Chapter 35
30 Days of Moving On
25
Nakayuko ako nang abutin ni Mike ang kamay ko pababa ng kaniyang kotse. He was smiling, seems everything was legit fine. We're here, kung saan kami unang nagkita, kung saan una akong umibig sa unang pagkakataon. The weather was seemingly fine too, para itong tag-ulan ay umaatras sa dapat niyang panahon. May dala siyang camera na nakasukbit sa leeg niya. Hinawakan ko iyon at nagulat siya.
"Bakit?" tanong nito. "Ayaw mo bang kuhanan kita ng pictures habang naglilibot tayo sa dati nating school?"
Nagpunas ako ng pawis sa aking noo sabay ng pag-iling ko sa kaniya. "Mukhang marami tayong pagki-kwentuhan dito, Mike. Hindi ba medyo sagabal iyan? May selpon naman tayo para kunan ng litrato iyong mga gusto nating picturan." Kinalikot ni Mike ang hawak niyang camera, ngumiti ito sabay ang pagkuha sa akin habang iritang-irita ako at naiinitan sa pabibong araw.
"Ano ka ba? Ang dami-dami kong pawis, oh!" angal ko sa kaniya. Natawa siya nang makita ang naiinis kong mukha sa harap niya. Akma niya akong kukunan muli nang hinampas ko na siya. Mas natawa pa ito at mas pinilit na kunan pa ako nang maraming litrato hanggang sa ako na ang sumuko at nag-pose na lang ako nang naka-peace sign.
Nakakaasar si Mike.
"Sobrang oily ng mukha ko riyan!" umaangal pa rin ako habang naglalakad kami papasok ng gate. Tumatawa lang si Mike habang bina-browse ang my mga nakunan niya sa akin.
"Good morning po, Sir at Ma'am. Saan po kayo pupunta?" tanong sa amin ng guard. Natawa kami nang sabay ni Mike dahil hindi namin napansin na may Guard pala sa may gate. Nawala sa isip naming dalawa na may pasok nga pala ngayon ang mga bata. Bago kasi si Kuya Guard kaya hindi kami kilala. Tahimik pa kasi ang buong school, marahil ay nagkaklase pa ang mga ito. Alas-nuwebe palang ng umaga.
"Alumni po kami rito, Kuya. Kakausapin po namin si Mr. Tombaga." Nagsenyas si Kuya Guard sa amin saka nagpatuloy na kaming pumasok sa loob. Ang totoo naman ay hindi kami pupunta sa President ng school namin. Gusto lang namin gumala sa loob ng school kung saan ay matagal din kaming nagka-bonding ni Mike.
Nang makapasok na kami sa loob, iyong vibes ng nag-aaral pa ako ay parang bumabalik. Nandito pa rin iyong mga building na kinaiinisan kong lakarin noon dahil sobrang lalayo ng mga pagitan nila. Nandito pa rin iyong mga lamesa't upuan sa ilalim ng puno na madalas namin pagtambayan ni Mike noon. Nandito pa rin iyong mga tindahan na nagsusulputan sa bawat sulok ng university.
"Dating almusal?" tanong sa akin ni Mike. Tumango ako nang nakangiti. Umupo kami ni Mike sa dati naming malimit na pagtambayan kapag mag-aalmusal kaming dalawa. Minsan pasimple kaming nagtutungo rito lalo na kapag nakalimutan naming magluto ng almusal. Nali-late kami ng gising dahil gumawa kami ng project or assignments, madalas na mangyari rin ito kapag nag-review kami magdamag.
"Nakangiti at kumuway sa akin si Ate na palaging nagtitinda noon sa amin ni Mike. Maya-maya ay may dala na itong tinapay na may hotdog, tig-isang tasa ng mainit na kape at dalawang nilagang itlog. Ito ang pinakamurang almusal dito sa university.
Hindi ito ang main canteen dahil sa main canteen ay halos ginto ang mga presyo pero masasarap ang mga ulam. Itong nandito sa gilid na harap ng school na nasa ilalim ng malalaking puno ay sa mga pang-skolar na kagaya ko. Mura ang mga bilihin, simple pero mabubusog ka na, presko pa dahil sariwa ang hangin at maraming mga halaman sa gilid.
Kapag tag-ulan lang ganito na kaunti ang bumibili dahil kakaunti ang masisilungan. Mabuti na lang ngayon na hindi nagsumpong ang panahon.
"Mike, lumiit itong hotdog nila, no?" tanong ko habang sinusubo ko ang nilagang itlog pero ang napansin ko ay ang hotdog dahil lumiit. Halos masamid ako sa katakawan ko nang isubo ko ang buong itlog.
BINABASA MO ANG
30 Days of Moving On
ChickLitSa tatlumpong araw ng Hulyo, magagawa ko bang kalimutan siya?