Chapter 36

24 0 0
                                    

Chapter 36

30 Days of Moving On

26

Halos mawalan ako ng ganang bumangon ngayon. Kasabay ng lahat ng patak ng malakas na ulan kahapon ng hapon na ay ang malakas na mga butil ng luhang nagragasang pumatak sa aking mata. Ang daya ni Mike, kung kailan nararamdaman ko nang may pag-asa na kami ulit, doon siya sumuko, doon niya ako iniwan ulit.

Maga pa ang mata ko nang tumawag si Tita Maris sa akin. Hindi ko kayang lumabas ngayon, pero naalala ko lahat kung paano ako bumangon noon. Kung paano ako nagsimulang akayin ni Arn noon palayo sa mundong madilim na tinahak ko noon. Tinitigan ko ang kwarto ko ngayon na punong-puno ng maraming pagbabago. Inisip kong mabuti ang bawat sulok ng bahay na nabago ang panlabas at natakpan ang lumang anyo.

Ganoon din ako, pero hindi ako isang bagay na kapag binago, binihisan ng ibang ayos, o nag-make over ay mababago na. Nandito pa rin pala lahat ng sakit at pait. Malalim.

Iyong sugat na tumama sa puso ko, hindi pala talaga ganoon kadaling maaalis. Isa pang tawag ang nadinig ko kaya napabangon na ako. Nang sinagot ko iyon ay sinabi kong papunta na ako kahit na ang katotohanan ay maliligo pa lang ako.

How can I go to that place kung ang anak niya ang may dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon? I'm losing patience!

Nagsisigaw ako habang naliligo, sinabayan ko rin ang shower ng paghikbing walang luha. Wala na ata akong mailuluha. Hindi ko mailabas ang sakit sa puso ko. Para akong namanhid sa isang iglap na wala na akong mailabas pa. Nagtagal ako sa pagligo dahil doon. Gusto kong umiyak, gusto kong iiyak lahat, pero wala pa rin. Lumabas ako ng bahay na walang ka-gana-gana.

Nang makarating ako sa yoga class ay hindi ko pa rin mahanap ang dahilan ko para ngumiti. Hindi ko maalala kung may dahilan ba ako para ngumiti. Parang wala.

"Hyacinth, I know you're not fine and I know you'll need this. You'll need this." Napalunok na lang ako sa harap ni Tita Maris dahil pursigido ito sa kaniyang sinabi. Wala rin akong pinapansin sa mga kasamahan ko kahit na halos lahat sila ay kinakawayan at ningingitian ako. I am just here because I'm irritated na mag-ring nang mag-ring ang cellphone ko.

"This will be our last session for this month. This is very important, this is the final answer and the final search for your happy place." Nagsimula na si Tita Maris na magre-call nang lahat ng yoga poses namin na inaral nang nagdaang mga session. Marami-rami kaming ginawa ngayon pero halos lahat ay hindi na ako gaanong nahihirapan. Karamihan din ay natatangay nito ang lahat ng sama ng loob ko ngayong umaga. Nararamdaman ko ang ginahawa sa aking dibdib at napapakawalan ang iba kong mga dinadamdam. Pati ang aking mga iniisip ay nakakalma rin.

Pina-sukhasana kami ni Tita Maris. Ito rin ang pinakapaborito ko sa mga poses, nakaupo lang kami nang naka-indian sit, relax na relax. We started to close our eyes. I feel the beat of the relaxing music and calm my mind.

"Now, you're at the top of the mountain. You'll see everything is in your hands, you'll see what they can't see because you're at top of everything." Inisip ko agad ang sinabi niya. Nakaka-relax din ang music at amoy ng scented humidifier kaya mas lalo kong na-feel na nasa taas ako ng bundok. Simpleng saya ang pakiramdam ko, at feeling ko payapa ang buhay ko dahil naiisip ko na nasa itaas ako at hawak ko ang mundo. I feel home.

"You'll feel the wind wrapping your arms leading you to a place you thought you'd found your happy place. You followed the wind that caress your arms." Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong sumama sa hangin, dahil ba nandoon ang kasiyahan na hinahanap ko?

"Now, you found yourself at the edge of the cliff. Nasa dulo ka na pala ng isang mataas na bangin." The shifting was quick, Nasa itaas ako ng bangin na pwede akong mahulog at mamatay.

30 Days of Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon