Chapter 32
30 Days of Moving On
22
"Okay, inhale-exhale. Continue to stretch it all out. Lahat-lahat ng muscles ay kailangan maunat, kailangan magamit. Lahat ng nasa katawan ninyo ay may function, kung hindi niyo gagamitin, maaring tumigas iyan at magloko." I breath in and out, walang sawa. Pinapakinggan ko lang si Tita Maris, focus and concentrate ako nang mabuti dahil alam kong binabantayan niya ako.
Nararamdaman ko lahat ng hangin na pumapasok sa aking dibdib. Nadadagdagan pa ng mabangong amoy ng Lavender na nilagay ni Tita Maris sa humidifier kaya nakaka-relax nang sobra. Iyong amoy na pumapasok sa baga na sobrang fresh, magaan, at payapa sa pakiramdam. Parang nawawala ang mga bitbit kong bigat.
Napapangiti ako tuwing mag-i-inhale ako, iniisip kong makakatulong ang pagpupuno ko ng hangin sa dibdib ko. Mas maraming hangin na pakiramdam ko niyayakap nito ang puso kong sugatan dahil sobrang warm nito sa parte ng baga ko. Nag-iiwan ako ng limang segundo para hawakan ang lahat ng hangin na inimpok ko sa dibdib ko. Ito ang pakiramdam na punong-puno ng hangin ang baga ko pero tumigil ako ng ilang segundo ng paghinga.
Kaya naman, doble ang ngiti ko kapag nag-e-exhale ako. Kapag nag-eexhale ako, hindi lang Carbon Dioxide ang nailalabas ko kundi ang lahat ng hangin na inimpok ko nang limang segundo sa dibdib ko.
Ang sarap pala pakawalan lahat ng hinawakan kong hangin sa dibdib ko. Kasama na rito ang mga sakit na naramdaman ko at bigat ng loob na dinadala ko.
Ganito ang halaga ng inhale at exhale sa buhay ko.
Pinataas ni Tita Maris ang aming dalawang kamay. Habang dahan-dahan itong nagtagpon sa ere na para kaming nagdadasal nang nakataas ang dalawang kamay. Maya-maya ay binilinan niya kaming manatiling pumikit.
Nanatili akong nakapikit at pilit kong sinunod ang mga sinasabi niya.
"Itaas niyo ang isang binti niyo habang binabalanse ang inyong katawan." Muntik na akong makadilat sa pagkakabigla sa sinabi ni Tita Maris. Balancing is not my type.
So I failed doing it.
"Miss Aya, it is not a requirement for you to give up something you never been done." Nagulat ako dahil nasa tapat ko na pala si Tita Maris. She was so serious, iyong mata na nagbibigay sa iyo ng no other option but, gagawin mo o gagawin mo.
"Hindi po ako mahilig mag-balance, Miss Maris. Matutumba lang po ako." Napalunok ako sa mukha ni Tita Maris na hindi kumbinsido. Umiling-iling pa ito at hindi siya umalis sa tabi ko hangga't hindi ko ginagawa ang sinasabi niya.
Maya-maya ay pinatingin niya ako sa mga kasamahan ko, halos lahat ay nagawa na ang pinapapagawa ni Tita Maris kahit iyong may pinakamabigat na timbang sa amin at hindi ako makapaniwala. Literal na nanlaki ang mga mata ko.
"Release something in you for you to accept a new oppurtunity. Iwan mo na ang pagsasabi na hindi ka marunong sa balance at itayo mo ang pagsasapuso ng balance ngayon din." Napalunok ako sa sinabi ni Tita Maris. Hindi iyon request, kundi utos.
I lifted my head. I close my eyes. I breath deep in and after fewer seconds, exhaled what's making me stop. Then I lifted my right knee. I was shaking.
Hindi ito madali.
"Balance is the ability to stay upright or to stay in control of body movement. You have all the control within you. Aya, it is your own ability to balance your life, your heart, and mind. Always remember that." Matiyaga kong inulit ang ginawa ko kanina. Huminga ako ng maraming hangin, itinaas kong muli ang dalawang kamay ko at pinagdampi ako iyon sa itaas. I released all things na nagsasabing hindi ako marunong, hindi ko kaya, at hindi ako magaling.
BINABASA MO ANG
30 Days of Moving On
Chick-LitSa tatlumpong araw ng Hulyo, magagawa ko bang kalimutan siya?