lahat ng makakasalubong ko ay nakangiti. Kakaunti pa lang ang mga tao pero ang mukha nila ay nagtatakha. Nakita ko rin na alangan sila sa pagbabalik ng kanilang ngiti sa akin pero hinayaan ko munang masanay sila sa ganito kong pagbabago.
Narinig ko ang mga bulong-bulongan sa paligid. Hindi ako naiinis o naiirita. Maging ang ibang kumakalat na balita ay tungkol sa kasal nila Dwayne at Red Lady. Naalala siguro nila iyong panahon na sinundo ako rito ni Dwayne na may dalang bulaklak at nakakawit ang aking kamay sa braso niya. Akala siguro nila ay binasted na ako ni Dwayne. Pero wala lang sa akin. Nag-iisip pa ako kung maghihiganti ako kay Red Lady ngunit nang makauwi na ako sa bahay kagabi, napag-isip kong mag-move on na lang muna kay Dwayne. Tutal, nagawa ko na kay Mike, kaya malakas na ang loob kong gawin iyon kay Dwayne.
Ilang minuto nang dumating si Arn. Ngumiti ito at agad na nagtimpla ng kape. Sinundan ko siya saka ko nilabas ang inihanda kong almusal. Sinama ko siya sa almusal ko dahil alam kong bibili na naman ito ng almusal.
"Buti nakapasok ka kaagad. Halos late na tayo nakauwi kagabi. Kasama mo pa si Sharon. Panigurado, puyat at napagod ka, no?" pang-aasar ko pa sa kaniya. Ngunit tahimik lang si Arn. Mukhang may bumabagabag sa kaniya. Naghati kami sa cornbeef na may itlog at fried rice na niluto ko.
"Sana araw-araw ganito. Saka ang aga mong pumasok ngayon, Aya. Mukhang good mood ka na, a." Sasagot na sana ako kaya lang ay nakita ko si Jill na pumasok sa mini pantry na pinagkakainan namin ni Arn. Timpalahan kasi ito ng mga kape pero tumatakas kami ni Arn na dito kumain dahil tinatamad kami magpunta sa canteen.
"Hi, Jill. Good morning. Kain!" bati ko kay Jill. Lumaki ang kaniyang mga mata sa gulat dahil sa bati ko sa kaniya. Halos natutop niya ang kaniyang bibig.
"Oh, parang may nakita kang multo. May nasabi ba akong masama?" Bumalik ang normal na mukha ni Jill at ngumiti ito nang sobra na halos mabanat na ang kaniyang mukha.
BINABASA MO ANG
30 Days of Moving On
ChickLitSa tatlumpong araw ng Hulyo, magagawa ko bang kalimutan siya?