Chapter 29
30 Days of Moving On
20
Gulat na gulat ako sa sinabi ni Arn kahapon. We are here in Tagaytay. Sa resthouse nila, inaayos ang second wedding nila Tito Brian and Tita Mabel. Tito Brian wants to marry again Tita Mabel before he'll die. Gusto raw nila Tito at Tita na andoon ako. So sinama ko na si Dwyane since dumiretso na kami rito kahapon. Kailangan daw ni Amor ng tao.
Kulang ang assistant ni Amor kahapon dahil biglaan. Nagpresenta kami ni Dwayne na tutulong dahil we both know kung ano ang kalagayan ni Tito Brian. Since Amor is an interior designer, isa rin siyang event organizer. Hindi mahirap katrabaho si Amor and sobrang close sila ni Dwayne. Parang walang dinadalang problema ngayon si Dwyane dahil kay Amor.
"Hoy, feeling ko, may nagseselos," asar sa akin ni Arn. Napatingin ako sa kaniya habang inaayos niya ang kurbata niya. Napatagal pala ang pagkakatitig ko sa dalawa habang inaayos ni Amor ang buhok ni Dwayne. I wonder kung gaano kagaling si Amor sa pag-aayos.
Simple lang ang wedding, kakaunti lang ang invited guests. Kaming mga kaibigan and some relatives nila. Nandito na halos lahat, kami, we're ready na sabuyan sila ng pigtas-pigtas na rosas. Walang abay pero may flower girls at ako iyon at ang girlfriend ni Albert, iyong kapatid ni Arn.
Pastel colors ang theme, I'm in pastel pink. Simpleng tube dress na may white shoul. Hanggang talampakan ang haba ng dress kaya naka-flats lang ako. Hiram lang ang lahat ng ito. Iyong damit, rented lang sa may market, itong flat sandals sa girlfriend ni Albert, at itong shaul... binili ni Dwayne nang makita niyang tube dress ang isusuot ko.
May cutie na pink blossom crown pa kaya mukha akong flower girl na nagdadalaga. Dahil sa kamamadali, hindi ko na rin nasuklay masiyado ang buhok ko, lumabas ang pagkaka-wavy. Hindi nakakairita dahil sa lagay ng panahon, malamig.
"Mukha kang tao ngayon, Arn." Ngumiti lang si Arn sa akin, checking on me, I smiled at him. "You're way being better and better. I can see it, Aya. Hindi na ako tututol kung ano ang desisyon mo. Kung si Dwayne man iyon o si Mike. I guess, may napala rin tayo kay Dwayne. And he..." napatigil si Arn sa pagsasalita, ako naman ay nakaabang lang sa sasabihin niya. Napayuko siya at inisip muna ang sasabihin. Alam nitong naghihintay ako ng kasunod na sasabihin niya.
"He just wants you to be happy. I can see it. Kasi nagtagumpay siya." Arn's tone was serious. Gusto na niya si Dwayne at hindi na sila parang nagpapaligsahan kapag magkasama. "Akalain mo iyon, Arn. Kung hindi mo ako pinilit na mag-move on noon, baka nakalugmok pa rin ako hanggang ngayon. It's all because of you." Natawa si Arn sa sinabi ko.
"I never laughed simula nang pumunta kami rito nila Dad. Palagi akong aligaga at nag-aalala. And you manage to make me laugh, Aya." Huminga ito nang malalim, nagtawag ng isang waiter na may dala-dalang kape. Kinuha nito at ibinigay ang isa sa akin.
"I will miss this, coffee." Inamoy-amoy nito ang brew, nakangiti habang nakapikit. "Aya, hindi ako ang dahilan kung bakit ka nag-move on. It is you. But, I will never forget kung paano ka umiyak nang dahil sa toothbrush. Sobrang epic. Lalo na nong nakita kita na umiyak dahil sa kama, unan, at kumot na gulo-gulo pa ang kwarto mo. Grabe iyon. Hindi ko aakalain na ganoon ka kalala." Napatawa ako nang maalala ko kung paano ako nagsimula. Naalala ko kung paano ako inamo-amo ni Arn at kung paano niya ako ni-real talk nang gabi na iyon.
Ironic, natatawa na lang ako ngayon sa tagpong iyon.
"If hindi mo ako kinulit na palaging nakatulala at napapagalitan ng mga big boss, hindi ito mangyayari. Baka kapag bumalik si Mike sa buhay ko, gumagapang ako sa harap niya at nagmamakaawang balikan niya ako. Baka kung hindi ka pumayag noon na tulungan ako, isang lugmok na Aya pa rin ang nakita ni Mike." Tinikman ko ang mainit-init na kape na kabibigay ni Arn kanina.
BINABASA MO ANG
30 Days of Moving On
Literatura FemininaSa tatlumpong araw ng Hulyo, magagawa ko bang kalimutan siya?