Hi! Dito na lang ako magpapasalamat kung mayroon man pong nakapagtyigang basahin ang kwentong ito. Maraming salamat po sa inyong lahat!
Isang taon bago ko ito natapos dahil nang sinisimulan ko ito, kasama ko siya at okay kami. Masaya. Oo masaya kapag kasama ko siya pero hindi habang-buhay tayong nakatali sa taong sinasaktan lang tayo. Mahal natin at kahit ilang beses tayong balikan kung hindi naman deserve ang lahat ng pagmamahal na kaya nating ibigay ay huwag na natin ipaglaban. May mga pag-ibig na darating pa, na ibibigay sa atin iyong para sa atin. Iyong ipapaintindi sa atin kung ano ang kahulugan ng totoong pagmamahal.
Kaso, ayon nga, nawala ulit siya kaya natapos ko na itong libro. Siguro ito iyong story na isasabay ko ang wakas sa pagwawakas ng pagmamahal ko para sa kaniya. May mga times na naiiyak ako dahil akala ko hindi ko na matatapos. Akala ko hindi ko na mawawakasan ang kwentong ito kagaya ng pagtapos ko ng lahat ng pagmamahal ko na mayroon siya rito sa puso ko. Pero hindi pala. Kinaya kong tapusin hanggang dulo, kinaya kong wakasan si Mike sa buhay ni Aya kaya kakayanin ko rin na wakasan at tuldukan ang lahat sa kaniya.
Sana may natutunan kayo. Alam kong marami pa akong huhubugin sa kwentong ito at napakarami ko pang kailangan na matutunan sa mundo ng pagsusulat. Marami pa. Sobra, pero iiwan ko muna itong kwento na ito rito. Hindi ako nagmamadali na gumaling sa pagsusulat. It will take time to be better. Gusto ko lang magpasalamat at humingi ng pang-unawa kung marami kayong nakitang loopholes o mga errors. Inaamin ko ang aking kakulangan.
Muli, maraming salamat po at mahal ko kayo!
-SAV
--------------------------------------------
SAVAGE BLOSSOM || Wattpad2020 || All Rights Reserved
BINABASA MO ANG
30 Days of Moving On
ChickLitSa tatlumpong araw ng Hulyo, magagawa ko bang kalimutan siya?