Chapter 25
30 Days of Moving On
16
"Hi! I'm back!" Kakabukas ko ng pinto ng bahay. Nabungaran ko si Dwayne na may dalang bulaklak at almusal. Nang isasara ko sana ang pinto ay pinilit niya ang katawan niya sa maliit na espasyo mula sa pintuan.
"Ganiyan ka ba kapag nakamiss ka, sumasama ulit ang ugali mo? Aya, dalawang araw lang akong nawala." Inaabot niya sa akin ang bulaklak, sunflower. Napangiti ako nang bahagya.
"Ayaw ko ng maingay!" sigaw ko sa kaniya. Kinuha ko ang bulaklak at inilipat ko agad sa isang transparent na vase. Pangiti-ngiti lang si Dwayne habang nasa lamesa siya. Inaayos niya ang dala-dala niyang almusal.
"Breakfast muna tayo, Aya. Bago ka magsungit diyan. Siyempre kailangan natin ng energy." Natigil ako sa pag-aayos ng bulaklak. May binabalak na naman itong si Dwayne.
Nang maayos ko ang bulaklak ay sumunod ako kay Dwayne sa lamesa. Nakahain na ang tapsilog, kape, at may dala itong sundae. Nakakamiss ang pagiging maasikaso ni Dwayne.
"Hoy, matunaw ako, Mahal na Reyna." Napangiti ako sa kaniya at saka umupo na. "Salamat sa pa-almusal, na-miss ko ang alipin ko." Palihim itong napalunok, uminom ito ng dalang kape saka naubo-ubo pa.
"Sabi ko na, eh. Mamimiss mo ako. Siguro inlove ka na sa akin?" Hindi ko na pinansin ang pagkulit niya. Hindi na talaga nagbago.
"Saan mo ito binili?" Masarap iyong tapa, pero parang hindi binili kung saan, lasang lutong-bahay lang.
"Sinong nagsabi sa iyong binili ko 'yan? Iyong sundae lang ang binili ko. Ako ang nagluto niyan. With love kaya masarap." Sabay ngiti nitong nakakaloko. Napainom ako ng tubig, bibilib na sana ako, kaya lang ay ang hangin talaga ni Dwayne. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako nasasanay sa kahanginan niyang ito.
"Na-miss mo ba talaga ako, Mahal na Reyna?" tanong nito sa akin. Patapos na kaming kumain nang bigla niyang binasag ang katahimikan sa gitna ng hapag.
Tumango lang ako.
"After nito, maligo ka na. May pupuntahan tayo. Bawal humindi. Bawal magpabebe. Na-miss mo ako 'di ba? Na-miss din kasi kita."
"Sinong nagsabi sa iyong susunod ako? Boss ba kita?" tanong ko rito. Kung makautos ito akala mo sinasahuran ako.
"Hindi, alipin mo nga ako, 'di ba? Pero kagaya ng pangako mong sasamahan ako sa mga pupuntahan ko, kailangan mo akong samahan ngayon." Nagtaka ang mukha ko sa sinabi niya.
"Kailan pa ako nagkaroon ng pangakong ganiyan sa sinasabi mo. Wala akong matandaan." Biglang nagbago ang mukha ni Dwayne. Iyong parang mangangain ng tao. Bigla siyang tumayo sa upuan at dinamba ako. Kiniliti niya ako nang kiniliti hanggang sa mahulog na kaming dalawa sa upuan.
"Ano ba kasi, Dwayne? Ito na nga! Maliligo na!" Padabog akong tumayo at tumungo sa banyo. Bahala na siyang magligpit ng mga pinagkainan namin. Siya naman ang may ideya ng lahat.
Nang matapos na lahat ng seremonyas, nagtungo na kami ni Dwayne kung saan kami galing noon.
"So, nandito na naman tayo. Tuloy pa ba ang kasal, Dwayne?" Ngumiti ito nang tipid. Hinawakan nito ang kamay ko. Sabay ang napilitang ngiti.
"Kailangan matuloy ang kasal, Aya!" Matigas na pagkakasabi nito. SIguro, pinaglalaban pa rin niya ang pangakong kasalan nila kahit alam na ng lahat na wala na itong pag-asa.
"Mr. Ritual, we thought the wedding is off." Tipid na ngiti lang ang sagot ni Dwayne sa sumalubong sa amin, ito ang Manager. Inayos-ayos nito ang collar ng kaniyang suot na damit. Huminga nang malalim. "I think, ready na ang taster ko. Hindi na siya maiiyak kapag nakakita ng paborito niyang cake," pabiro nitong saad sa kaharap kahit halatang pilit lang na nagpipigil ito sa pagpiyok.
BINABASA MO ANG
30 Days of Moving On
ChickLitSa tatlumpong araw ng Hulyo, magagawa ko bang kalimutan siya?