Chapter 30

28 0 0
                                    

Chapter 30

30 Days of Moving On

21

It's Sunday. Katatapos ko sumama sa fun run. Dumiretso ako sa coffee shop na pinupuntahan namin ni Arn noon. Ang kaibahan lang ngayon, walang Arn akong kasama. Mag-isa. And I wonder na mas magaan pala kapag wala kang kasama.

"Kuya, iyong dati naming order!" Tumango si Kuya habang nakangiti sa akin. Pupunta sana ako sa space namin noon ni Arn pero may nakaupo ngayon doon. Nagpasiya akong humanap ng ibang place. Iyong pang-isahan na lang. I decided sa may tabi rin ng bintana pero isang mahabang table na may single na upuan. I enjoyed the vibrant view, nakaka-relax kahit simple lang. Maliwanag, maaliwalas, at payapa.

"Here's your coffee po, Ma'am! Wala po muna ata si Sir?" Nakangiting in-serve ni Kuya ang order ko. May pahabol pa itong tanong sa dulo. Huminga ako nang malalim, "yeah, medyo busy nga iyon. Sa susunod, sasabihan ko siya na sumama na. Iyon kasi ang malaking magbigay ng tip." Nagkamot ng ulo si Kuya Waiter. "Okay lang po iyon, Ma'am. Hindi lang po ako sanay na wala po kayong kasama," nag-aalangan man si Kuya Waiter na sabihin sa akin iyon, halata ko sa kaniya na sinsero ito.

"Minsan, kailangan ko rin matutong maging mag-isa..." Tinignan ko si Kuya Waiter na naghihintay pa sa sasabihin ko, "Nang masaya." Ngumiti ako sa kaniya.

"Iyon po ang importante, Ma'am. Sa totoo lang po, ngayon ko lang po kayo nakita na ganiyan ngumiti. Noon po kasi ako, akala ko po hindi kayo kumakausap ng ibang tao maliban kay Sir." Hindi ako nagalit kay Kuya Waiter, hindi kagaya noon na kapag kinausap mo ako, para akong leon na hindi mo makausap sa sobrang taas. Malaki nga ang pinagbago ko. Ngumiti ako nang tipid kay Kuya Waiter, nagpaalam muna ito sa akin na babalik na sa station nito.

Napangiti ako lalo dahil hindi na mabigat ang loob ko kapag may kumakausap sa akin. Malaki rin ang nakapuwang na kasiyahan sa puso ko na may mga tao na hindi na natatakot sa akin na kausapin ako. Natahimik ako saglit, tinitigan at in-enjoy ang coffee na hawak ko.

Para sa mga hindi coffee-lover, pare-pareho lang ang kape. Matapang. Pero para sa akin, hindi. May mga kape na sa amoy pa lang, bubuoin na ang araw. Papalakasin ang sistema, papagaanin ang loob, at papaganahin ang itinatagong sigla. Kahit wala akong kasama ngayon, parang mayroon pa rin.

Patingin-tingin lang ako sa labas, pumipikit-pikit. Iba iyong nararamdaman ko ngayong araw.

"Ang sarap tumakbo," bulong ko sa sarili ko habang inaalala ko ang pagtakbo ko kanina. Kahit mag-isa ako.

Saglit kong tinignan ang cellphone ko. Hindi ko matiis kung may nag-te-text ba o wala. Nakita ko ang pangalan ni Arn, may sampu itong text kung natuloy ba ako mag-fun run. Bago pa ang kasal ng Mommy at Daddy niya, nabanggit na niya sa akin na hindi siya makakapunta ngayong Linggo kaya nagpasiya akong tumuloy kahit na wala siya. At the end, na-enjoy ko naman, nakaya kong mag-isa, at isang malaking accomplishment para sa akin iyon.

Napatigil ako nang makita ko ang pangalan ni Dwayne. Sobrang dami nitong text at tawag sa akin. Maging sa messenger ay tadtad ako ng call at chat. Nag-sip ako nang kaunting kape, kaunting pasensya lang muna para kay Dwayne. Nabigla ang tao sa pag-iwan ko sa kaniya kahapon.

Matapos ang pag-aya niya sa akin ng kasal, ke-totoo o hindi, iniwan ko siya sa Tagaytay. Nagpahatid ako kay Mike. Sa sobrang gulat ko at hindi ko inaasahan na tatanungin niya ako nang ganoon. Kinabahan ako kaya hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. Hindi ko binanggit kay Mike kung bakit ako nagmadaling umuwi, wala kasi siya noong gabi na nagpe-prepare kami kaya hindi niya maiintindihan.

Alam ni Arn ang nangyari kaya siya na ang nagpaalam kila Tita Mabel at Tito Brian ang tungkol sa pag-alis ko nang maaga. Hindi ako pwedeng magtago o magsinungaling kay Arn dahil nandoon siya noong gabi na nalasing si Dwayne. Nakiusap ako sa kaniya na huwag sasabihin kahit kanino kaya ang sabi na lang niya ay emergency at mayroon din akong lakad ngayon, iyon ay ang pagtakbo ko. Naintindihan naman daw nila.

30 Days of Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon