Chapter 7
30 Days of Moving On
Night 4
"Let's buy juice, wait lang. Bili kita."Humawak ako sa braso niya at lumapit sa kaniya. "Ayoko ng juice." May ngiti na sumilay sa labi ni Dwayne, siguro ay naiisip niya iyong kanina kaya ayaw ko tanggapin ang alok niyang juice sa akin. "I want to drink hard. Gusto ko maglasing. Kahit sino pa ang kasama ko, kahit ikaw, o kahit ako lang mag-isa. Mag-iinom ako ngayon," buong-buo ang loob kong saad sa kaniya. Hindi naman siya umimik. Nang makarating na kami sa maliit na mga bar na nasa tabi lang ng dagat ay ibinigay niya sa akin ang isang polo shirt at inilagay niya sa aking likod.
"Baka kasi lamigin ka, saka kanina ka pa pinagtitinginan. I know na maganda ang katawan mo, pero sanay ka ba talaga na ganiyan." Natawa ako sa kaniya. May mga lalaki pa palang mananaway sa iyo kung ano ang isinusuot mong damit.
"Hindi, ngayon lang. Gusto ko lang. Ngayon lang ako naglakas loob na magsuot nang ganito. Ngayon lang. Besides, nasa beach tayo, wala naman sigurong magsasaway sa akin kung bakit ganito ang suot ko, 'di ba?" Dumating na ang mga order naming alak. Nanlaki ang mata ko dahil puro hard drinks nga ang inorder niya. Treat na raw niya lahat dahil tumawa na raw ako.
"Wala bang magbabawal sa iyo? Like, boyfriend? Or asawa?" Natawa ako, sabay lagok ko ng isang basong beer.
"Mukha ba akong may boyfriend? Tingin mo may lalapit sa akin kung ganito ako kasungit at ka-cold sa lahat?" Napatigil lang ako saglit at tinuturo ko na ang sarili ko. "And wait, mukha na ba akong may asawa?" tanong ko sa kaniya. Natawa naman siya.
"So, wala?" tanong niya naman sa akin. Umoo ako gamit ang kilay ko habang nag-na-nod ako sa harap niya.
"Pwede pa ata akong umurong sa kasal." Sabay kaming napatawa ni Dwayne. May siraulo akong kasama ngayong buong gabi.
"Alam mo ba ang alak ay parang isang lugar?" tanong ko kay Dwayne, nakangiti lang ito sa akin, parang nasisiraan ng bait. "Hindi—" sagot naman niya, then tumawa ako.
"Kasi ang alak, parang dinadala ka nito sa mundo kung saan, napapabago nito iyong mga damdamin at pag-iisip mo na hindi mo kaya. Kapag nakakainom ako ng alak, parang ang tapang-tapang ko, parang nagagawa ko na iyong mga bagay without restrictions, iyong mga bagay na kinakailangan ko para maging matapang na sabihin na hindi ako okay, earth! Please, hinay-hinay naman sa mga problema. Masakit na, mabigat na!" Umaakto pa ako na parang isang traffic enforcer, nagpapatigil ng mga sasakyan... pangiti-ngiti pero naiiyak na ako.
"Ang tapang kong umiyak ngayon." Hindi ako nagpupunas ng luha, hindi ko iniinda ang mga tao sa paligid ko. Pakiramdam ko, wala nga akong pakialam kung ano ang sasabihin ng ibang tao sa akin, basta ako, gusto kong uminom at maglabas ng mga laman dito sa kaloob-looban ng puso ko.
"Madaldal ka pala kapag nakainom." Napangiti ako sa sinabi sa akin ni Dwayne.
"Yeah, yeah. Madaldal ako. Sa mga piling tao. So isa ka sa mga piling tao, maswerte ka kasi may super powers ka." Napangiti ako sa kaniya, nakatitig lang naman siya sa akin."May I ask you kung bakit ka kanina naiyak dahil sa sunset?" Mukhang natutuwa na si Dwayne sa akin na magtanong, tanungan portion na kami habang umiinom ng alak.
"Sunset. Bakit nga ba?" pag-uulit ko sa sinabi niya. Nag-akto na kini-clear ko iyong lalamunan ko para kunwari, mahaba-haba ang sasabihin ko, which is, mahaba naman talaga.
"I realized lately that... Sa sunset na iyon ko iiwanan ang mga bagay na nagpapasakit sa akin. Maybe, sa sunset na iyon ay isinama niya iyong portion, some parts ng lahat ng sakit dito sa puso ko. Alam ko kasi na hindi pa lahat, hindi pa lahat kayang kunin ng paglubog na iyon. Hindi pa lahat, pero mayroon, mayroon akong naisama sa paglubog na iyon." Tinuro ko ang puso ko habang naiiyak ako sa harap ni Dwayne. I don't know pero hindi ko na iniisip kung huhusgahan ba ako ng taong kaharap ko, basta masabi ko lang itong mga naiisip ko, itong mga nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
30 Days of Moving On
ChickLitSa tatlumpong araw ng Hulyo, magagawa ko bang kalimutan siya?