Chapter 22

25 0 0
                                    

Chapter 22

30 Days of Moving On

13

Nakarating na kami ni Dwayne. Dagsa ng mga kotse sa paligid, paniguradong maraming tao ang dumalo. Hindi lang batch namin ang nandito kundi pati na rin ang ibang batch. Halos lahat, puro mayayaman na. Hindi ako mapapansin dito kung ang sinuot kong damit ay iyong mga nasa closet ko lang. Hindi naman ako mahilig sa mga ganitong party.

Inakay ako ni Dwayne papasok sa hall. Kumikinang ang buong paligid. Tila isang lugar ng mga bituin at mga marmol na diyamante. Ang classy ng pagkakadisenyo. May mga arko sa bawat gilid, golden brown ang tema ng paligid pero ang pinasuot sa amin ay black and or white. Karamihan sa amin ay sumunod sa dress code kaya ang pinagtataka ko ay si Red Lady, lutang na lutang kulay niya.

Malayo pa lang ako ay kumuway na ito, lumapit siya sa akin at bumeso. Lumukot ang mukha ko dahil sa ginawa niya. Hindi ako sanay na parang magkaibigan kaming dalawa eh ito pa lang ang pangalawang beses na nagkita kami.

"Good you're here. So, it's him again na kasama mo. Mr. Ritual." Matapos niya ako batiin ay tumingin siya sa lalaking kasama ko, ngumiti nang nagpapa-cute at iniabot ang kamay kay Dwayne nang malantik-lantik pa ang kamay.

"Good evening, Mr. Ritual. I am Rica Salas, it's nice to meet you here. Ang tagal ko nang hinihintay na i-accept mo ang offer kong meeting but you're keeping a tight schedule on me. So, may you enjoy this party, and hope you'll not ignore me again." Napansin ko ang pagkindat ni Red Lady kay Dwayne. Si Dwayne naman ay nakita ang pagsama ng tingin ko kay Red Lady.

Dahil sa pagsibangot ko sa kanilang dalawa, nilagay ni Dwayne ang kamay sa braso ko at inakay ako sa reserved table namin. Iniwan na namin si Red Lady at parang hindi ito natinag dahil nakatitig pa rin ito sa aming dalawa hanggang makarating kami sa table.

"Mukhang kaya ako niyaya rito dahil sa iyo," bulong ko kay Dwayne. Hindi pa nag-start ang program, marami na rin ang nakaupo sa mga mesa, kalat-kalat naman ang iba dahil may mga kaniya-kaniyang kausap na grupo.

"Dapat iwasan ang mga gold digger. That's Rica Salas, she's what you call this..." Napatigil saglit si Dwayne dahil may umakyat ng stage at sinabing the program will about to start in five minutes.

"She victimize old rich guys kahit may asawa para sa business niyang scam. She's illegal recruiter, pagdating ng mga nire-recruit niya sa ibang bansa, ibang trabaho pala ang naghihintay sa kanila roon. Maraming mga kaso ang nakahain sa kaniya but still, hindi siya makulong-kulong dahil sa mga sugar daddies niya." Nakalapit ang bibig ni Dwayne sa taenga ko dahil mahina lang ang pagkakabulong nito sa akin. Baka may makarinig sa paligid.

Maya-maya ay nagsimula na ang program. Maraming seremonyas, napaka-energetic ng emcee, at magaganda ang mga intermission numbers. Naaaliw ako.

Nang matapos na ang first part, nag-umpisa nang magsayawan. So Dwayne invited me on dancefloor.

"Huwag mong sabihing, gigiling ka riyan?" Natawa ito sa sinabi ko at nilagay ang kamay ko sa kamay niya.

"Trust me, masaya magsayaw." No choice. Nakalagay na ang palad ko sa palad niya kaya hinila na ako nito sa dance floor. Isa kami sa unang nagsayaw kaya tampulan kami ng tukso. Ina-announce iyong mga pangalan ng mga unang nagsayaw dahil may donation rights iyon. Nag-donate pala si Dwayne sa school ng two million.

"Hindi mo naman sinabi sa akin na donor ka pala ng school namin." Nag-uusap kami habang nagsasayaw.

"Matagal nang donor si Mommy rito. Actually, ako lang ang pumunta pero siya talaga ang donor. And dito rin ako nag-aral before ako lumipat sa states." Naghihiyawan ang mga tao sa amin. Nilapit kasi ni Dwayne iyong noo niya sa noo ko kaya halos magdikit na ang mukha namin.

30 Days of Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon