Chapter 3
30 Days of Moving On
Day 2
Everything went so heavy. Ang bigat ng lahat para sa akin, ang paggising ko, ang pagmulat ko ng mga mata ko, at lalong-lalo na ang paghinga ko. I literary want myself dead this time, parang mas okay nang mamatay kaysa mabuhay ako nang wala siya sa buhay ko.
Everything seems so dark. It all went black the moment I have found no one beside the bed where he used to sleep hugging me tightly. Iniisip ko na sana, paggising ko, nandito pa siya, pero kahit na anong klase ng gising ko sa sarili ko, wala na talaga siya.
Everything was difficult, without him in my life. Nasanay kasi ako na nandiyan lang siya. Nasanay ako na may tatawa sa tuwing alam niya na pagod na ako sa trabaho just to remind me na nandiyan siya at handa akong patawanin. Papagaanin niya ang mood ko at sasabihing hindi maganda sa akin ang stress dahil nakakataba at nakakakulubot ng mukha iyon. Nasanay ako na mayroong nag-iisang tao na nagtitiwala sa akin na makakaya ko ang mga problema ko, na wala namang inaatrasan na laban, na isa akong fighter sa buhay ko. Nasanay kasi ako na may karamay ako sa mga desisyon ko sa buhay, mapamali man iyon o mapatama. Nasanay ako na may iniiyakan ako kapag inaapi na ako ng mga dala-dalahin ko sa buhay. He used to be one whose been there all my life.
He used to be my everything. He's my everything.
"Miss Aya, may kakausap sa iyo na client, big client iyon. So, break a leg!" Miss Dana, palagi na lang siyang ganito. Akala niya palagi akong strong, wala naman akong kagana-gana na sa trabaho ko. I request a vacation, pero ito at dinadagdagan lang niya ang trabaho ko. Sabi nila, after ko ma-close ang isang client, doon nila ako pagbibigyan. Pero naka-isang taon na akong naghihintay ng approval ng leave ko, wala pa rin hanggang ngayon.
Pumunta ako sa client ko. Hindi naman siya katandaan, hindi rin naman na bata. It requires na may pagka-authority kapag humarap ka sa mga tao na ganito. Iyong dapat alam mo lahat ng ginagawa mo at ang mga sasabihin mo. Ganito naman ang dapat sa trabaho ko, dapat isang tingin mo lang sa isang tao, alam mo na kung ano ang mga ikikilos mo, dapat tantyado, kalkulado mo na ang kilos mo sa bawat galaw mo. Para isang kuhaan lang ang kliyente.
Hindi ko alam kung bakit pagdating sa mga ganitong gawa, para akong nagta-transform sa ibang tao, para akong walang problema, parang wala akong pinagdadaanan na kung ano. Kailangan ko kasi maging artista, kailangan ko magsuot ng maskara para maging matagumpay sa pagtatanghal ko sa entablado ng trabaho ko.
She was a widow. Kaya pala mukhang marami nang experience, marami na rin siyang kakilala na naging business partners niya dahil lang sa passion niya sa industry niya. Then, she discovered our business at sobra raw siyang na-curious sa amin.
"It was so helpful na ikaw ang ibinigay na product orientor ni Miss Fara sa akin. She was my friend, and I'll give you high points for a job well done. Miss Hyacinth, baka gusto mong mag-dinner kasama ang family ko since, sabi mo... you never experience one." Napatingin ako kay Miss Joanne. Mukhang alam na alam niya rin kung paano magpalambot ng mga tao.
I want to decline, una sa lahat, busy ako. Busy ako na makipagbuno, pakikibaka sa pagmomove on ko. Kung maari, hanggat maari –wala munang makakakita sa aking tao.
"It's my pleasure po to have dinner with you, pero may inaayos po kasi sa bahay, nagpapamake-over po ako para may something new naman po sa buhay ko. Kaya po, hindi pa po ako makakasama." Nalungkot ang mukha ni Miss Joanne sa aking sinabi.
"Hindi ko naman sinabing ngayong gabi, kapag bumalik na ang anak ko at ang kaniyang fiance galing Japan, iinvite kita to have dinner with us, okay lang ba iyon? Hope na hindi mo naman tanggihan. Sobrang magaan kasi ang loob ko sa iyo." Napangiti ako sa sinabi niya. Matagal pa naman siguro iyon, baka nakamove-on na ako no'n. Pero natatawa na lang ako sa isiping iyon, parang imposible.
BINABASA MO ANG
30 Days of Moving On
ChickLitSa tatlumpong araw ng Hulyo, magagawa ko bang kalimutan siya?