Chapter 34

19 0 0
                                    

Chapter 34

30 Days of Moving On

24

Maaga kaming umalis ni Mike. Alas-singko y media pa lang ay nagprepara na kami para magbyahe. Pero mas mabilis ang aking dalawang pinsan para maghanda ng aming almusal. Nakapagkape at tinapay muna kami bago umalis sa bahay ng Ante Ana.

Dali-dali kaming nagpunta sa bahay nila Arn sa Tagaytay na halos limang oras din ang byahe kung may gamit na service.

Hindi kami nag-iimikan ni Mike sa kotse hanggang sa byahe, alam nito ang aking nararamdaman.

Nang makarating kami ni Mike ay sinalubong kami ni Arn. Walang salita pero agad ko siyang niyakap. Naiiyak pa ako sa kaniyang harap, habang siya, pa-cool pa ang dating pero halatang malungkot ang mga mata.

"Coffee muna tayo," aya pa nito sa amin ni Mike. Nakita ni Arn na may mga bagahe akong dala sa kotse ni Mike. Nagtaka man ito ay hindi na niya pinansin ang nakita.

"Gusto ko muna makita si Tito," pigil ko kay Arn. Napahinto siya sa aking pagkakasabi. "Mas mabuti na magtanghalian na muna kayo, mukhang galing kayo sa mahabang biyahe." Dahil nakita ko sa mata ni Arn na ito ang gusto niya gawin muna, sumama na kami agad sa kaniya sa dining.

Kakaunti pa lang ang tao sa paligid pero diretso kami sa kainan.

Maraming nakahain, adobo, fried chicken, chopseuy, at butter vegetables. May tinitimplang kape na si Arn para sa aming tatlo.

Nang matapos ito magtimpla ay agad itong tumabi sa amin, binigay ang aming kape, at saka nagsandok ng mga ulam.

"Gutom ka?" tanong ko rito. Tumango lang siya, maraming pagkain kinuha si Arn, mukhang gutom na gutom ito.

"Arn, p're." Narinig ko si Mike na nagsalita, nag-aalala rin ito kay Arn. "Dahan-dahan lang." Iyon din ang gusto kong sabihin kay Arn dahil mukhang mauubusan siya ng pagkain sa dami ng sinusubo niya at sunod-sunod pa.

Tumayo agad si Mike at kumuha ng tubig. Nilagyan niya ng isang basong tubig si Mike. Ako naman, tinapik-tapik ko ang likod ni Arn. "Ano ka ba naman, Arn. Okay lang umiyak, okay?" iyon lang ang aking sinabi at naiyak na ito habang mayroong lamang kanin at karne ng adobo ang kaniyang bibig.

Walang umimik sa amin ni Mike. Tinitignan lamang niya kung paano ko tapikin ang likod ni Arn. Tuluyan nang humagulgol si Arn sa harap ng aming kainan. Dumating din si Albert at ang kaniyang girlfriend sa tapat namin pero hindi tumigil si Arn sa pag-iyak.

"Kailangan lang pala si Ate Aya ang pumunta sa'yo rito para umiyak ka, Kuya." Hindi ko mawari kung nanunudyo pa rin ang kaniyang kapatid na ngayon ay namamaga rin ang mata at maluha-luha nang makita ang kalagayan ng kaniyang kuya.

"Albert, please..." suway ko rito.

Unti-unti nang may namuong luha sa mata ni Albert at naiyak na rin ito sa harap namin. Inalo-alo naman siya ng kaniyang girlfriend.

"Opo, Ate Aya. Hindi ko naman inaasar si Kuya Arn. Kagabi kasi, sobrang abala niya na halos lahat ng gawa rito siya ang gumawa. Lahat ng kailangan na ayusin siya ang umayos. Ngayon lang siya kumain at ngayon lang siya umiyak. Kaya salamat po, Ate Aya," diretso ang pagpapaliwanag ni Albert sa akin sa nangyari kay Arn kagabi.

"Kaya pala ikaw ang tumawag sa akin kagabi at hindi si Arn." Tumango lang si Albert. Si Albert ang tumawag sa akin kagabi tungkol sa nangyari.

"Hindi ko na rin alam, Ate Aya, kung sino ang tatawagan ko kaya tinawagan ko rin po si Ate Sharon, papauwi na rin po siya rito galing Paris." Nagulat si Arn sa narinig at natigil ito sa malungkot na pag-iyak.

30 Days of Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon