Chapter 9

55 6 0
                                    

Chapter 9

30 Days of Moving On

Day 6

Naikiwento ko na lahat kay Arn. Hindi ko alam kung natutuwa ba siya or hindi kasi parang hindi niya ako pinansin sa mga sinabi ko. Hindi raw niya gusto si Dwayne. Hindi ko naman sinabi sa kaniya na gustuhin niya si Dwayne, kaya hindi na lang kami nag-imikan.

Sabado ngayon at over time ako. Kasama ko si Arn na mag-overtime kaya tuwing sabado, halos kakaunti lang kami na mga empleyado ang nandirito sa office. Karamihan, nasa accounting department ang mga mahilig sa overtime. Marami kasi silang tinatapos lalo na at maraming inaayos sa finances at lalong-lalo na ang mga responsibilities sa government.

Maraming pinahabol sa akin si Miss Dana, iyon naman kasi ang mahilig sa pag-utos sa akin. Iyong iba sa mga trabaho niya, karamihan sa akin niya pinapagawa. Iyon iyong isang bagay kung bakit hindi nila gusto na mag-leave ako. Mawawalan sila ng utusan.

Nang mag-uwian na ay pinatawag na ako ni Miss Fara.

"Miss Galvezo, maupo ka." Naupo ako dahil nakangiti muna sa akin si Miss Fara na halatang good mood na good mood ito.

"My friend Joanne, wants me to approve your leave. So, dahil sa pangongosensya niya sa akin, at sa medyo not so good performance mo this past few months na parang taon na nga ata—kung hindi ako nagkakamali," nag-isip-isip muna siya na parang binibitin ako sa gusto niyang sabihin sa akin. "Ah, pinapayagan ko na ang gusto mo. Thank Joanne for this one, she badly needs your help! Hindi ko rin alam kung ano ang nakita niya sa iyo kung bakit gustong-gusto ka niya, siguro iyong nakita rin namin ni Dana sa iyo." Sa sobrang tuwa ko, kahit laitin ako ni Miss Fara, okay lang, makakapagpahinga na ako, sa isip ko.

"Sabi sa akin ni Joanne, kapag hindi ko raw pinagbigyan ang request mo ng leave baka raw nakawin ka niya sa amin at bigyan ng offer sa future company ng future daughter-in-law niya. Na alam mo naman ngayon, na medyo hindi ata niya bet ang pakakasalan ng uniko iho niya. Pero knowing Joanne, kung hindi talaga niya gusto, hindi talaga niya gusto." Naalala ko nga, ganoon talaga si Miss Joanne. Kapag gusto niya, gusto niya, at kapag ayaw niya, ayaw niya.

"So, ito na ang approved papers mo, ibigay mo na lang sa accounting para kahit papaano may allowance ka na dagdag bukod sa leave with pay mo. Good luck!" Nakangiti ito. Hindi ko maipaliwanag, pero parang may mas malalim na pakahulugan ang mga ngiti na iyon at ang huling kataga na sinabi sa akin ni Miss Fara.

Nang maibigay ko ang papers, nakangiti akong tumungo sa pantry. Pagtitimpla ko si Arn ng kape. Kanina pa niya ko hindi kinakausap.

"Arn!" tawag ko sa kaniya, pero may kausap siya sa phone. Nilapag ko na lang ang tinimpla kong coffee sa table niya. Ininom ko na ang kape na tinimpla ko para sa sarili ko.

Nag-check ako ng phone ko, may text from unknown number. Hindi ko naman kilala pero nang mabasa ko ang text, galing pala kay Dwayne. Nagyayaya si Miss Joanne ng lunch daw. Sabi ko, I'm with someone, pwede ko kaya isama si Arn, pero ang sabi, tatlo lang daw ang pinareserve. Nalungkot ako.

I was about to decline the offer, kaya lang ay bigla ko na lang nakita si Arn na nag-ayos ng gamit at umalis na ng office dala-dala ang bag niya. Tinignan ko rin ang coffee na nasa table niya, iyong tinimpla ko, hindi niya inubos. Parang may iba sa kaniya ngayon.

Nag-yes na lang sa lunch date namin nila Miss Joanne, then nag-ayos na ako ng gamit. Nang matapos ako ay saktong naghiyawan ang ibang employees na karamihan ay papauwi na rin.

Nanlaki ang mata ko nang makita si Dwayne na may hawak na bouqet of sunflowers! Paano niya nalaman na ito ang paborito kong bulaklak? My ghad, Dwayne! Napangiti ako sa bulaklak at hindi kay Dwayne.

30 Days of Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon